Pamahalaan at UN, nagpulong para palakasin ang pagtutulungan sa pagkamit ng Sustainable Development Goals

Nagpulong ang gobyerno ng Pilipinas at ang United Nations (UN). Layon nito na magkaroon ng sama-samang pagsisikap upang maabot ang Sustainable Development Goals (SDG) at Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028. Sa naturang pulong sa tanggapan ng National Economic and Development Authority (NEDA), inaprubahan ang Terms of Reference na magsisilbing balangkas ng kooperasyon ng Pilipinas at… Continue reading Pamahalaan at UN, nagpulong para palakasin ang pagtutulungan sa pagkamit ng Sustainable Development Goals

Pagbagsak ng presyo ng mga produktong petrolyo, posibleng magtuloy-tuloy ngayong linggo

Panibagong round ng oil price roll back ang inaasahan bukas, araw ng Martes.  Base sa forecast ng kumpanyang Unioil, posibleng magkaron ng rollback sa lahat ng produktong petrolyo.  Base naman sa ilang taga industriya ng langis, maglalaro sa P0.70 hanggang P1.10 ang posibleng ibaba sa kada litro ng diesel, habang  P0.50 to P0.90 per liter… Continue reading Pagbagsak ng presyo ng mga produktong petrolyo, posibleng magtuloy-tuloy ngayong linggo

Panuntunan sa operasyon ng mga cryptocurrency assets and trading, ilalabas ngayong taon ng SEC

Plano ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ilabas na ang regulatory framework sa cryptocurrency assets and trading bago matapos ang taon. Ayon kay SEC Chairperson Emilio Aquino, kanila nang nabuo ang framework at inaasahang ilalabas ang kalahati nito ngayon taon–ito ay ukol sa crypto asset guidelines. Layon nito na ma-regulate ang cryptocurrency trading sa… Continue reading Panuntunan sa operasyon ng mga cryptocurrency assets and trading, ilalabas ngayong taon ng SEC

Isinusulong ng Marcos Admin na pag-amyenda sa RTL, suportado ng dating kalihim ng DA

Suportado ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga isinusulong na pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL), na layong ibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na magbenta ng murang bigas sa mga Pilipino. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Emmanuel Piñol na pinakinggan lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hinaing ng… Continue reading Isinusulong ng Marcos Admin na pag-amyenda sa RTL, suportado ng dating kalihim ng DA

Iba pang mga kumpanya ng langis, naglabas ng presyo sa produktong petrolyo sa inaasahang rollback bukas

Naglabas na ang iba pang mga kumpanya ng langis ng presyo hinggil sa inaasahang rollback bukas May 7, 2024. Kabilang sa mga kumpanyang ito ang Caltex, PTT Philippines, Jetti, Petron, at Uni Oil na magpapatupad ng rollback sa presyo bukas ng alas-6 ng umaga. Kung saan may bawas na P0.75 sa kada litro ng gasolina… Continue reading Iba pang mga kumpanya ng langis, naglabas ng presyo sa produktong petrolyo sa inaasahang rollback bukas

DTI at IPOPHIL, nagsanib pwersa upang masugpo ang pagpasok ng counterfeit medicines sa bansa

Nagsanib pwersa ang Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) upang masugpo ang pagpasok ng counterfeit medicines sa bansa. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ito ay upang masawata na ang mga pekeng gamot na isang malaking banta sa kalusugan ng bawat Pilipino. Dagdag pa ng kalihim,… Continue reading DTI at IPOPHIL, nagsanib pwersa upang masugpo ang pagpasok ng counterfeit medicines sa bansa

Pilipinas at Hong Kong, pinatatag pa ang relasyon sa pagnenegosyo

Pinatatag pa ng Pilipinas at Hong Kong ang ugnayan nito pagdating sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng paglagda ng isang Memorandum of Understanding (MoU) sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI) at Hong Kong Trade Development Council (HKDTC). Layunin ng nilagdaang MoU na palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong… Continue reading Pilipinas at Hong Kong, pinatatag pa ang relasyon sa pagnenegosyo

Presyo ng galunggong, itlog at kamatis, bumaba sa huling bahagi ng Abril

Nanatiling mababa ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa huling bahagi ng Abril batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, bumaba pa ng P8.00 ang average retail prices sa kada kilo ng galunggong na nasa P196.29 ang kada kilo noong ikalawang bahagi ng Abril… Continue reading Presyo ng galunggong, itlog at kamatis, bumaba sa huling bahagi ng Abril

DOT at DOH, nagkaroon ng collaboration meeting para sa pagpapalakas ng tourist safety sa bansa

Upang magkaroon ng mas maayos na tourism safety, nagsagawa ng collaboration meeting ang Department of Tourism (DOT) at Department of Health (DOH) upang magkaroon ng mas pinaigting na tourism safety sa bansa. Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, layon ng collaboration meeting na magkaroon ng maayos na tourism health care ang bawat tourism destinations… Continue reading DOT at DOH, nagkaroon ng collaboration meeting para sa pagpapalakas ng tourist safety sa bansa

Pagbabago sa guidelines ng pagrepaso sa mga petition ng wage adjustments, inihayag ni Labor Sec. Laguesma

Iniulat ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nagkaroon na sila ng pagbabago sa guidelines ng pagre-review ng mga petition sa wage adjustment. Ito ay bago pa man ipalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kautusan para sa pag-review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa kasalukuyang minimum wage rate sa mga rehiyon.… Continue reading Pagbabago sa guidelines ng pagrepaso sa mga petition ng wage adjustments, inihayag ni Labor Sec. Laguesma