Bagong guidelines para sa paggamit ng toll expressways, magiging epektibo sa August 31 – DOTr

Pormal nang inilabas ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), at Toll Regulatory Board (TRB) ang Joint Memorandum Circular No. 2024-001 o ang Revised Guidelines for All Vehicles Travelling on Toll Expressways. Ang naturang guidelines ay magiging epektibo simula August 31, 2024. Layon ng bagong guidelines na mapabilis ang daloy ng trapiko sa… Continue reading Bagong guidelines para sa paggamit ng toll expressways, magiging epektibo sa August 31 – DOTr

BFAR, nilinaw na ligtas nang kainin ang mga isda at shellfish na manggagaling sa NCR, Region 4A at Region 3

Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas nang kainin ang mga isda at shellfish mula sa karagatan ng Region 4A, Region 3 at National Capital region (NCR). Sa ginawang pagdinig ng House Committee on Ecology sa pinakahuling oil spill sa Limay, Bataan, sinabi ni BFAR Assistant Secretary Angel Encarnacion, ito ay… Continue reading BFAR, nilinaw na ligtas nang kainin ang mga isda at shellfish na manggagaling sa NCR, Region 4A at Region 3

BSP at National Bank of Cambodia, lumagda ng MOU para palakasin ang kooperasyon

Lumagda ng kasunduan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Bank of Cambodia na naglalayong palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang central bank. Kasunod ng paglagda ng MOU, nagkaroon ng high level bilateral meeting sina BSP Gov. Eli Remolona at NBC Gov. Chea Serey kung saan tinalakay ng pinakahuling macroeconomic at financial development… Continue reading BSP at National Bank of Cambodia, lumagda ng MOU para palakasin ang kooperasyon

Valenzuela LGU, inalerto ang mga residente laban sa ASF

Pinag-iingat na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang publiko laban sa African Swine Fever (ASF). Sa abiso ng local government, bagamat walang naitalang kaso ng ASF sa lungsod kailangang maging mapanuri ang publiko sa pagbili ng karneng baboy. Pinapayuhan ang publiko, na bumili lamang ng karneng baboy sa mga sertipikadong meat dealer at lutuing… Continue reading Valenzuela LGU, inalerto ang mga residente laban sa ASF

Anomalya sa training grants ng TESDA para sa mga magsasaka, pinaiimbestigahan sa Kongreso ng farmers group

Hiniling na ng Federation of Free Farmers sa Kongreso na imbestigahan ang umano’y anomalya sa training grants na ipinagkakaloob ng Technical   Education   and   Skills   Development Authority (TESDA) para sa mga magsasaka.  Ayon sa farmers group, ilang TESDA provincial personnel ang humihingi ng hanggang 30 percent na “under the table” advances mula sa mga farm school… Continue reading Anomalya sa training grants ng TESDA para sa mga magsasaka, pinaiimbestigahan sa Kongreso ng farmers group

Tax agencies, nakamit ang mahigit sa kalahati ng kanilang revenue target para sa taong 2024

Umaabot sa P2.2 trillion ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) mula January hanggang July 2024. Ayon sa Department of Finance (DOF) katumbas ito ng halos 60 percent ng revenue target ngayong taon na nasa P3.82 trillion. Ang P2.2 trillion ay mas mataas ng 11 percent sa nakolektang… Continue reading Tax agencies, nakamit ang mahigit sa kalahati ng kanilang revenue target para sa taong 2024

Pangulong Marcos, tiniyak na makakabenepisyo ang bawat Pilipino sa gumagandang economic performance ng bansa

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pakikinabangan ng bawat Pilipino ang papalakas na ekonomiya ng Pilipinas. Ang pagtiyak ay ginawa kasunod ng gumagandang economic performance ng bansa na pinatunayan ng grade “A” rating na iginawad ng Japan-based Rating and Investment Information, Inc. Ayon sa Pangulo, ang nakuhang pinakamataas na rating ay hindi lamang… Continue reading Pangulong Marcos, tiniyak na makakabenepisyo ang bawat Pilipino sa gumagandang economic performance ng bansa

DA-PhilRice Isabela, tiniyak na di nadodoble ang pamamahagi ng binhi ng palay sa kanilang nasasakupan

Tiniyak ngayon ng Department of Agriculture Philippine Rice-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice na maayos na naipapamahagi at hindi nadodoble ang natatanggap na binhi ng palay ng mga magsasaka sa Region 2 at sa Cordillera. Ayon kay Dr. Andres Dela Cruz, Jr., Head ng Field Operations and Monitoring Division, sa pamamagitan ng nabuo nilang rice seed… Continue reading DA-PhilRice Isabela, tiniyak na di nadodoble ang pamamahagi ng binhi ng palay sa kanilang nasasakupan

Pagtanggap sa application ng internet gaming licensees, pinatigil na ng PAGCOR; Hiring sa bansa ng mga IGL, ipinatupad na rin

Hindi na pinroseso ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga application sa operasyon maging sa expansion ng sites ng internet gaming licensees (IGLs). Ito ang inihayag ni PACGOR Vice President for Offshore Gaming and Licensing Department Atty. Jessa Fernandez sa imbestigasyon ng quad comm sa Bacolor Pampanga. Aniya, para matigil na ang pagdaragdag sa… Continue reading Pagtanggap sa application ng internet gaming licensees, pinatigil na ng PAGCOR; Hiring sa bansa ng mga IGL, ipinatupad na rin

Pamahalaan umaapela ng kooperasyon sa lahat ng sektor para sa ganap na implementasyon ng Philippine Agri Roadmap

Nakalatag na ang Philippine Agri Roadmap, upang maabot ang food security sa Pilipinas. Ang kailangan na lamang ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ay ang kooperasyon ng lahat ng sektor, para sa ganap na implementasyon nito. “Maraming kailangang gawin, I have the budget for this year and the following year. May roadmap na… Continue reading Pamahalaan umaapela ng kooperasyon sa lahat ng sektor para sa ganap na implementasyon ng Philippine Agri Roadmap