SMC, nagbigay ng paumanhin sa pagbaha sa SLEX at Skyway kahapon dulot ng maghapong pag-ulan sa Metro Manila

Photo courtesy of MMDA

Humingi ng paumanhin ang San Miguel Corporation (SMC) na humahawak sa toll road ng Skyway at South Luzon Expressway (SLEX), sa nangyaring matinding bigat ng trapiko kahapon dahil sa pagbaha sa kanilang tollway dulot ng maghapong pag-ulan. Sa inilibas na statement ng San Miguel Infrastructure, nagmula ang naturang pagbaha sa kanilang mga toll road sa… Continue reading SMC, nagbigay ng paumanhin sa pagbaha sa SLEX at Skyway kahapon dulot ng maghapong pag-ulan sa Metro Manila

Operasyon ng Tuguegarao Airport, suspendido dahil sa epekto ng bagyong Dodong

Pansamantalang suspendido ang operasyon ng Tuguegarao Airport sa Lalawigan ng Cagayan dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Dodong. Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nagresulta ito sa pagkakansela ng biyahe ng Cebu Pacific flight 5J 504 at 5J 505 na biyaheng Tuguegarao pabalik ng Maynila. Sinabi naman ni CAAP Spokesperson Eric… Continue reading Operasyon ng Tuguegarao Airport, suspendido dahil sa epekto ng bagyong Dodong

MMDA at Manila Water, nagpulong kaugnay sa mga hakbang para matugunan ang epekto ng El Niño sa bansa

Nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Manila Water kaugnay sa mga hakbang upang matugunan ang epekto ng El Niño sa bansa. Sa naturang pulong, hiniling ng MMDA ang tulong ng Manila Water para maisagawa ang pag-reuse ng tubig. Ito ay sa gitna na rin ng pinangangambahang krisis sa tubig ngayong panahon ng… Continue reading MMDA at Manila Water, nagpulong kaugnay sa mga hakbang para matugunan ang epekto ng El Niño sa bansa

Pagpapasa ng NGCP ng franchise tax sa mga konsyumer, pinapabago ng mga senador

Nais ng mga senador na baguhin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang ginagawang pagpapasa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng 3 percent franchise tax sa mga konsyumer. Sa naging pagdinig ng Committee on Energy, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat akuin ng NGCP ang franchise tax at hindi ito dapat akuin… Continue reading Pagpapasa ng NGCP ng franchise tax sa mga konsyumer, pinapabago ng mga senador

TVJ, naghain ng reklamo sa Regional Trial Court ng Marikina vs. GMA Network at Tape Inc.

Naghain ng Complain for Copyright Infringement and Unfair Competition ang “E.A.T” hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon (TVJ) laban sa GMA Network at TAPE Incorporated, sa Branch 273 ng Regional Trial Court ng Marikina. Ito ay matapos na mag-replay ang naturang network ng ilang episodes ng “Eat Bulaga” nang walang… Continue reading TVJ, naghain ng reklamo sa Regional Trial Court ng Marikina vs. GMA Network at Tape Inc.

Investment pledges mula sa nagdaang foreign trips ng Pangulo, mahigpit na binabantayan ng pamahalaan upang maisakatuparan

Siniguro ng pamahalaan na may mekanismo na umiiral at nagmo-monitor sa investment pledges na naiuuwi ng Philippine delegation sa bawat biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ibang bansa. Sa press briefing sa Malacañang, siniguro ni DTI Secretary Alfredo Pascual na tinitiyak ng kanilang hanay ang transparency at accountability, at patuloy nilang ini-evaluate ang… Continue reading Investment pledges mula sa nagdaang foreign trips ng Pangulo, mahigpit na binabantayan ng pamahalaan upang maisakatuparan

EU countries, nananatili ang interes na mamuhunan sa Pilipinas

Patuloy na tinatamasa ng Pilipinas ang interes ng European countries na mamuhunan sa bansa, partikular ang France, United Kingdom, Belgium, the Netherlands, at Germany. Pahayag ito ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual kasunod ng tatlong linggong road show na isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Europa. Sa press briefing sa Malacañang,… Continue reading EU countries, nananatili ang interes na mamuhunan sa Pilipinas

Meralco, nagpatupad ng Automatic Load Dropping kasunod ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Metro Manila at karatig probinsya

Nagpatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng Automatic Load Dropping (ALD) kasunod ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan. Ayon sa Meralco, ito ay nagdulot ng pagbaba sa 397 megawatts na suplay ng kanilang kuryente. Ito ay nakakaapekto sa nasa 500,000 customer ng Meralco sa Metro Manila, Bulacan,… Continue reading Meralco, nagpatupad ng Automatic Load Dropping kasunod ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Metro Manila at karatig probinsya

Biyahe ng Philippine Airlines na maghahatid sana sa may 300 Pinoy pilgrims pauwi sa Pilipinas, kanselado

Nakatakdang magpadala ng recovery flight ang Philippine Airlines (PAL) sa Jeddah, Saudi Arabia bukas, Hulyo 12. Ito ay para sunduin ang may 279 na Pinoy Hajj pilgrims, na nabalahaw matapos magka-aberya ang eroplanong kanilang sasakyan pauwi ng bansa. Una rito, kinumpirma ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na kinansela ng PAL ang PR flight… Continue reading Biyahe ng Philippine Airlines na maghahatid sana sa may 300 Pinoy pilgrims pauwi sa Pilipinas, kanselado

NGCP, itinaas ang yellow alert sa Luzon grid ngayong hapon

Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon Grid. Ito ay dahil sa pagnipis ng reserba ng kuryente sa Luzon. Umiiral ang yellow alert ngayong araw, Hulyo 11 mula ala-1 hanggang mamayang alas-4 ng hapon. Sa ngayon ayon sa NGCP, ang available capacity para sa Luzon Grid ay 12,705… Continue reading NGCP, itinaas ang yellow alert sa Luzon grid ngayong hapon