Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo para sa price increase ng produktong petrolyo bukas

Naglabas na ang ilang mga kumpanya ng langis ng kanilang magiging presyo sa nakaambang na taas-presyo sa produktong petrolyo, bukas. Simula mamayang alas-12:01 (September 19) magpapatupad ang kumpanyang Caltex ng P2 sa kada litro ng gasoline; habang P2.50 naman sa kada litro ng diesel; at P2 din ang itataas sa kada litro ng kerosene. Ganito… Continue reading Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo para sa price increase ng produktong petrolyo bukas

DTI sa rice retailers: Idaan sa mga opisyal ng ahensya ng pamahaalan ang reklamo para sa mas mabilis na aksyon

Umapela ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga retailer na may mga reklamo patungkol sa kanilang matatanggap na subsidiya, na idaan sa tamang komite o tamang proseso ang kanilang hinaing upang mas tiyak na matugunan ng mga kinauukulang ahensiya. Ayon kay Trade Assistant Secretary Agaton Uvero, halos lahat kasi ng… Continue reading DTI sa rice retailers: Idaan sa mga opisyal ng ahensya ng pamahaalan ang reklamo para sa mas mabilis na aksyon

Bayad sa small transactions sa mga bangko, pinatatanggal na ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Hinihikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga banking institution sa bansa na alisin na ang singil sa mga small transaction ng kanilang customers. Sa kanyang pagdalo sa launching ng Alliance for Financial Inclusion Global Policy Forum, sinabi ni BSP Governor Eli Remolona, mas mahihikayat ang mga customer na gumamit ng mga banking transaction… Continue reading Bayad sa small transactions sa mga bangko, pinatatanggal na ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Malaking oportunidad sa Pilipinas, naghihintay sa mga mamumuhunang Singaporean businessmen, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Malaking oportunidad ang naghihintay sa Singaporean businessmen, sakaling ikonsidera nila ang pamumuhunan sa Pilipinas. Sa ginanap na rountable discussion kasama ang business leaders sa Singapore, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ito na mamuhunan sa renewable energy, smart at innovative economy. Gayundin sa infrastructure development sa ilalim ng Build, Better, More program… Continue reading Malaking oportunidad sa Pilipinas, naghihintay sa mga mamumuhunang Singaporean businessmen, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Long term climate targets ng Pilipinas, binuksan ng Pangulo sa sidelines ng Asia Summit

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Singaporean businessmen na maging bahagi ng layunin ng Pilipinas na itaas ang renewable share sa power generation. Maging ang pagbibigay ng mas murang kuryente, at mas malinis na enerhiya sa publiko. Sa sidelines ng 10th Asia Summit Fireside Chat sa Singapore, partikular na ipinunto ng Pangulo ang… Continue reading Long term climate targets ng Pilipinas, binuksan ng Pangulo sa sidelines ng Asia Summit

DSWD, DTI at DILG, nagkasundong pabilisin pa ang pamamahagi ng SLP cash aid para sa micro rice retailers

Pursigido ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of the Interior and Local Government (DILG), na pabilisin pa ang pamamahagi ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-Cash Assistance para sa Micro Rice Retailers Sa pulong nina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DTI Undersecretary Carol Sanchez, at DILG Undersecretary Marlo… Continue reading DSWD, DTI at DILG, nagkasundong pabilisin pa ang pamamahagi ng SLP cash aid para sa micro rice retailers

Business executives sa UAE, kinilala ang magandang investment climate at natamong paglago ng Pilipinas

Kinilala ng isang business executive mula Middle East ang malaking oportunidad sa Pilipinas, dahil sa taglay nitong investment landscape at strong economic growth. Ayon kay Elyas Algaseer, Chief Executive Officer ng GCIB MENA at Co-Head ng Dubai MUFG Bank, malawak ang investment opportunities at ang business environment sa Pilipinas. Pinuri ni Algazeer ang six-year development… Continue reading Business executives sa UAE, kinilala ang magandang investment climate at natamong paglago ng Pilipinas

Meralco, magbibigay ng scholarship grants para sa mga nais maging nuclear engineer

Inilunsad ng Manila Electric Company (Meralco) ang Programang Filipino Scholars and Interns on Nuclear Engineering (FISSION). Ito ay bilang suporta sa plano ng pamahalaan na gawing bahagi ng energy portfolio ang nuclear power. Layon ng naturang programa na makatulong sa paglilinang ng kahusayan ng mga Pilipino na nais maging nuclear engineer. Sa pamamagitan ng edukasyon… Continue reading Meralco, magbibigay ng scholarship grants para sa mga nais maging nuclear engineer

Pamamahagi ng fuel subsidy vouchers sa PUV drivers, minamadali na ng DOTr at LTFRB

Minamadali na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbibigay ng fuel subsidy vouchers para sa public utility vehicle (PUV) drivers. Ito ay matapos na aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng P3 bilyon pondo, na layong matugunan ang epekto ng patuloy na pagtaas na presyo ng mga produkyong petrolyo. Ayon kay… Continue reading Pamamahagi ng fuel subsidy vouchers sa PUV drivers, minamadali na ng DOTr at LTFRB

Pamahalaan, paiigtingin ang paglikha sa mga trabahong de kalidad at mataas ang kita, ayon sa NEDA

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na prayoridad ng pamahalaan ang paglikha sa mga trabahong de kalidad at mataas ang kita. Ito ay kasunod ng inilabas na July 2023 Labor Force Survey, kung saan naitala sa 4.8% ang unemployment rate nitong Hulyo na mas mababa sa 5.2% na naitala sa kaparehong buwan noong… Continue reading Pamahalaan, paiigtingin ang paglikha sa mga trabahong de kalidad at mataas ang kita, ayon sa NEDA