Department of Agriculture, pansamantalang sinuspinde ang pag-angkat ng sibuyas

Pansamantala munang ipinatigil ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng sibuyas.  Tatagal ang direktibang ito ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. hanggang sa Mayo.  Ayon kay Laurel, posibleng palawigin ito hanggang Hulyo  depende kung magiging sapat ang domestic harvest at maaabot ang local demand.  Dagdag pa ng kalihim, layon nitong mapigilan ang sobrang… Continue reading Department of Agriculture, pansamantalang sinuspinde ang pag-angkat ng sibuyas

DTI, nilinaw na ‘di lahat ng price adjustment sa kape at asin ay nangangahulugang tataas

Kasunod ng pag-apruba ng Department of Trade and Idustry (DTI) sa unang batch ng price adjustment para sa ilang klase ng kape at asin. Nilinaw ng DTI na hindi lahat ng price adjustment ay nangangahulugang magtataas ng presyo. May ilan aniyang nagbawas ng presyo o timbang partikular sa ilang klase ng kape. Samantala, nasa 8%… Continue reading DTI, nilinaw na ‘di lahat ng price adjustment sa kape at asin ay nangangahulugang tataas

Mura at accessible na internet para sa mga Pilipino, natalakay sa pulong ng NEDA

Nagsagawa ng pulong ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa pangunguna ng Office of the Undersecretary for Legislative Affairs sa tanggapan nito sa Mega Tower sa Mandaluyong City. Sumentro ang talakayan sa Open Access Policy at Competition-Enhancing Spectrum Policies na layong tiyakin ang mura at accessible na internet para sa mga Pilipino. Ayon sa… Continue reading Mura at accessible na internet para sa mga Pilipino, natalakay sa pulong ng NEDA

2024 Growth Forecast ng Pilipinas, kabilang sa tatalakayin sa Joint Economic Briefing na isasagawa ng British Chamber of Commerce Philippines

Isasagawa bukas, January 17, ang British Chamber of Commerce Philippines 8th Joint Economic Briefing. Nakatakdang talakayin ang forecasted growth ng bansa para ngayong taon 2024 sa pamamagitan ng free trade agreements at infrastructure developments through Public-Private Partnerships. Tatalakayin din ang mga trade policies and legislation to sustainable economic development, investment opportunities sa bansa, assessment ng… Continue reading 2024 Growth Forecast ng Pilipinas, kabilang sa tatalakayin sa Joint Economic Briefing na isasagawa ng British Chamber of Commerce Philippines

Philippine delegation sa World Economic Forum 2024, ipagpapatuloy ang nasimulang panghihimok ni PBBM sa mga foreign investors na mag negosyo sa Pilipinas

Ipagpapatuloy lamang ng delegasyon ng Pilipinas sa 2024 World Economic Forum ang nauna nang mensahe ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang pagdalo sa pulong noong nakaraang taon, na bukas ang Pilipinas para sa negosyo at ito ang pinakamaakmang lugar sa rehiyon para maglagak ng puhunan. “We want to reiterate the message so it… Continue reading Philippine delegation sa World Economic Forum 2024, ipagpapatuloy ang nasimulang panghihimok ni PBBM sa mga foreign investors na mag negosyo sa Pilipinas

NEDA, suportado ang pagkakatalaga kay Rep. Recto bilang Kalihim ng DOF

Nagpahayag ng suporta si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa pagkakatalaga kay House Deputy Speaker Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance (DOF). Sa isang pahayag, ikinalugod ni Balisacan ang pagkakatalaga kay Recto at sinabi nitong masaya siyang makatrabaho ang kalihim sa hinaharap pati na rin ang iba pang… Continue reading NEDA, suportado ang pagkakatalaga kay Rep. Recto bilang Kalihim ng DOF

Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa serbisyo ni Secretary Diokno sa DOF

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga nagawa ni dating Finance Secretary Benjamin Diokno sa Department of Finance (DOF), kasunod ng panunumpa ng bagong kalihim ng DOF ngayong hapon (January 12). Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na noong nakaraang taon pa dapat magri-retiro si Diokno, ngunit nakiusap ang administrasyon na… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa serbisyo ni Secretary Diokno sa DOF

Access ng Pilipinas at Indonesia sa kapwa merkado, palalakasin pa

Kabilang sa mga tinalakay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Indonesian President Joko Widodo ang kooperasyon para sa pagpapalakas ng ekonomiya ng dalawang bansa. Sa bilateral meeting nitong January 10, sinabi ni President Widodo na napagkasunduan nila ni Pangulong Marcos ang pagpapatuloy ng open market access sa pagitan ng dalawang bansa. Sa ganitong paraan,… Continue reading Access ng Pilipinas at Indonesia sa kapwa merkado, palalakasin pa

Mahigit 15,000 mag-aaral sa Luzon, natulungan ng Meralco

Umabot sa mahigit 15,000 mag-aaral ang natulungan ng Manila Electric Company (Meralco) sa iba’t ibang rehiyon sa Luzon. Ayon sa Meralco, umabot sa P1.5 milyong ang halaga ng mga printer, hygiene kits, at school kits ang kanilang naipamahagi sa mga estudyante sa ilalim ng back-to-school program. Katuwang ng Meralco sa nasabing programa ang ilang local… Continue reading Mahigit 15,000 mag-aaral sa Luzon, natulungan ng Meralco

Indonesian President Joko Widodo, dumating na sa Pilipinas

Eksakto 8:05 ngayong gabi (January 9), lumapag sa Villamor Airbase ang eroplanong sinasakyan ni Indonesian President Joko Widodo, para sa tatlong araw na opisyal na pagbisita sa Pilipinas. Kabilang sa mga sumalubong sa pagdating ng Indonesian President ay sina OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., Philippine Ambassador to Indonesia Gina Jamoralin, Chief Presidential Protocol Reichel Quiñones.… Continue reading Indonesian President Joko Widodo, dumating na sa Pilipinas