Project LAWA at BINHI ng DSWD, mas palalawakin sa 2025

Mas palalawakin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang programang LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) upang mas marami pang komunidad ang makinabang sa proyekto. Mula sa kasalukuyang bilang na 310 lungsod at munisipalidad sa 61 lalawigan, inaasahang madadagdagan sa susunod na… Continue reading Project LAWA at BINHI ng DSWD, mas palalawakin sa 2025

US Embassy, naglabas ng abiso ukol sa delay sa Visa payment

Inaabisuhan ng US Embassy sa Pilipinas ang publiko kaugnay ng intermittent technical issues na kasalukuyang nararanasan nito sa kanilang visa payment system. Ayon sa embahada, ang mga aberyang ito ay maaaring makaapekto sa ilang aplikante ng kanilang visa. Paalala ng Embahada, huwag nang magdagdag ng karagdagang bayad kung nakararanas ng delay o iba pang teknikal… Continue reading US Embassy, naglabas ng abiso ukol sa delay sa Visa payment

LRT-1, magpapatupad ng special train schedule para sa holiday season

Ipapatupad ng LRT-1 ang isang special train service schedule ngayong ngayong holiday season, sang-ayon sa private operator nitong Light Rail Manila Corporation (LRMC). Ayon sa LRMC, Para matugunan ang inaasahang pagtaas ng bilang ng mga pasahero, palalawigin nito ang operasyon ng LRT-1 sa mga piling araw. Sa Disyembre 20 at 23, ang huling tren mula… Continue reading LRT-1, magpapatupad ng special train schedule para sa holiday season

“Bike Ride Event” para suportahan ang kampanya para wakasan angViolence Against Women, isasagawa ngayong umaga ng QC LGU

Umarangkada ngayong umaga sa Quezon City ang “bike ride event” bilang pakikiisa sa 18 araw na kampanya para wakasan ang Violence Against Women (VAW). Tinawag ang aktibidad na Cycle to End VAW Bike Ride na tatagal hanggang alas 10 ng umaga. Dahil sa mga aktibidad, inaasahan na ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa Tomas… Continue reading “Bike Ride Event” para suportahan ang kampanya para wakasan angViolence Against Women, isasagawa ngayong umaga ng QC LGU

Pamamahagi ng Pamaskong Handog sa mga residente,sinimulan na ng Mandaluyong City LGU

Sinimulan na ngayong araw ng Mandaluyong City Government ang sabayang pamamahagi ng taunang “Pamaskong Handog” sa mga residente ng lungsod. Pinangunahan ni Vice Mayor Menchie Abalos ang pamamahagi ng noche buena items sa mga residente ng barangay Poblacion. Habang sa ibang barangay naman nag-iikot ang mga City Councilor para din sa pamamahagi ng pamaskong handog.… Continue reading Pamamahagi ng Pamaskong Handog sa mga residente,sinimulan na ng Mandaluyong City LGU

DMW, pinamamadali na ang pagpapauwi sa mga labi ng 2 OFW na namatay sa sunog sa Kuwait

Ikinalungkot ng Department of Migrant Workers (DMW) ang malagim na pagkamatay ng dalawang Overseas Filipino Worker dahil sa sunog sa Al Adan, Kuwait noong Disyembre 2, 2024. Sa ulat ni Labor Attaché Manuel Dimaano ng DMW Migrant Workers Office (MWO) sa Kuwait, namatay ang dalawang OFW dahil sa pagkalanghap ng toxic gases mula sa sunog.… Continue reading DMW, pinamamadali na ang pagpapauwi sa mga labi ng 2 OFW na namatay sa sunog sa Kuwait

187 illegal POGO workers, ipina-deport ng BI

Ipina-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang aabot sa 187 Chinese nationals na sangkot sa ilegal na operasyon ng online gaming (POGO) dito sa bansa. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga ipina-deport na dayuhan ay lulan ng Philippine Airlines flight papuntang Shanghai, China, noong Disyembre 5, na umalis sa NAIA Terminal… Continue reading 187 illegal POGO workers, ipina-deport ng BI

DBM, nagsagawa ng ikalimang Bloodletting Drive sa UP-PGH

Isinagawa ng Department of Budget and Management (DBM) ang ikalimang bloodletting drive ng ahensya ng tinawag nitong “Dugtong Buhay Movement” katuwang ang Philippine General Hospital sa Ermita, Maynila. Pinangunahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang Dugtong Buhay Movement, na layong itaguyod ang kahalagahan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo upang matulungan ang mga pasyenteng nangangailangan. Mahigit… Continue reading DBM, nagsagawa ng ikalimang Bloodletting Drive sa UP-PGH

Maginhawa Arts & Food Festival 2024, bubuksan sa Quezon City- LGU

Bubuksan na ngayong 9:00 umaga ang Maginhawa Arts and Food Festival 2024 sa Lungsod Quezon. Dahil dito, asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa paligid ng Maginhawa St. dahil sa event. Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan muna ang lugar at pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta. Simula alas nueve ng umaga, ipapatupad… Continue reading Maginhawa Arts & Food Festival 2024, bubuksan sa Quezon City- LGU

Safety ng mga Pilipino, mananatiling top priority ng Marcos Administration 

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kaligtasan ng mga Pilipino ang top priority ng pamahalaan. “It’s a time to reflect and to express our gratitude, and renewed commitment to a Bagong Pilipinas where safety and peace are not exceptions but are expectations.”—Pangulong Marcos. Sa ika-33 Anti-Terrorism Council (ATC) meeting, sinabi ng Pangulo na… Continue reading Safety ng mga Pilipino, mananatiling top priority ng Marcos Administration