Sen. Poe, tiwalang matitiyak ng 2025 National Budget ang responsableng paggamit ng pera ng bayan

Kumpiyansa si Senate Committee on Finance chairperson Senadora Grace Poe na ang nilagdaang 2025 National Budget ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay hindi lang magtitiyak na maiiwasan ang maling paggamit ng kaban ng bayan, kundi magsisiguro ring mananatiling responsable, sustainable ay nakalinya sa fiscal priorities ang paggasta ng pamahalaan. Ayon kay Poe, sinasalamin ng… Continue reading Sen. Poe, tiwalang matitiyak ng 2025 National Budget ang responsableng paggamit ng pera ng bayan

Nilagdaang 2025 National Budget ni PBBM, repleksyon ng nagkakaisang hangarin ng pamahalaan na makatugon sa pangangailangan ng mga Pilipino— Speaker Romualdez

Sinasalamin ng P6.326 trillion 2025 National Budget ang hangarin ng pamahalaan na mapagbuti ang buhay ng mga Pilipino. Ito ang iginiit ni Speaker Martin Romualdez kasunod ng paglagda ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2025 General Appropriations Act. “Today marks a significant milestone as President Ferdinand R. Marcos Jr. signs the P6.326-trillion General Appropriations… Continue reading Nilagdaang 2025 National Budget ni PBBM, repleksyon ng nagkakaisang hangarin ng pamahalaan na makatugon sa pangangailangan ng mga Pilipino— Speaker Romualdez

Mabigat na trapiko, asahan sa Elliptical Road dahil sa isasagawang “Quezon City Countdown to 2025” bukas

Inabisuhan ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang mga motorista hinggil sa inaasahang pagbigat ng trapiko sa Elliptical Road. Ito ay dahil sa isasagawang “Quezon City Countdown to 2025” sa Quezon Memorial Circle bukas. Batay sa abiso, ang New Year’s Eve countdown ay magsisimula ng alas-4 ng hapon kung saan mapapanood ang ilang kilalang… Continue reading Mabigat na trapiko, asahan sa Elliptical Road dahil sa isasagawang “Quezon City Countdown to 2025” bukas

Presyo ng mga bilog na prutas sa Marikina Public Market tumaas na, ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon

Dagsa na ang mga mamimili rito sa Marikina Public Market ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Mabenta na rin ang mga bilog na prutas na pinaniniwalaang pampaswerte. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, tumaas na rin ang presyo nito ng P10 hanggang P20 partikular na ang pakwan, melon, suha, at honey dew. Nakapanayam din… Continue reading Presyo ng mga bilog na prutas sa Marikina Public Market tumaas na, ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon

House panel chair, ikinalugod ang pagkakasama sa 2025 National Budget ng ikalawang sigwada ng salary standardization

Tiyak na ang panibagong salary hike para sa may 1.8 milyong kawani ng gobyerno sa 2025. Ito ang magandang balitang ibinahagi ni Committee on Civil Service and Professional Regulation Chairperson Kristine Alexie Tutor kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2025 General Appropriations Act. Nakapaloob sa pambansang pondo ang ₱1.757 trillion na… Continue reading House panel chair, ikinalugod ang pagkakasama sa 2025 National Budget ng ikalawang sigwada ng salary standardization

Pilipinas, nanguna sa ASEAN na may pinakamataas na Manufacturing PMI sa Nobyembre 2024 — S&P Global

Naitala ng Pilipinas ang pinakamataas na Purchasing Manager’s Index (PMI) kontra sa lima pang bansa sa ASEAN region para sa buwan ng Nobyembre 2024, ayon sa ulat ng S&P Global. Ayon sa datos mula sa S&P Global, naitala ng Pilipinas ang PMI na 53.8 ngayong Nobyembre, mas mataas kumpara sa 52.9 noong Oktubre na sinusundan… Continue reading Pilipinas, nanguna sa ASEAN na may pinakamataas na Manufacturing PMI sa Nobyembre 2024 — S&P Global

PCG, tumulong sa nawawalang Pinoy na tripulante ng isang Singaporean vessel sa katubigang sakop ng Zamboanga

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) para mahanap ang nawawalang Pinoy na tripulante ng Singaporean vessel na RTM Zheng He. Kinilala ang nawawalang crew ng barko na si Aguaviva Gel Jutba, 44 anyos. Huling nakita si Jutba noong Disyembre 26, 2024, bandang 11:25 ng umaga, sa port side main… Continue reading PCG, tumulong sa nawawalang Pinoy na tripulante ng isang Singaporean vessel sa katubigang sakop ng Zamboanga

13 Filipino surrogates, nakauwi na ng bansa mula Cambodia

Matagumpay nang nakabalik sa bansa ang 13 Filipino surrogates mula Cambodia matapos silang bigyan ng Royal Pardon ni His Majesty Preah Bat Samdech Preah Boromneath Norodom Sihamoni (pre dat sam det pre borom-net norodom siha mo ne) noong Disyembre 26, 2024. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang kanilang pag-uwi ay naisakatuparan sa tulong… Continue reading 13 Filipino surrogates, nakauwi na ng bansa mula Cambodia

Embahada ng Pilipinas, patuloy ang pakikipagtulungan sa Kuwaiti authorities ukol sa kasong kinasasangkutan ng isang Pinoy domestic worker

Iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang kanilang matinding kalungkutan at pagkabigla sa malagim na insidente kung saan nasangkot ang isang Pilipinong domestic worker sa pagkamatay ng isang batang Kuwaiti sa tahanan ng amo nito. Sa kanilang pahayag, ipinahatid ng Embahada ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng biktima sa mga panahong ito. Tiniyak din… Continue reading Embahada ng Pilipinas, patuloy ang pakikipagtulungan sa Kuwaiti authorities ukol sa kasong kinasasangkutan ng isang Pinoy domestic worker

Cardinal David, nagpaabot ng mensahe sa mga mananampalataya ngayong Jubilee Year

Hinimok ni Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang mga mananampalataya na gawing pagkakataon ang Jubilee Year para sa espirituwal na pagbabago at reporma sa Simbahan. Sinabi ni Cardinal David na dapat palalimin ng bawat isa ang kanilang pananampalataya at misyon bilang bahagi ng Simbahan, kasabay ng pagtutulungan… Continue reading Cardinal David, nagpaabot ng mensahe sa mga mananampalataya ngayong Jubilee Year