Apat na titulo, nasungkit ng Pilipinas sa 2024 World Travel Awards

Nagsilbing malaking karangalan para sa Pilipinas ang pagkapanalo ng apat na prestihiyosong titulo sa katatapos lamang na Grand Final Gala Ceremony para sa 2024 World Travel Awards na ginanap sa Madeira, Portugal. Sa kaganapan, itinanghal ang Pilipinas bilang World’s Leading Dive Destination sa ika-anim na magkakasunod na taon, habang kinilala rin ang Maynila bilang World’s… Continue reading Apat na titulo, nasungkit ng Pilipinas sa 2024 World Travel Awards

4Ps ng DSWD, nakatulong sa pagbaba ng bilang ng child laborers sa bansa

Malaki raw ang naitulong ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development sa pagpapababa sa mga insidente ng child labor sa bansa. Ayon kay 4Ps National Program Manager Director Gemma Gabuya, layunin ng programa ang mapanatili ang mga kabataang benepisyaryo na makapagtapos ng edukasyon at maiayos ang kanilang kalusugan. Sa… Continue reading 4Ps ng DSWD, nakatulong sa pagbaba ng bilang ng child laborers sa bansa

Senador Bong Go, tinangging kaibigan niya ang drug suspect na si Allan Lim

Pinabulaanan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kaibigan niya drug suspect na si Allan Lim. Ayon kay Go, galit sila sa droga at galit sila sa mga drug lord kaya naman imposibleng maging kaibigan niya si Lim. Sa presentasyon kasi ni PDEA Deputy Director for Operations Assistant… Continue reading Senador Bong Go, tinangging kaibigan niya ang drug suspect na si Allan Lim

P10-B na naibalik para sa modernisasyon ng AFP, ikinatuwa ni Senador bato dela Rosa

Malaki ang pasasalamat ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at naibalik sa P50 billion ang alokasyong pondo para sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa susunod na taon. Matatandaang sa bersyon ng Kamara ng budget bill ay natapyasan ng P10 billion ang AFP modernization program at ginawa na lang P40 billion.… Continue reading P10-B na naibalik para sa modernisasyon ng AFP, ikinatuwa ni Senador bato dela Rosa

Burea of Treasury, nakapagtala ng  budget surplus sa buwan ng Oktubre

Nakapagtala ang administrasyong Marcos ng fiscal surplus na P6.3 bilyon noong Oktubre, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Ang positibong balanse sa badyet ay resulta ng mas mataas na koleksyon ng kita at mas mabagal na paglago ng gastusin ng pamahalaan. Ayon sa BTr, ang surplus na ito ay isang malaking pagbangon mula sa… Continue reading Burea of Treasury, nakapagtala ng  budget surplus sa buwan ng Oktubre

Pangulong Marcos, umaasa na mas maraming Pilipino ang tatangkilik sa musika ng Pilipinas

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas maraming Pilipino ang kikilala sa potensyal ng tugtuging Pilipino at sa mga mang-aawit ng bansa. Sa Gintong Parangal sa Malacañang kung saan binigyang pagkilala ang pitong chorale groups na nakapag-uwi ng karangalan para sa Pilipinas, sinabi ng Pangulo na umaasa ang Palasyo na sisimulan ng pagkilalang… Continue reading Pangulong Marcos, umaasa na mas maraming Pilipino ang tatangkilik sa musika ng Pilipinas

Pagbuo sa Inter-agency Committee on International Humanitarian Law, ipinag-utos ng Palasyo

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatatag ng Inter-agency Committee on International Humanitarian Law (IHL). Ang International Humanitarian Law ay ang legal na pamantayan para sa proteksyon ng mga indibidwal na hindi direkta o hindi na aktibong nakikibahagi sa mga digmaan at armadong pakikibaka. Sa bisa ng Executive Order no. 77, nakasaad na alinsunod… Continue reading Pagbuo sa Inter-agency Committee on International Humanitarian Law, ipinag-utos ng Palasyo

OVP, hindi nakapagsumite ng justifiacation para sa hiling na dagdag budget kaya hindi naaprubahan ng Senado

Pinaliwanag ni Senate Committee on Finance chairperson Senadora Grace Poe na hindi nakapagbigay ng justification o formal request ang Office of the Vice President (OVP) para madagdagan ang kanilang panukalang budget sa susunod na taon. Ito ang dahilan kaya pinanatili ng Senado sa P733 million ang OVP budget kanilang bersyon ng budget bill. Pareho ito… Continue reading OVP, hindi nakapagsumite ng justifiacation para sa hiling na dagdag budget kaya hindi naaprubahan ng Senado

Pagkakatalaga sa pwesto ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque, lusot na sa CA

Inaprubahan na ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga sa pwesto ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque. Naitalaga sa pwesto si Roque nitong Agosto ng taong ito. Sa committee hearing ng CA, kabilang sa mga pinahayag ni Roque na inaasahan niyang madadagdagan ang papasok na international investments sa Pilipinas matapos… Continue reading Pagkakatalaga sa pwesto ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque, lusot na sa CA

PNP, nakatanggap ng ulat ng paghahakot at bayaran sa taga-suporta ng Pamilya Duterte na nagpunta sa EDSA-Shrine

Iniulat ng Philippine National Police na may mga natanggap silang report na nagkaroon ng hakutan sa ilang mga taga suporta ng Pamilya Duterte sa EDSA-Shrine. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, ipinakita ni PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo ang video nang nangyaring pag-iinterview sa mga posibleng hakot at paglilista sa mga nabayaran… Continue reading PNP, nakatanggap ng ulat ng paghahakot at bayaran sa taga-suporta ng Pamilya Duterte na nagpunta sa EDSA-Shrine