Meralco, tiniyak sa publiko ang kahandaan sa epekto ng bagyong Goring at Hanna

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) sa publiko, na nakahanda itong rumesponde sa mga maaaring maging problema sa serbisyo ng kuryente bunsod ng habagat na pinalakas ng bagyong Goring at bagyong Hanna. Ayon kay Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe Zaldarriaga, nakahanda ang mga crew ng Meralco na rumesponde 24/7 sa mga… Continue reading Meralco, tiniyak sa publiko ang kahandaan sa epekto ng bagyong Goring at Hanna

MRT-3, may handog na libreng sakay para sa mga atleta at delegado ng FIBA World Cup 2023

Magbibigay ng libreng sakay ang MRT-3 para sa mga atleta, volunteer, at iba pang delegado ng FIBA Basketball World Cup 2023 mula ngayong araw, August 25 hanggang September 10.  Ito ay bilang pagsuporta ng pamunuan ng MRT-3 sa Philippine Sports Commission, at sa lahat ng mga delegado ng nasabing patimpalak.  Kinakailangan lamang na ipakita ng… Continue reading MRT-3, may handog na libreng sakay para sa mga atleta at delegado ng FIBA World Cup 2023

DOTr at MIAA, binuksan na ang bidding para sa rehabilitasyon at operasyon ng NAIA

Binuksan na ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) ang bidding para sa kontrata sa pag-rehabilitate, operate, optimize, at pag-maintain ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Makikita sa website ng Public-Private Partnership Center, DOTr, at MIAA, ang mga instruction para sa mga bidder. Saklaw ng ₱170.6-billion NEDA Board-approved NAIA PPP Project… Continue reading DOTr at MIAA, binuksan na ang bidding para sa rehabilitasyon at operasyon ng NAIA

Target economic growth rate ng pamahalaan, kaya pa ring maabot sa pagtatapos ng 2023

Positibo ang National Economic and Development Authority (NEDA) na kaya pa rin ng pamahalaan na maabot ang target economic growth na 6% to 7% ngayong 2023. Pahayag ito ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kasunod ng projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na posibleng hindi maisakatuparan ng gobyerno ang growth target para sa kasalukuyang taon,… Continue reading Target economic growth rate ng pamahalaan, kaya pa ring maabot sa pagtatapos ng 2023

Php 800-M sobrang singil ng MWSS sa water firm, binabawi sa konsyumer – COA

Ibinunyag ng Commission on Audit (COA) ang mahigit Php 800 Million sobrang singil ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga water concessionaires na Manila Water at Maynilad Water Services Inc. Sa taunang ulat ng COA, ang mga koleksyong mula sa 2019 hanggang 2022 ay ibinigay sa ilalim ng mga kasunduan ng ahensya sa… Continue reading Php 800-M sobrang singil ng MWSS sa water firm, binabawi sa konsyumer – COA

3 panibagong proyekto sa ilalim ng Infrastructure Flagship Projects ng pamahalaan, inaprubahan ng NEDA Board

Inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na tatlong bagong proyekto ang madaragdag sa listahan ng Infrastructure Flagship Projects ng pamahalaan, ang inaprubahan ng NEDA Board. Ito ay sa katatapos na 8th NEDA Board Meeting na pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Ayon kay Balisacan, kabilang dito ang Tarlac-Pangasinan-La Union… Continue reading 3 panibagong proyekto sa ilalim ng Infrastructure Flagship Projects ng pamahalaan, inaprubahan ng NEDA Board

PITX, magbibigay ng libreng sakay sa mga manonood ng FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena sa Biyernes

Inanunsiyo ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na sila ay magbibigay ng libreng sakay sa mga manonood ng inaabangang FIBA Basketball World Cup, sa darating na Biyernes, August 25 sa Philippine Arena. Maglalaan ang PITX ng 50 point-to-point buses para lamang sa game goers. Kinakailangan lamang ng game goers na magtungo sa Gate… Continue reading PITX, magbibigay ng libreng sakay sa mga manonood ng FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena sa Biyernes

DTI Secretary Alfredo Pascual, binigyang diin ang kahalagahan ng economic relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos

Binigyang diin ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang kahalagahan ng Estados Unidos, bilang mahalagang trade at investment partner ng ASEAN. Sa naging ASEAN Economic Ministers-United States Trade Representative Consultations sa Semarang, Indonesia, kinilala ni Pascual ang halaga ng ASEAN-US Trade and Investment Facilitation Agreement at Expanded Economic Engagement Initiative Work… Continue reading DTI Secretary Alfredo Pascual, binigyang diin ang kahalagahan ng economic relations sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos

DTI Sec. Alfredo Pascual, nais palakasin ang economic relations ng Pilipinas sa South Korea

Nakipagpulong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual kay Korean Ministry of Trade, Industry and Energy Minister for Trade Dukgeun Ahn sa sidelines ng 55th ASEAN Economic Ministers sa Semarang, Indonesia. Tinalakay ng dalawang opisyal ang mas pinaigting na economic engagements sa pagitan ng dalawang bansa. Ikinalugod rin ng dalawang opisyal ang… Continue reading DTI Sec. Alfredo Pascual, nais palakasin ang economic relations ng Pilipinas sa South Korea

Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo sa taas-singil sa produktong petrolyo bukas

Naglabas na ang mga kumpanya ng langis ng presyo sa naka-ambang taas-singil sa produktong petrolyo, bukas. Simula mamayang alas-12 ng hating gabi magkakaroon ng taas-singil ang kumpanyang Caltex ng P1.10 sa kada litro ng gasolina, habang P0.20 naman sa kada litro ng diesel, at P0.70 naman sa kerosene. Bukas naman ng alas-6 ng umaga, magpapatupad… Continue reading Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo sa taas-singil sa produktong petrolyo bukas