Finance Secretary Diokno, nakatutok sa hangad ng Administrasyong Marcos Jr.  na mapabuti ang buhay ng bawat isang Pilipino

Matatag ang pangarap ni Finance Secretary Benjamin Diokno na mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng mahusay na pangangasiwa ng pondo at lumalagong ekonomiya. Sa isanng eklusibong panayam sa Peoples Asia Magazine, ibinahagi ng kalihim ang kanyang pangarap  na makitang matatag ang Pilipinas bilang pangunahing ekonomiya sa Asia Pacific. Aniya, kabilang sa itinutulak ng economic… Continue reading Finance Secretary Diokno, nakatutok sa hangad ng Administrasyong Marcos Jr.  na mapabuti ang buhay ng bawat isang Pilipino

Proposal upang mapayagan ang voluntary 20% ethanol blend sa gasolina, target maaprubahahan ngayong 2023

Target ng pamahalaan na maaprubahan na sa pagtatapos ng taong kasalukuyan ang implementasyon ng voluntary 20% ethanol blend sa gasolina, na nakikitang isang paraan upang mapababa ang presyo nito. “The second important point that was agreed upon was the implementation of the voluntary 20% ethanol blend for gasoline which is targeted for approval by the… Continue reading Proposal upang mapayagan ang voluntary 20% ethanol blend sa gasolina, target maaprubahahan ngayong 2023

Patung-patong na mga paglabag ng Grab Philippines, isinumite kay House Speaker Martin Romualdez

Tinapos na ng Congressional Committee on Metro Manila Development ang imbestigasyon nito kaugnay sa kaliwa’t kanang reklamo laban sa Grab Philippines. Mismong si Committee Chairperson at Manila 2nd District Cong. Rolando Valeriano ang nagsumite ng report nito kay House Speaker Martin Romualdez kung saan kanyang tinukoy ang napakaraming violation at multi-million pesos na penalties ng… Continue reading Patung-patong na mga paglabag ng Grab Philippines, isinumite kay House Speaker Martin Romualdez

Bisa ng special permit na ipinagkaloob ng LTFRB sa ilang bus para sa BSKE at Undas, epektibo na ngayong araw

Nagsimula na ngayong araw ang bisa ng special permit na ibinigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang bus operators, kasunod ng paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), at sa panahon ng Undas. Mula ngayong araw hanggang November 6, 2023 ang bisa ng special permit. Mas mahaba ang bisa na… Continue reading Bisa ng special permit na ipinagkaloob ng LTFRB sa ilang bus para sa BSKE at Undas, epektibo na ngayong araw

Interes ng Saudi business sa Maharlika Investment Fund, welcome para sa House Speaker

Positibo ang pagtanggap ni Speaker Martin Romualdez sa pagpapahayag ng interes ng mga negosyante sa Saudi Arabia sa Maharlika Investment Fund (MIF). Sa naging roundtable discussion ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay hinimok nito ang Saudi business leaders na mamuhunan sa MIF. “This invitation represents an exciting opportunity for our nation, and I believe… Continue reading Interes ng Saudi business sa Maharlika Investment Fund, welcome para sa House Speaker

Mall operating hours ngayong kapaskuhan, babaguhin — MMDA

Magpapatupad ng mga pagbabago sa operasyon ng mga mall sa Metro Manila ngayong panahon ng kapaskuhan. Ito ang napagkasunduan sa isinagawang pulong sa pagitan ng mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at ng mall owners ngayong araw. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Romando Artes, magsisimula ang bagong mall operating hours ganap… Continue reading Mall operating hours ngayong kapaskuhan, babaguhin — MMDA

Price guide para sa “Noche Buena” products, isinasapinal na ng DTI

Umapela ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer na huwag munang magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto lalo na ngayong papalapit ang Pasko. Ito ang panawagan ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco, sabay giit na ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng hakbang upang matugunan ang suliranin ng mga ito… Continue reading Price guide para sa “Noche Buena” products, isinasapinal na ng DTI

DTI, nagsagawa ng inspeksyon sa Christmas lights at decor sa isang furniture store sa Pasig City

Nag-ikot ang mga opisyal at tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isang furniture store/warehouse sa Pasig City, ngayong araw. Pinangunahan ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco kasama si Senate Deputy Majority Leader at Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship Chairman Mark Villar. Ayon kay ASec. Pacheco, bahagi ito ng kanilang… Continue reading DTI, nagsagawa ng inspeksyon sa Christmas lights at decor sa isang furniture store sa Pasig City

Pilipinas, itinanghal bilang ‘Best Cruise Ship Destination’ sa Asya

Nakamit ng Pilipinas ang pagkilala bilang isa sa mga nangungunang ‘Best Cruise Ship Destination’ sa Asya. Ang pagkilala ng ito ay ibinigay sa katatapos lamang ng 3rd Annual World Cruise Award na ginawa sa Dubai. Mahigpit na nakatunggali ng Pilipinas ang South Korea, Singapore, India, Japan, Sri Lanka, Taiwan, Thailand at Vietnam. Tinanghal naman ang… Continue reading Pilipinas, itinanghal bilang ‘Best Cruise Ship Destination’ sa Asya

Supermarket at grocery, pinasasama sa mga maaaring paggamitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards

Hinimok ng isang mambabatas ang DSWD na aralin ang pag-reconfigure sa Electronic Benefit Transfer (EBT) cards na siyang ginagamit para sa Food Stamp program ng ahensya. Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, dapat ikonsidera ng DSWD na magamit din sa mga supermarket at grocery ang naturang EBT card dahil hindi naman lahat ng lugar sa… Continue reading Supermarket at grocery, pinasasama sa mga maaaring paggamitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards