Vape shop sa QC na nagbebenta ng illegal vape products, sinalakay ng BIR

Iba’t ibang imported vape products na iligal na ibenebenta ng isang vape shop ang kinumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ginawa ito ng BIR matapos ang pagsalakay ngayong gabi sa business establishment na nasa kanto ng Tomas Morato at Sct Fuentebella sa Quezon City. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., nadiskubre nilang nagbebenta… Continue reading Vape shop sa QC na nagbebenta ng illegal vape products, sinalakay ng BIR

Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong #NikaPH, #OfelPH at #PepitoPH, abot na sa higit P200-M —DA

Nakapagtala na ng inisyal na P265.74 Million halaga ng pinsala sa sektor ng agrikuktura ang Department of Agriculture sa nagdaang bagyong Nika, Ofel at Pepito. Base ito sa assessment ng DA Regional Field Offices, sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Eastern Visayas. Karamihan sa naapektuhan ang mga pananim na palay,… Continue reading Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong #NikaPH, #OfelPH at #PepitoPH, abot na sa higit P200-M —DA

Senadora Cynthia Villar, pinabulaanang sinugod niya ang isang konsehal ng Las Piñas sa loob ng simbahan

Itinanggi ni Senador Cynthia Villar na sinugod niya si Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos sa loob ng isang simbahan sa kanilang lungsod. Ito ang paglilinaw ni Villar kaugnay ng nag-viral niyang video. Si santos ay makakalaban ni Villar sa Congressional seat sa lungsod sa 2025 elections. Ayon sa senadora, hindi niya sinugod ang konsehal.… Continue reading Senadora Cynthia Villar, pinabulaanang sinugod niya ang isang konsehal ng Las Piñas sa loob ng simbahan

Urgent bill certification ng panukalang 2025 budget, natanggap na ng Senado

Sinertipikahan na ng Malacañang bilang urgent bill ang panukalang P6.352 trillion 2025 budget.  Natanggap na ni Senate President Chiz Escudero ang urgent bill certification na pirmado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  Ngayong may urgent bill certification na, kapag naaprubahan sa ikalawang pagbasa ay hindi na kailangang hintayin ang 3-day rule para maipasa ang ito… Continue reading Urgent bill certification ng panukalang 2025 budget, natanggap na ng Senado

Pansamantalang importasyon, solusyon para hindi sumipa ang presyo ng agricultural products —Senador Sherwin Gatchalian 

Photo courtesy of Philippine News Agency by Yancy Lim

Aminado si Senador Sherwin Gatchalian na temporary importation ang solusyon para maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong pang agrikultura matapos ang pananalasa ng sunud-sunod na bagyo sa bansa. Pero giit ni Gatchalian, dapat pansamantala lamang ang gagawing importasyon o pananadalian lamang at tatagal lang hanggang maging stable na ang suplay ng mga produkto. … Continue reading Pansamantalang importasyon, solusyon para hindi sumipa ang presyo ng agricultural products —Senador Sherwin Gatchalian 

Tatlong malalaking proyekto ng NGCP, inaprubahan na ng ERC

Inaprubahan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang tatlong capital expenditure projects ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Layunin ng mga proyektong ito na palakasin ang transmission grid sa ilang lalawigan sa Luzon at Visayas. Kabilang sa mga inaprubahang proyekto ang: Bolo-Balaoan 500 kV Transmission Line Project na nagkakahalaga ng P17.09 bilyon. Ang… Continue reading Tatlong malalaking proyekto ng NGCP, inaprubahan na ng ERC

5-Point agenda ng DepEd, tutugon sa mga hamon sa sektor ng edukasyon

Inilatag na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang 5-Point Agenda para matugunan ang mga suliranin sa basic education. Sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara, binuo ang naturang plano na nakabatay sa mga pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address. Layunin ng 5-Point Agenda na tiyakin ang: Binigyang… Continue reading 5-Point agenda ng DepEd, tutugon sa mga hamon sa sektor ng edukasyon

Sunog sa Brgy. Kabayanan, San Juan City, umabot na sa ikalawang alarma

Isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa F. Manalo, Barangay Kabayanan, San Juan City. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot na sa ikalawang alarma ang sunog. Idineklara ang unang alarma bandang 4:43 ng hapon at itinaas sa ikalawang alarma bandang 4:58 ng hapon. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsusumikap ng… Continue reading Sunog sa Brgy. Kabayanan, San Juan City, umabot na sa ikalawang alarma

Pagpapaabot ng tulong sa mga biktima ang bagyo, walang deadline o hindi ihihinto hanggat kailangan, ayon kay Pangulong Marcos

Ipagpapatuloy lamang ng pamahalaan ang pagpapaabot ng tulong sa mga Pilipinong sinalanta ng magkakasunod na bagyong tumama sa Pilipinas, hangga’t nangangailangan pa ng tulong ang mga ito, mula sa impact ng mga nagdaang bagyo. “Pati ‘yung mga na-displace, na nawalan ng tirahan, na napunta sa bahay ng kanilang kapitbahay, ng kanilang kamag-anak, ng kanilang kaibigan… Continue reading Pagpapaabot ng tulong sa mga biktima ang bagyo, walang deadline o hindi ihihinto hanggat kailangan, ayon kay Pangulong Marcos

Iligal na pagbiyahe ng black sand mula Pilipinas patungong China, isiniwalat ni Sen. Raffy Tulfo 

Pinababantayan ni Sen. Raffy Tulfo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang iligal na pagbiyahe ng black sand mula sa Zambales patungong China.  Sa plenary deliberations ng panukalang 2025 budget ng DENR, pinunto ni Tulfo na pagdating sa China ay sinasala ang mga mineral mula sa black sand at ang buhanging matitira ay… Continue reading Iligal na pagbiyahe ng black sand mula Pilipinas patungong China, isiniwalat ni Sen. Raffy Tulfo