Luzon Grid at Visayas grid status, inilagay sa yellow alert ngayong hapon – NGCP

Muling isinailalim sa Yellow Alert Status ang Visayas grid ngayong hapon, Abril 23 mula kaninang ala-1 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi. Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ito ay dahil sa force outage ng 20 powerplant sa Visayas habang siyam ang nasa derated capacity. Sa datos ng NGCP, kapos ang… Continue reading Luzon Grid at Visayas grid status, inilagay sa yellow alert ngayong hapon – NGCP

Mas maraming US investments, inaasahang papasok sa Pilipinas kasunod ng matagumpay na Philippine Dialogue at trilateral summit

Kumpiyansa si Speaker Martin Romualdez na bubuhos ang mga mamumuhunan sa Pilipinas mula Estados Unidos matapos ang matagumpay na Philippine Dialogue na pinangunahan ni Finance Secretary Ralph Recto. Sa naturang pulong ibinida ni Sec. Recto sa American investors ang magandang fiscal at economic policies ng Marcos Jr. Administration kasabay ng mga ipinapatupad na reporma pabor… Continue reading Mas maraming US investments, inaasahang papasok sa Pilipinas kasunod ng matagumpay na Philippine Dialogue at trilateral summit

DOF Sec. Recto, ibinida ang bansa bilang isang attractive investment hub sa mga dayuhang mamumuhunan

Ipinakita ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto sa harap ng mga dayuhang mamumuhunan sa isinagawang Philippine Dialogue sa Washington D.C., kung bakit kaakit-akit na mag-invest dito sa Pilipinas na nakapukaw naman ng interest ng mga American investor. Sa kanyang pahayag, binigyang diin ni Recto ang robust growth trajectory at ang promising demographics ng… Continue reading DOF Sec. Recto, ibinida ang bansa bilang isang attractive investment hub sa mga dayuhang mamumuhunan

10 delinquent employers sa Novaliches, sinilbihan ng ‘notice of violation’ ng SSS

Aabot sa 10 establisyimento ang binisita at sinilbihan ngayon ng ‘notices of violation’ ng Social Security System. Kasunod ito ng isinagawang “Run After Contribution Evaders Activity” o RACE activity ng SSS sa Novaliches. Ito ay para paalalahanan ang mga delinquent employer na hindi nakakapag-comply sa kanilang obligasyon sa ilalim ng RA 11199 o ang Social… Continue reading 10 delinquent employers sa Novaliches, sinilbihan ng ‘notice of violation’ ng SSS

Presyo ng galunggong at kamatis, bumaba nitong unang bahagi ng Abril

Nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa unang bahagi ng Abril batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, bumaba ng tatlong piso ang average retail prices sa kada kilo ng galunggong na umabot sa P204.05 ang kada kilo noong unang bahagi… Continue reading Presyo ng galunggong at kamatis, bumaba nitong unang bahagi ng Abril

DOE, nagpasalamat sa pribadong sektor na nakiisa sa energy conservation

Dahil sa patuloy na pagnipis ng supply ng kuryente sa Luzon at Visayas grid at pakikiisa ng pribadong sektor sa pagkokonserba sa kanilang mga establisyimento at opisina, nagpasalamat ang Department of Energy (DOE) sa ginagawang hakbang ng private sektor, upang makatipid sa supply ng kuryente ngayong patuloy ang ang yellow alert status sa dalawang malaking… Continue reading DOE, nagpasalamat sa pribadong sektor na nakiisa sa energy conservation

Finance Sec. Recto, nanawagan sa financial institutions na agad na sumuporta sa developing countries sa kanilang paglago

Nanawagan si Finance Secretary Ralph Recto sa mga financial institution particular ang World bank (WB) at International Monetary Fund (IMF), na maging agaran ang kanilang pagtulong sa developing countries. Ginawa ni Recto ang pahayag sa kanyang pagharap sa Intergovernmental Group of Twenty-Four o G-24  bilang chair ng Board of Governors. Ayon sa kalihim, dapat paigtingin… Continue reading Finance Sec. Recto, nanawagan sa financial institutions na agad na sumuporta sa developing countries sa kanilang paglago

DTI, nakipagtulungan sa isang US company para sa pagapapalakas ng sektor ng ITBPM electronics at migrant workers

Lumagda ng isang partnership ang Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang US Company na Plug and Play para sa pagpapalakas sa sektor ng IT Business Processing Management ITBPM, Electronics at migrant workers sektor ng bansa. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ang kumpanyang Plug and Play ay magbibigay ng mga karagadagan kasanayan para… Continue reading DTI, nakipagtulungan sa isang US company para sa pagapapalakas ng sektor ng ITBPM electronics at migrant workers

Meralco, siniguro ang karagdagang supply ng kuryente kasunod ng pagtaas ng Red Alert sa Luzon Grid

Bilang tugon sa deklarasyon ng Red Alert Status ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon Grid. Nakikipag-ugnayan ang Manila Electric Company (Meralco) sa mga kalahok ng Interruptible Load Program na sakop ng kanilang prangkisa para makatulong na mapagaan ang demand sa kuryente. Sa abiso ng Meralco nitong alas-12 ng tanghali, ngayong araw… Continue reading Meralco, siniguro ang karagdagang supply ng kuryente kasunod ng pagtaas ng Red Alert sa Luzon Grid

P57 dollar exchange rate, hindi dapat ikabahala – BSP

Pinawi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pangamba sa pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar. Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona, walang dapat ikabahala dahil ibig sabihin lamang nito ay lumalakas ang dolyar at hindi humihina ang piso. Ginawa ni Remolona ang pahayag kasunod ng pagsasara ng peso-dollar exchange rate sa P57.18. Sinabi ni… Continue reading P57 dollar exchange rate, hindi dapat ikabahala – BSP