Bentahan ng manok sa Marikina City Public Market, nananatiling matumal kahit sapat ang suplay

Hindi pa ramdam ng mga nagtitinda ng manok sa Marikina City Public Market ang Kapaskuhan. Ito’y dahil sa nananatiling matumal ang bentahan ng manok kahit pa mayroon namang sapat na suplay nito. Ayon sa ilang nagtitinda ng manok, hindi pa sila makabawi sa kanilang kapital dahil kakaunti lamang ang namimili sa ngayon. Nagkakahalaga kasi ng… Continue reading Bentahan ng manok sa Marikina City Public Market, nananatiling matumal kahit sapat ang suplay

Catch up plan para sa paggasta ng pamahalaan, dapat maikasa para sa tuloy-tuloy na pagganda ng ekonomiya

Tinukoy ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang government spending bilang key driver sa paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong 3rd quarter ng taon, na pumalo sa 5.9%. Aniya, nakapagtala ng 6.7 percent growth year-on-year ang government spending kumpara sa negative 7.1 percent noong nakaraang quarter. Dahil dito ay sumipa rin ang paglago… Continue reading Catch up plan para sa paggasta ng pamahalaan, dapat maikasa para sa tuloy-tuloy na pagganda ng ekonomiya

Paglago ng ekonomiya ng bansa, ikinatuwa ng NEDA

Paiigtingin pa ng pamahaalaan ang mga hakbang nito para mapanatili ang malagong ekonomiya ng bansa. Ito naman ang pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) makaraang maitala ang 5.9 percent na paglago ng Gross Domestic Product o GDP nitong ikatlong quarter ng taon. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, target nila na maabot ang… Continue reading Paglago ng ekonomiya ng bansa, ikinatuwa ng NEDA

MERALCO, may dagdag singil sa kuryente ngayong buwan

Inanunsiyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na magpapatupad sila ng dagdag-singil sa kuryente para sa buwan ng Nobyembre. Batay sa abiso ng MERALCO, P0.23 kada kilowatt hour ang magiging dagdag dulot ng mas mataas na transmission charge, kaya’t P0.12 kada kilowatt hour ang aasahang magiging dagdag sa monthly bill ng mga residential customer. Ayon sa… Continue reading MERALCO, may dagdag singil sa kuryente ngayong buwan

Job vulnerability, patuloy na tututukan ng NEDA sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga nagkakatrabaho

Hindi titigil ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino pagdating sa aspeto ng trabaho. Ito ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) ay kahit pa naitala ang pagtaas ng bilang ng mga may trabaho nitong Setyembre, batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Batay sa pinakahuling datos, nakapagtala ang Pilipinas… Continue reading Job vulnerability, patuloy na tututukan ng NEDA sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga nagkakatrabaho

Meralco, nilinaw ang ilang akusasyon ng isang mambabatas

Kasunod ng ilang akusasyon ni Santa Rosa City Representative Dan Fernandez laban sa Manila Electric Company (Meralco), naglabas ito ng pahayag upang bigyang linaw ang ilang issue kabilang na ang umano’y mataas na capital cost ng Meralco na umano’y ipinapasa sa mga consumer. Sinabi ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga,… Continue reading Meralco, nilinaw ang ilang akusasyon ng isang mambabatas

Ecowaste Coalition, ibinunyag ang patuloy na bentahan ng banned cosmetics sa Marikina City

Ipinaalam na ng EcoWaste Coalition sa Marikina City Government ang iligal na bentahan ng ipinagbabawal na Goree Beauty Creams, na nagtataglay ng mataas na antas ng mercury. Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition, ang mapanganib na skin whitening cosmetics ay ipinagbawal ng Food and Drug Administration at health authorities noong 2017. Ibinunyag… Continue reading Ecowaste Coalition, ibinunyag ang patuloy na bentahan ng banned cosmetics sa Marikina City

Pagpapahusay sa digitalization makatutulong upang makapagbigay ng mura at de kalidad na mga produkto at serbisyo para sa mga Pilipino – NEDA

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na mga polisiya sa digital markets, na makatutulong na makapagbigay ng mura at de kalidad na mga produkto at serbisyo para sa mga Pilipino. Ito ang binigyang diin ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa isinagawang workshop ng NEDA at Philippine Competition… Continue reading Pagpapahusay sa digitalization makatutulong upang makapagbigay ng mura at de kalidad na mga produkto at serbisyo para sa mga Pilipino – NEDA

Long term partnership para sa pagpapalawak ng industriya ng halal sa Pilipinas, nagpagkasunduan ng Mindanao State University at GISB Holdings ng Malaysia

Nilagdaan kahapon ng ika-7 ng Nobyembre sa pagitan ng Mindanao State University (MSU) at GISB Holdings mula sa Malaysia ang Memorandum of Understanding para sa pangmatagalang pagtutulungan sa pagpapalawak ng halal industry sa Bangsamoro at buong bansa. Sa isinagawang International Dialogue & Halal Expo sa MSU Marawi Campus ay nagkaroon rin ng pagkakataon na maipakita… Continue reading Long term partnership para sa pagpapalawak ng industriya ng halal sa Pilipinas, nagpagkasunduan ng Mindanao State University at GISB Holdings ng Malaysia

LTO, MMDA at LTFRB, nagpahayag ng suporta sa paglabas ng makabagong Taxi

Napapanahon na upang iangat ang kalidad at antas ng transportasyon sa bansa. Ito ang kapwa paniniwala ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ngayong araw, pormal nang inilunsad ng kumpanyang JoyRidePH ang kanilang super taxi na layong magbigay ng alternatibong ride hailing transport. Ayon… Continue reading LTO, MMDA at LTFRB, nagpahayag ng suporta sa paglabas ng makabagong Taxi