Fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka, asahan na sa mga susunod na linggo

Isinasapinal na lamang ng pamahalaan ang guidelines para sa pamamahagi ng fuel subsidy ng gobyerno sa mga Pilipinong magsasaka at mangingisda. “Inaayos lang dito iyong guidelines sa mga susunod na araw ay ilalabas na rin itong fuel assistance para sa ating mga magsasaka at mangingisda.” —de Mesa. Pahayag ito ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de… Continue reading Fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka, asahan na sa mga susunod na linggo

Halal Food Bazaar, inilunsad ng Quezon City LGU sa QCMC

Dinagsa ang dalawang araw na Halal Food Bazaar sa Quezon City Memorial Circle, Quezon City na nagsimula noong ika-10 ng Abril, 2024 na pormal na nagbukas pagkatapos mismo ng Eid’l Fitr prayer sa nasabing lungsod. Kwento ni Abdurazaq Batting Madale, General Manager ng Philippine Ulama Congress Organization, Inc. (PUCOI) na siyang partner ng LGU, bago… Continue reading Halal Food Bazaar, inilunsad ng Quezon City LGU sa QCMC

DTI at IPO, magkatuwang para sa pagpapaigting ng intellectual property protection ng MSMEs sa bansa

Nagkaroon ng isang partnership ang Intellectual Property Office (IPO) at ang Department of Trade And Industry (DTI) para sa pagpapalakas ng proteksyon ng micro small and medium enterprises (MSMEs) sa bansa. Ayon sa DTI, layon ng kanilang partnership na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga lokal na negosyante sa ating bansa para maprotektahan ang kanilang… Continue reading DTI at IPO, magkatuwang para sa pagpapaigting ng intellectual property protection ng MSMEs sa bansa

MIAA, patuloy ang mga ginagawang hakbang upang masolusyunan ang kakapusan ng supply ng kuryente sa paliparan

Patuloy ang ginagawang pamamaraan ng Manila International Airport Authority (MIAA) upang masolusyunan ang kakapusan ng kuryente sa paliparan sa Metro Manila. Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, sa ngayon ay nagpapatuloy ang electrical maintenance sa NAIA terminals hanggang May 28 magtatapos ang naturang pagkukumpuni nito. Dagdag pa ni Ines, na sa ngayon ay nakakaranas… Continue reading MIAA, patuloy ang mga ginagawang hakbang upang masolusyunan ang kakapusan ng supply ng kuryente sa paliparan

NFA Council, inaprubahan na ang pagpapataas ng buying price ng palay 

Inaprubahan ng National Food Aurthority (NFA) Council ang pagpapataas ng buying price ng palay. Sa pulong ng NFA council ngayong araw, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na itinaas sa P23 hanggang P30 kada kilo ang bilihan ng tuyong palay mula sa P17 hanggang P23 kada kilo.  Magiging P19 hanggang P23 kada kilo na… Continue reading NFA Council, inaprubahan na ang pagpapataas ng buying price ng palay 

DOF, tiniyak ang hangaring tumulong upang maisakatuparan ang Mindanao Railway Project

Hahanapan ng paraan ng Department of Finance (DOF) na matustusan ang matagal nang nakabinbing Mindanao Railway Project (MRP) sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) at Official Development Assistance o ODA. Sa panayam kay Finance Secretary Ralph Recto, sinabi nito na ang unang plano ay popondohan ang proyekto sa pamamagitan ng PPP. Pero aniya, mainam rin… Continue reading DOF, tiniyak ang hangaring tumulong upang maisakatuparan ang Mindanao Railway Project

Maayos na pagpaplano at pagpapatupad sa mga proyektong pang-imprastraktura, binigyang diin ng NEDA

Binigyang diin ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang kahalagahan ng maayos na pagpaplano at pagpapatupad sa mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan, para masolusyunan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila. Sa kaniyang mensahe sa Bagong Pilipinas Townhall Meeting, ibinahagi ni Balisacan ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na… Continue reading Maayos na pagpaplano at pagpapatupad sa mga proyektong pang-imprastraktura, binigyang diin ng NEDA

LTO, nagbanta na tatapusin na ang operasyon ng mga colorum na sasakyan sa buong bansa

Seryoso ang Land Transportation Office (LTO) na tapusin na ang iligal na operasyon ng mga colorum na sasakyan sa buong bansa. Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, makikipag-ugnayan ang ahensya sa iba pang law enforcement agencies para bumuo ng isang komprehensibong plano para sa mga gagawing hakbang. Aniya, magiging mas agresibo na ang kampanya… Continue reading LTO, nagbanta na tatapusin na ang operasyon ng mga colorum na sasakyan sa buong bansa

Big tickets na transport project ng pamahalaan, makatutulong na maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila – DOTr

Binigyang diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na ang konstruksyon ng mga transport infrastructure project ng pamahalaan gaya ng ginagawang mga railway system ang nakikitang permanenteng solusyon sa problema sa trapiko sa Metro Manila. Ito ang inihayag ni Bautista sa isinagawang Bagong Pilipinas Townhall Meeting kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayong araw. Ayon… Continue reading Big tickets na transport project ng pamahalaan, makatutulong na maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila – DOTr

DTI, kinilala ang mga negosyanteng namumuhunan sa bansa bilang bagong bayani

Nagpaabot ng pagbati at mensahe ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagdriwang ng Araw ng kagitingan. Sa isang mensahe, sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na nakikiisa sila sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan na gumugunita sa katapangan at sakripisyo na ipinamalas ng ating mga bayani. Dagdag pa ng kalihim, na sa araw… Continue reading DTI, kinilala ang mga negosyanteng namumuhunan sa bansa bilang bagong bayani