Presyuhan ng mga paputok sa Bocaue sa Bulacan, bumaba pa 3 araw bago ang Bagong Taon

Inihayag ng Philippine Fireworks Association (PFA) na mas gumanda pa ang bentahan ng mga paputok at pailaw sa bansa ngayon kumpara sa mga nakalipas na taon. Ayon kay PFA President Jovenson Ong, bagaman mataas ang demand ay nananatiling sapat ang suplay ng mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng paputok at pailaw. Kumpara aniya sa… Continue reading Presyuhan ng mga paputok sa Bocaue sa Bulacan, bumaba pa 3 araw bago ang Bagong Taon

Meralco, nagpaalala sa publiko na isaalang-alang ang electrical safety sa pagsalubong ng Bagong Taon

Nagpaalala ang Manila Electric Company (Meralco) sa publiko na mag-obserba ng electrical safety practices upang maiwasan ang mga posibleng aksidente sa pagsalubong sa Bagong Taon. Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, paalala nila sa kanilang mga customer na iwasan ang pagsindi ng mga paputok malapit sa mga pasilidad… Continue reading Meralco, nagpaalala sa publiko na isaalang-alang ang electrical safety sa pagsalubong ng Bagong Taon

Bayad sa toll fee tuwing holiday, ipinapanukalang ilibre na

Nais ni Quezon City 4th district Representative Marvin Rillo na ilibre na ang lahat ng sasakyan mula sa pagbabayad ng toll fee tuwing regular holiday. Sa kanyang House Bill 9661, aamyendahan ang section 6 ng Presidential Decree 1112 kung saan maliban sa government vehicles na nasa official business ay isasama na rin ang lahat ng… Continue reading Bayad sa toll fee tuwing holiday, ipinapanukalang ilibre na

DTI, muling nagpaalala sa publiko na tanging may PS markings lang ang bilhin na fireworks at pampa ilaw ngayong darating na Bagong Taon

Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na bumili ng fireworks at pampailaw ngayong ilang araw bago sumapit ang bagong taon ng tanging may mga PS marks. Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, ito ay dahil sa mga kumakalat na substandard na pailaw at fireworks display sa merkado dahil hindi… Continue reading DTI, muling nagpaalala sa publiko na tanging may PS markings lang ang bilhin na fireworks at pampa ilaw ngayong darating na Bagong Taon

LRT-2, magbibigay ng libreng sakay sa Rizal Day

Inanunsiyo ng pamununan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magbibigay ito ng libreng sakay sa LRT-2 sa Sabado. Ito ay bilang pakikiisa sa paggunita ng Ika-127 Anibersaryo ng Kabayanihan ni Gat Jose Rizal sa December 30. Batay sa abiso, maaaring i-avail ang libreng sakay simula 7AM hanggang 9AM at 5PM hanggang 7PM. Mananatili naman… Continue reading LRT-2, magbibigay ng libreng sakay sa Rizal Day

Presyo ng bilog na prutas, tumaas na

Naramdaman na ang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga bilog na prutas sa ilang pamilihan sa Quezon City. Napansin ito ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Sa Farmers Market sa Cubao Quezon City, nasa P280 hanggang P300 na ang kada kilo ng carabao mango, P40 ang kada isang piraso ng mansanas, at mayroon… Continue reading Presyo ng bilog na prutas, tumaas na

4 na flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Kanselado ang apat na biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw dulot ng masamang panahon. Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific flight 5J 504/505/506 at 507 na pawang mga biyaheng Maynila patungong Tuguegarao at pabalik. Dahil dito, inaabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero… Continue reading 4 na flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Bentahan ng mga bilog na prutas sa Pasay City, nananatiling matumal

Nananatiling mababa ang presyo ng mga bilog na prutas sa Pasay City Public Market, 5 araw bago magpalit ang taon. Gayunman, sinabi sa Radyo Pilipinas ng ilang nagtitinda ng prutas doon na nananatili pa ring matumal ang kanilang benta. Umaasa sila na sa darating na weekend ay daragsa pa ang mga bibili ng prutas o… Continue reading Bentahan ng mga bilog na prutas sa Pasay City, nananatiling matumal

KAPA community ministries founder at incorporators, sinentensyahan ng habang buhay na pagkakakulong – SEC

Iniulat ng Securities and Exchange Commission (SEC) na sinintensyahan ng Regional Trial Court branch 33 sa Butuan City ng habang buhay na pagkakakulong si KAPA Community Ministry International Inc. founder Joel Apolinario. Ang tinaguriang pinakamalaking investment scam sa kasaysayan ng Pilipinas ay hinatulan ng estafa kasunod ng isang case build up ng SEC, dahil sa… Continue reading KAPA community ministries founder at incorporators, sinentensyahan ng habang buhay na pagkakakulong – SEC

International Monetary Fund, pinuri ang administrasyong Marcos sa mabilits na pag aksyon sa global at geopolitical challenges sa pamamagitan ng MTFF

Pinuri ng International Monetary Fund (IMF) ang Marcos Jr. Administration sa mabilis na pag aksyon nito sa mga hamong dala ng global at geopolitical sa pamamagitan ng Medium Term Fiscal Framework (MTFF). Sa report na inilabas ng IMF, sinabi nito na mahusay na nalagpasan ng Philippine government sa pamamagitan ng policy action ang mga “disrupted… Continue reading International Monetary Fund, pinuri ang administrasyong Marcos sa mabilits na pag aksyon sa global at geopolitical challenges sa pamamagitan ng MTFF