Maynilad, tuloy-tuloy sa paghahanap ng augmentation para masiguro ang sapat na water supply

Patuloy ang Maynilad sa pagkumpleto ng kanilang mga proyekto upang madagdagan ang suplay ng tubig para sa kanilang mga customer. Tugon ito ng water concessionaire sa pagkwestiyon ni Secretary Grace Poe, kung nakakatalima pa ba ang Maynilad sa kanilang prangkisa na magbigay serbisyo sa publiko. Ayon kay Engr. Ronald Padua, Head ng Water Supply Division,… Continue reading Maynilad, tuloy-tuloy sa paghahanap ng augmentation para masiguro ang sapat na water supply

Mga lugar na apektado ng ipapatupad na water interruption, aabot sa 32 barangay –Maynilad

Aabot sa 32 barangay sa Lungsod Quezon ang tiyak nang maaapektuhan ng water interruption na ipapatupad ng Maynilad Water Services, simula sa Hulyo 12. Sa abiso ng Maynilad, kabilang sa maaapektuhang lugar ay ang mga sumusunod: Apolonio Samson, Bagbag (Rockville 2 Subd.); Balingasa, Capri, Commonwealth, Doña Josefa, Greater Fairview, Greater Lagro, Gulod, Holy Spirit, Lourdes,… Continue reading Mga lugar na apektado ng ipapatupad na water interruption, aabot sa 32 barangay –Maynilad

Maynilad, nagpaalala sa customers nito na sapat na tubig lang ang ipunin bilang paghahanda sa water service interruption

Nagpaalala ang Maynilad sa mga customer nito na maaapektuhan ng water service interruption, na mag-ipon lamang ng tubig na sasapat sa oras na mawawalan ng suplay. Paliwanag ni Engr. Ronald Padua, makakaapekto rin kasi ang sabay-sabay at sobrang pag-iipon ng tubig sa kanilang water pressure. Iwas dagdag gastos na rin aniya ito sa water bill… Continue reading Maynilad, nagpaalala sa customers nito na sapat na tubig lang ang ipunin bilang paghahanda sa water service interruption

Pag-amyenda sa EPIRA Law para palakasin ang ERC, suportado ng DOE

Suportado ng Department of Energy (DOE) ang isinusulong na pag-amyenda sa Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 o EPIRA. Ito ay para bigyan ng ibayo pang kapangyarihan ang Energy Regulatory Commission (ERC), para sa mga power distributor na hindi susunod sa mga itinakdang panuntunan. Ayon kay Energy Secretary Raphael… Continue reading Pag-amyenda sa EPIRA Law para palakasin ang ERC, suportado ng DOE

Kumpanyang Univercells, handang makipag-partner sa Pilipinas para sa manufacturing ng mga bakuna – DTI

Nakipagpulong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual kay Jose Castillo, Chief Executive Officer ng Bioscience na subsidiary ng kumpanyang Univercells, isa sa mga kilalang pangalan sa larangan ng abot kayang mga gamot. Sa isinagawang pagpupulong sa Brussels, Belgium, tinalakay nila Pascual at Castillo ang revolutionary approach sa scaling, production at bioprocessing… Continue reading Kumpanyang Univercells, handang makipag-partner sa Pilipinas para sa manufacturing ng mga bakuna – DTI

DOTr, CAAP at mga opisyal ng BARMM, nagpulong kaugnay ng mga gagawing development sa Cotabato Airport

Kapwa tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ginagawa nilang mga hakbang. Ito ay para sa pagpapabuti ng mga pasilidad at iba pang development project para sa Cotabato Airport, na bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Kasunod niyan, nakipagpulong sina Transportation Secretary Jaime… Continue reading DOTr, CAAP at mga opisyal ng BARMM, nagpulong kaugnay ng mga gagawing development sa Cotabato Airport

Energy Regulatory Commission, Pasig LGU, at Meralco, lumagda sa kasunduan para sa paggamit ng renewable energy

Mas pinaigting pa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagsusulong ng paggamit ng renewable energy sa mga komunidad. Ito ay matapos na lumagda sa tripartite agreement ang ERC, Pasig City Government, at Manila Electric Company (Meralco). Sa ilalim ng naturang kasunduan, ang ERC, Pasig LGU, at Meralco ay magtutulungan sa pagbuo ng mga programa at… Continue reading Energy Regulatory Commission, Pasig LGU, at Meralco, lumagda sa kasunduan para sa paggamit ng renewable energy

LPG sellers, pinaalalahanang tumalima sa LPG Industry Regulation Act

Nagpaalala ang Liquefied Petroleum Marketers Association (LPGMA) Party-list na hanggang ngayong araw na lamang July 7 ang pagkuha at pagpapalit ng Standard Compliance Certificate (SCC) ng License to Operate (LTO), salig sa Republic Act 11592 o LPG Industry Regulation Act. Ayon sa LPGMA, kung hindi makatalima sa naturang deadline ay kailangang pansamantalang tumigil sa pag-operate… Continue reading LPG sellers, pinaalalahanang tumalima sa LPG Industry Regulation Act

Mga customer ng Maynilad, makakaranas na ng 9 hrs service interruption simula sa susunod na linggo

Magpapatupad na ang Maynilad Water Services Inc. ng siyam na oras na service Interruption simula sa susunod na linggo. Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng level ng tubig sa Angat Dam dulot ng El Niño phenomenon. Sa abiso ng kumpanya, apektado ng service interruption ang 591,000 nilang customers. Magsisimula ng alas-7 ng gabi… Continue reading Mga customer ng Maynilad, makakaranas na ng 9 hrs service interruption simula sa susunod na linggo

20 bagong priority bills ng LEDAC, mahalaga para maabot ang target ng Philippine Development Plan 2023 – 2028, ayon sa NEDA

Target ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na maipasa sa Kongreso ngayong taon ang 20 bagong priority bills na nakatutok sa economic reforms ng bansa. Ang naturang mga panukalang batas ay layong mapabuti ang business climate sa Pilipinas para sa mga investor at maisulong ang human capital development. Ayon kay National Economic and Development Authority… Continue reading 20 bagong priority bills ng LEDAC, mahalaga para maabot ang target ng Philippine Development Plan 2023 – 2028, ayon sa NEDA