Investment pledges mula sa nagdaang foreign trips ng Pangulo, mahigpit na binabantayan ng pamahalaan upang maisakatuparan

Siniguro ng pamahalaan na may mekanismo na umiiral at nagmo-monitor sa investment pledges na naiuuwi ng Philippine delegation sa bawat biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ibang bansa. Sa press briefing sa Malacañang, siniguro ni DTI Secretary Alfredo Pascual na tinitiyak ng kanilang hanay ang transparency at accountability, at patuloy nilang ini-evaluate ang… Continue reading Investment pledges mula sa nagdaang foreign trips ng Pangulo, mahigpit na binabantayan ng pamahalaan upang maisakatuparan

EU countries, nananatili ang interes na mamuhunan sa Pilipinas

Patuloy na tinatamasa ng Pilipinas ang interes ng European countries na mamuhunan sa bansa, partikular ang France, United Kingdom, Belgium, the Netherlands, at Germany. Pahayag ito ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual kasunod ng tatlong linggong road show na isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Europa. Sa press briefing sa Malacañang,… Continue reading EU countries, nananatili ang interes na mamuhunan sa Pilipinas

Meralco, nagpatupad ng Automatic Load Dropping kasunod ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Metro Manila at karatig probinsya

Nagpatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng Automatic Load Dropping (ALD) kasunod ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan. Ayon sa Meralco, ito ay nagdulot ng pagbaba sa 397 megawatts na suplay ng kanilang kuryente. Ito ay nakakaapekto sa nasa 500,000 customer ng Meralco sa Metro Manila, Bulacan,… Continue reading Meralco, nagpatupad ng Automatic Load Dropping kasunod ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Metro Manila at karatig probinsya

Biyahe ng Philippine Airlines na maghahatid sana sa may 300 Pinoy pilgrims pauwi sa Pilipinas, kanselado

Nakatakdang magpadala ng recovery flight ang Philippine Airlines (PAL) sa Jeddah, Saudi Arabia bukas, Hulyo 12. Ito ay para sunduin ang may 279 na Pinoy Hajj pilgrims, na nabalahaw matapos magka-aberya ang eroplanong kanilang sasakyan pauwi ng bansa. Una rito, kinumpirma ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na kinansela ng PAL ang PR flight… Continue reading Biyahe ng Philippine Airlines na maghahatid sana sa may 300 Pinoy pilgrims pauwi sa Pilipinas, kanselado

NGCP, itinaas ang yellow alert sa Luzon grid ngayong hapon

Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon Grid. Ito ay dahil sa pagnipis ng reserba ng kuryente sa Luzon. Umiiral ang yellow alert ngayong araw, Hulyo 11 mula ala-1 hanggang mamayang alas-4 ng hapon. Sa ngayon ayon sa NGCP, ang available capacity para sa Luzon Grid ay 12,705… Continue reading NGCP, itinaas ang yellow alert sa Luzon grid ngayong hapon

Maynilad, tuloy-tuloy sa paghahanap ng augmentation para masiguro ang sapat na water supply

Patuloy ang Maynilad sa pagkumpleto ng kanilang mga proyekto upang madagdagan ang suplay ng tubig para sa kanilang mga customer. Tugon ito ng water concessionaire sa pagkwestiyon ni Secretary Grace Poe, kung nakakatalima pa ba ang Maynilad sa kanilang prangkisa na magbigay serbisyo sa publiko. Ayon kay Engr. Ronald Padua, Head ng Water Supply Division,… Continue reading Maynilad, tuloy-tuloy sa paghahanap ng augmentation para masiguro ang sapat na water supply

Mga lugar na apektado ng ipapatupad na water interruption, aabot sa 32 barangay –Maynilad

Aabot sa 32 barangay sa Lungsod Quezon ang tiyak nang maaapektuhan ng water interruption na ipapatupad ng Maynilad Water Services, simula sa Hulyo 12. Sa abiso ng Maynilad, kabilang sa maaapektuhang lugar ay ang mga sumusunod: Apolonio Samson, Bagbag (Rockville 2 Subd.); Balingasa, Capri, Commonwealth, Doña Josefa, Greater Fairview, Greater Lagro, Gulod, Holy Spirit, Lourdes,… Continue reading Mga lugar na apektado ng ipapatupad na water interruption, aabot sa 32 barangay –Maynilad

Maynilad, nagpaalala sa customers nito na sapat na tubig lang ang ipunin bilang paghahanda sa water service interruption

Nagpaalala ang Maynilad sa mga customer nito na maaapektuhan ng water service interruption, na mag-ipon lamang ng tubig na sasapat sa oras na mawawalan ng suplay. Paliwanag ni Engr. Ronald Padua, makakaapekto rin kasi ang sabay-sabay at sobrang pag-iipon ng tubig sa kanilang water pressure. Iwas dagdag gastos na rin aniya ito sa water bill… Continue reading Maynilad, nagpaalala sa customers nito na sapat na tubig lang ang ipunin bilang paghahanda sa water service interruption

Pag-amyenda sa EPIRA Law para palakasin ang ERC, suportado ng DOE

Suportado ng Department of Energy (DOE) ang isinusulong na pag-amyenda sa Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 o EPIRA. Ito ay para bigyan ng ibayo pang kapangyarihan ang Energy Regulatory Commission (ERC), para sa mga power distributor na hindi susunod sa mga itinakdang panuntunan. Ayon kay Energy Secretary Raphael… Continue reading Pag-amyenda sa EPIRA Law para palakasin ang ERC, suportado ng DOE

Kumpanyang Univercells, handang makipag-partner sa Pilipinas para sa manufacturing ng mga bakuna – DTI

Nakipagpulong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual kay Jose Castillo, Chief Executive Officer ng Bioscience na subsidiary ng kumpanyang Univercells, isa sa mga kilalang pangalan sa larangan ng abot kayang mga gamot. Sa isinagawang pagpupulong sa Brussels, Belgium, tinalakay nila Pascual at Castillo ang revolutionary approach sa scaling, production at bioprocessing… Continue reading Kumpanyang Univercells, handang makipag-partner sa Pilipinas para sa manufacturing ng mga bakuna – DTI