BDO, pinagbabayad ng Korte Suprema ng ₱8-M matapos payagang mag-withdraw ang hindi awtorisadong empleyado ng isang kumpanya

Inutusan ngayon ng Supreme Court ang Banco de Oro Universal Bank, Inc. o BDO na bayaran ng P8 milyon ang isa nilang depositor. Ito’y matapos magreklamo ang kanilang kliyente na si Liza Seastres dahil pinayagan ng naturang bangko na makapag-withdraw ang empleyado nito ng wala niyang pahintulot. Sa 19 pahina na desisyon ng Third Division… Continue reading BDO, pinagbabayad ng Korte Suprema ng ₱8-M matapos payagang mag-withdraw ang hindi awtorisadong empleyado ng isang kumpanya

Ilang kumpanya ng langis, naglabas ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo

Naglabas na ang ilang mga kumpanya ng langis ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, October 10. Simula bukas ng alas-6 ng umaga, magpapatupad ang kumpanyang Philippines Shell, Sea Oil at Petro Gazz ng ₱3.50 na rollback sa kada litro ng gasolina habang ₱2.45 ang ibababa sa kada litro ng diesel habang… Continue reading Ilang kumpanya ng langis, naglabas ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo

NEDA, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor upang makapagbigay ng murang pabahay sa mga Pilipino

Binigyang diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kahalagahan ng patutulungan ng publiko at pribadong sektor, upang tiyakin na mabibigyan ng abot-kayang pabahay ang mga Pilipino. Sa ginanap na 31st National Developers Convention sa Cebu City, tinalakay ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang mga istratehiya at priority legislative agenda sa Philippine Development Plan… Continue reading NEDA, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor upang makapagbigay ng murang pabahay sa mga Pilipino

Pagpapalawig ng mababang taripa sa bigas, karneng baboy at mais, inirekomenda ni NEDA Secretary Balisacan

Naniniwala si NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kailangang palawigin pa hanggang sa huling bahagi ng 2024 ang mas mababang tariff rate ng ilang agricultural products. Maaalalang nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order no 10 o extension ng lower tariff rates sa bigas, karneng baboy at mais nang hanggang December 31, 2024. Sa isang press conference,… Continue reading Pagpapalawig ng mababang taripa sa bigas, karneng baboy at mais, inirekomenda ni NEDA Secretary Balisacan

Gobyerno, nakatutok upang maibsan ang epekto ng mataas na inflation

Iginiit ngayon ni Finance Secretary Benjamin Diokno na doble kayod ang gobyerno upang maibsan ang epekto ng inflation. Ito ay kasunod ng inilabas na September inflation, kung saan pumalo ito ng 6.1 percent kumpara sa 5.3 percent noong Agosto. Ayon kay Diokno, hands on ang gobyerno para matiyak na nasa tamang polisiya at programa ang tinatahak ng bansa. Aniya,… Continue reading Gobyerno, nakatutok upang maibsan ang epekto ng mataas na inflation

Presyo ng bigas, posibleng bumaba ng P36 kada kilo – DA

Posibleng bumaba sa P36 kada kilo ang presyo ng bigas ngayong Oktubre. Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban, ito ay bunsod ng pagdami ng ani at suplay ng bigas ngayong harvest season. Dagdag pa ng opisyal, posibleng lalong sumipa ang presyo ng bigas kung hindi nagtakda ng price cap si Pangulong Ferdinand… Continue reading Presyo ng bigas, posibleng bumaba ng P36 kada kilo – DA

Pamamahagi ng one-time ayuda sa mga nalalabi pang maliliit na rice retailer, tuloy kahit na-lift na ang EO39

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtutuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda sa mga maliliit na rice retailer. Ito’y kahit pa pormal nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapawalang bisa sa pagpapatupad ng Executive Order no. 39 o ang pagtataka ng price ceiling sa bigas ngayong araw. Ayon kay DTI… Continue reading Pamamahagi ng one-time ayuda sa mga nalalabi pang maliliit na rice retailer, tuloy kahit na-lift na ang EO39

Mga liblib na paaralan sa bansa, nakatanggap ng tulong mula sa Meralco

Muling nagtulungan ang One Meralco Foundation at Lenovo Philippines Inc. para magbigay ng tulong sa mga liblib na paaralan sa bansa. Layon nitong mapabuti ang kalidad ng edukasyon, lalo na ang mga eskwelahan na nasa malalayong komunidad. Kaugnay nito ay namahagi ng mga laptop ang dalawang organisasyon para sa iba’t ibang paaralan sa Sarangani, Sultan… Continue reading Mga liblib na paaralan sa bansa, nakatanggap ng tulong mula sa Meralco

Presyo ng mga pangunahing produkto, bahagyang tataas dahil sa price rounding scheme ng DTI

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pananatili ng suggested retail price (SRP) sa mga pangunahing produkto, hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan. Ito ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual ay dahil sa ipatutupad nila ang isang memorandum circular mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na price rounding scheme sa ₱0.25. Paliwanag… Continue reading Presyo ng mga pangunahing produkto, bahagyang tataas dahil sa price rounding scheme ng DTI

DTI Sec. Pascual, pinangunahan ang pagbubukas ng Consumer Welfare Month

Hiniling ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang pakikiisa ng publiko, na tangkilikin ang mga produkto na makatutulong sa pangangalaga ng kalikasan. Ito ang mensahe ng kalihim nang pangunahan nito ang pagsisimula ng Consumer Welfare Month tuwing buwan ng Oktubre, salig sa umiiral na Consumer Welfare Act. Ang tema ng okasyon… Continue reading DTI Sec. Pascual, pinangunahan ang pagbubukas ng Consumer Welfare Month