Libreng bakuna para sa mahigit 7,600 estudyante, ipinagpapatuloy sa Makati

Ipinagpapatuloy ng Makati City ang Bakuna Eskwela o ang libreng school-based immunization (SBI) program para sa Grade 1, Grade 4 (babae), at Grade 7 students. Ayon kay Mayor Abby Binay, target ng programa ang 7,621 estudyante mula sa 24 pampublikong elementarya at high schools sa Makati mula October 11 hanggang November 22, 2024. Paliwanag niya,… Continue reading Libreng bakuna para sa mahigit 7,600 estudyante, ipinagpapatuloy sa Makati

Ilang byahe ng bus sa PITX, kanselado dahil sa bagyong Kristine

Parami ng parami ang bilang ng mga kanseladong byahe ng bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX. Ayon sa pinakahuling anunsyo ng nasabing terminal, kanselado ang byhae ng AB Liner na may rutang Calauag, Quezon at oras ng byahe na 12:00 PM, 3:00 PM, 5:30 PM bunsod ng mga hindi madaraanang kalsada sa Quezon.… Continue reading Ilang byahe ng bus sa PITX, kanselado dahil sa bagyong Kristine

Libreng cremation ng mga labi at muling pagbukas ng burial site sa Tugatog Public Cemetery, inanunsyo ng Malabon LGU

Sinisimulan na ng Malabon City Local Government ang libreng cremation sa Tugatog Public Cemetery bago ang Undas sa November 1. Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, walang babayaran ang mga kaanak ng yumao maliban sa makipag ugnayan lang sa pamahalaang lungsod. Ngayong Undas, bubuksan na ang burial site sa public cemetery na pansamantalang isinara noong noong… Continue reading Libreng cremation ng mga labi at muling pagbukas ng burial site sa Tugatog Public Cemetery, inanunsyo ng Malabon LGU

Emergency Room ng Ospital ng Maynila at Gat Andres Bonifacio Medical Center, kasalukuyang puno— Manila LGU

Ipinalabas ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang isang abiso ukol sa sitwasyon sa Ospital ng Maynila Medical Center at Gat Andres Bonifacio Medical Center ngayong araw. Ayon sa Manila Public Information Office, puno sa ngayon ang emergency room at mga kwarto ng dalawang ospital. Pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagbibigay ng mga… Continue reading Emergency Room ng Ospital ng Maynila at Gat Andres Bonifacio Medical Center, kasalukuyang puno— Manila LGU

Ilan pang bike shed na proyekto ng QC LGU, binuksan na

Pormal nang pinasinayaan ng Quezon City Local Government ang dalawang end-of-trip cycling facilities sa loob ng Ismael Mathay Sr. High School. Sa kabuuan, umabot na sa 15 sets ng bike shed ang operational na sa Lungsod Quezon. Ayon sa LGU, kumpleto ito sa bike racks, shed at repair stations. Prayoridad umano ang paglalagay ng mga… Continue reading Ilan pang bike shed na proyekto ng QC LGU, binuksan na

Dalawang puganteng Koreano, arestado ng BI

Inaresto ng mga agent ng Bureau of Immigration (BI) sa dalawang magkahiwalay na operasyon ang dalawang South Korean fugitives na sinasabing wanted sa kanilang bansa. Noong Oktubre 12, hinuli ng BI si Choi Jonguk, 42-anyos, sa Barangay Tambo, Parañaque City. Si Choi ay wanted simula pa noong 2019 dahil sa pagpapatakbo ng isang illegal na… Continue reading Dalawang puganteng Koreano, arestado ng BI

Quezon City Jail Female Dormitory, pinagkalooban ng ‘Tulong Palasyo’ care package mula sa Unang Ginang

Kahon-kahong hygiene kits ang ipinadala ng tanggapan ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa Quezon City Jail Female Dormitory. Ayon kay QCJFD Jail Chief Insp. Lourvina Abrazado, hinatid ng Presidential Management Staff ang 630 kahon ng ‘Tulong Palasyo’ Care Package para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL). Naglalaman ang mga ito ng mga toothpaste, toothbrush,… Continue reading Quezon City Jail Female Dormitory, pinagkalooban ng ‘Tulong Palasyo’ care package mula sa Unang Ginang

Higit 6 libong residente ng Quezon City, natulungan sa isinagawang isang linggong Community Engagement activities ng QCPD

Abot sa kabuuang 6,970 residente ng Quezon City ang natulungan ng Quezon City Police District sa isinagawang Community Engagement Activities mula Oktubre 11-17, 2024. Ayon kay QCPD Acting District Director Police Colonel Melecio Buslig Jr., matagumpay na naisagawa ang 86 community engagement activities sa tulong ng mga stakeholder at advocacy support groups. Nais ng QCPD… Continue reading Higit 6 libong residente ng Quezon City, natulungan sa isinagawang isang linggong Community Engagement activities ng QCPD

Maynilad, natapos na ang 19.69-km pipe replacement project sa North Caloocan

Nakumpleto na ng Maynilad Water Services, Inc. ang pagpapalit ng 19.69 kilometers ng luma at undersized pipes sa North Caloocan City. Kasama sa Php191-million na proyekto ang pagpapalit ng 23-year old pipes sa Barangay Bagong Silang. Umaasa ang Maynilad na makakapagdala na ng mas maraming tubig ang malalaking diameter na tubo at matugunan ang tumaas… Continue reading Maynilad, natapos na ang 19.69-km pipe replacement project sa North Caloocan

Ilang bahagi ng Pau Bridge at Angat bridge, isasara sa mga motorista,ayon sa NLEX

Simula sa Lunes, Oktubre 21 hanggang 26, isasara sa mga motorista ang may 300 meter lane ng PAU Bridge Southbond ng North Luzon Expressway. Matatagpuan ang apektadong lane pagkatapos ng San Matias River Bridge. Sa abiso ng NLEX Corporation, ang pagsasara ng bahagi ng tulay ay para bigyang daan ang safety repair works. Kasabay nito… Continue reading Ilang bahagi ng Pau Bridge at Angat bridge, isasara sa mga motorista,ayon sa NLEX