Ilang transmission lines ng NGCP, apektado na ng bagyong Nika

Putol na ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley region dahil sa bagyong Nika. Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), apektado ng bagyo ang Santiago-Cauayan 69kV line kaya maraming customer ng Isabela Electric Cooperative o ISELCO I, Quirino Electric Coop at Ifugao Electric… Continue reading Ilang transmission lines ng NGCP, apektado na ng bagyong Nika

Ilang GCash users, nawalan ng pera dahil sa nangyaring system error

Inirereklamo ng ilang GCash users ang pagkawala ng pera sa kanilang mga account matapos umano ang ilang unauthorized transactions sa kanilang e-wallet. Isa sa mga kilalang naglabas ng hinaing ay ang komedyante at TV personality na si Pokwang, na nagbahagi ng kanyang karanasan sa social media matapos mawala ang tinatayang P85,000 sa kanyang account. Ayon… Continue reading Ilang GCash users, nawalan ng pera dahil sa nangyaring system error

GCash, tinutugunan ang system reconciliation; tiniyak na ligtas ang accounts ng mga customer

Ilang GCash users ang apektado ng errors sa isinasagawang system reconciliation process. Ayon sa GCash, ang insidente ay isolated sa ilang users, at tinitiyak nila sa kanilang mga customer na ligtas ang kanilang mga account. “We have identified and reached out to affected accounts. Wallet adjustments are ongoing,” pahayag ng GCash.

EO ng agarang pag-ban sa POGO, Internet Gaming, iba pang Offshore Gaming Operations sa Pilipinas, inilabas na ng Malacañang

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa, Offshore Gaming Operations o Services, Internet Gaming Licenses, at iba pang Offshore Gaming Licenses. Sa bisa ng Executive Order No. 74, bumuo ng technical working group (TWG) na naatasang mag-develop at magpatuppad ng komprehensibong istratehiya, upang epektibong… Continue reading EO ng agarang pag-ban sa POGO, Internet Gaming, iba pang Offshore Gaming Operations sa Pilipinas, inilabas na ng Malacañang

Paglalagay ng babala sa mga nakapaketeng pagkain, isinusulong

Nanawagan ang iba’t ibang Health Advocacy Group sa mga mambabatas na bumalangkas ng panukala na nagsusulong na lagyan ng babala ang mga nakapaketeng pagkain. Ayon sa Healthy Philippines Alliance, Health Justice at Imagine Law, ito’y upang gisingin ang kamalayan ng publiko hinggil sa panganib na dulot ng mga pagkaing nakapakete gayundin ang mga pagkaing naproseso… Continue reading Paglalagay ng babala sa mga nakapaketeng pagkain, isinusulong

Transmission line sa Lallo, Sta. Ana Cagayan, apektado ng bagyong Marce — NGCP

Hindi gumagana ngayon ang Lallo-Sta. Ana 69-kilovolt line sa Cagayan dahil sa epekto ng bagyong Marce. Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ayon sa NGCP, ito ay naganap bandang alas-9:24 ng umaga ngayong araw. Dahil dito, walang suplay ng kuryente sa CAGELCO II. Kasalukuyan nang ipinadala ng NGCP… Continue reading Transmission line sa Lallo, Sta. Ana Cagayan, apektado ng bagyong Marce — NGCP

3rd quarter GDP growth ng Pilipinas, mataas pa rin sa rehiyong Asya — Finance Sec. Ralph Recto

Photo courtesy of Department of Finance Facebook page

Maituturing pa rin ang Pilipinas bilang fastest growing economies sa Asya kasunod ng inilabas na 5.2 percent na 3rd quarter gross domestic product (GDP) growth. Ayon kay Department of Finance (DOF) Recto ang accelerated private spending ng Pilipinas ay nanatiling fastest-growing economies in Asia. Naungusan ng bansa ang GDP growth ng Indonesia (5.0%), China (4.6%),… Continue reading 3rd quarter GDP growth ng Pilipinas, mataas pa rin sa rehiyong Asya — Finance Sec. Ralph Recto

Lalawigan ng Cagayan, idineklara ng DA na malaya na sa bird flu

Opisyal nang idineklara ng Department of Agriculture (DA) na wala nang bird flu sa Lalawigan ng Cagayan. Ito ang naging resulta sa masinsinang monitoring at mga hakbang sa pagkontrol ng sakit na isinagawa sa loob ng ilang linggo, na nagpatunay na tuluyan nang wala ang naturang virus sa lalawigan. Nauna rito ay inilagay sa mahigpit… Continue reading Lalawigan ng Cagayan, idineklara ng DA na malaya na sa bird flu

BSP Gov. Eli Remolona, kinilala bilang one of the World’s Best Central Bankers

Kinilala si Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona bilang isa sa World’s Best Central Bankers. Kabilang si Remolona sa 25 Central Bank leaders na pinuri sa kanilang performance lalo na sa pangangasiwa sa pagcontrol ng inflation, pagkamit ng economic growth, katatagan ng piso at interest rate management. Ang parangal ay ipinagkaloob sa kaniya ni… Continue reading BSP Gov. Eli Remolona, kinilala bilang one of the World’s Best Central Bankers

BSP, nag-isyu ng panuntunan para sa operational resilience sa gitna ng mga kalamidad at pag-unlad ng teknolohiya

Inaprubahan ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng PIlipinas ang “Guidelines on Operational Resilience” na naglalayong palakasin ang kakayahan ng BSP-Supervised Financial Institutions (BSFIs) sa impact ng kalamidad at pagunlad ng teknolohiya. Ang panuntunan ay makatutulong na matiyak ang financial services sa kabila ng matagal na pagkakaantala ng negosyo gaya nang naranasan sa panahon ng… Continue reading BSP, nag-isyu ng panuntunan para sa operational resilience sa gitna ng mga kalamidad at pag-unlad ng teknolohiya