Pag-rescue sa mga palaboy sa lansangan, pinaigting na ng DSWD at LGUs

Kabuuang 111 palaboy ng lansangan ang nasagip ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kabilang ang 18 bata o mga Children in Street Situation (CISS). Nagsanib pwersa ang DSWD Pag-abot Program, Lokal na Pamahalaan ng Caloocan, Quezon City, Metropolitan Manila Development Authority at Philippine National Police-NCRPO sa isang reach-out operation sa mga area of… Continue reading Pag-rescue sa mga palaboy sa lansangan, pinaigting na ng DSWD at LGUs

Bulkang Taal, nagparamdam pa ng apat na phreatic eruption

Nagtala pa ng apat na phreatic eruption events ang Taal Volcano sa Batangas na tumagal ng isa hanggang anim na minuto ang haba hanggang kaninang madaling araw. Kasabay nito, ang dalawang volcanic earthquake kabilang ang isang volcanic tremor na tumagal ng pitong minuto. Sa nakalipas na 24 oras, nakapaglabas pa ang bulkan ng 3,276 tonelada… Continue reading Bulkang Taal, nagparamdam pa ng apat na phreatic eruption

Incumbent Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at mga kaalyado, naghain na rin ng COC

Nagsumite na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa Robinsons Town Mall sa Barangay Tinajeros si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at ang kaniyang mga kaalyado. Ayon kay Mayor Sandoval, muli siyang tatakbo upang ipagpatuloy ang mga nasimulang programa para sa ikabubuti ng mga residente. Kabilang sa mga programang ito ang malawakang ayuda sa Blue… Continue reading Incumbent Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at mga kaalyado, naghain na rin ng COC

Ex-Sen. Sonny Trillanes, pormal nang naghain ng COC para lumaban sa pagka-alkalde sa Caloocan

Tuloy na ang tapatang Malapitan vs Trillanes sa lungsod ng Caloocan. Ito matapos na maghain na ng kanyang Certificate of Candidacy si Trillanes para tumakbong alkalde ng lungsod ng Caloocan. Pasado alas-10 ng umaga nang dumating ang dating senador sa COMELEC satellite office sa SM Grand Central. Marami rin itong tagasuporta na sumalubong sa kanya.… Continue reading Ex-Sen. Sonny Trillanes, pormal nang naghain ng COC para lumaban sa pagka-alkalde sa Caloocan

Marikina solon, target na magkaroon ng komprehensibong sports program ang lungsod

Plano ni Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro na makabuo ng isang komprehensibong sports program sa lungsod, kasabay ng hangarin na makapaglinang pa ng mga atleta at magkaroon ng kauna-unahang Olympic gold medalist mula sa Marikina. ”Layunin nating makapag-develop ng mas maraming propesyonal na atleta mula Marikina at, balang araw, magkaroon ng isang Olympic gold… Continue reading Marikina solon, target na magkaroon ng komprehensibong sports program ang lungsod

Tatlong pulis na sangkot sa “enforced disappearance” ng dalawang lalaki sa Cavite, pinasisibak sa serbisyo ng  PNP-IAS

Inirekomenda ng Philippine National PoliceInternal Affairs Service (PNP-IAS) ang pagpapatalsik sa serbisyo ng 3 pulis at ang pagsuspinde ng 1 pang pulis na sangkot sa sapilitang pagkawala ng 2 lalaki sa isang hindi awtorisadong checkpoint sa Imus, Cavite noong July 13, 2023. Ayon kay IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, sa isinagawang imbestigasyon —natuklasan na… Continue reading Tatlong pulis na sangkot sa “enforced disappearance” ng dalawang lalaki sa Cavite, pinasisibak sa serbisyo ng  PNP-IAS

Naghain ng COC sa pagka-kongresista sa COMELEC-NCR ngayong araw, 7 pa

Umabot na sa pito ang mga naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagkakongresista sa COMELEC-NCR sa San Juan City ngayong araw. As of 2:20PM, kabilang sa mga naghain ng COC sina: 5. ANGELO ESTRADA BASE na tatakbo sa  1st district ng Makati Pagkatapos maghain ng COC, lumagda ang  mga aspirant sa “Panata para sa… Continue reading Naghain ng COC sa pagka-kongresista sa COMELEC-NCR ngayong araw, 7 pa

Ruling party na Partido Federal ng Pilipinas, patuloy ang paglago

Pinangunahan ni Pasay City mayor at Partido Federal ng Pilipinas NCR chairman Emi Calixto Rubiano ang isinagawang basic master unit orientation ng partido at panunumpa bg mga bagong miyembro. Dito ay binasa ni Calixto ang panata ng PFP kung saan sinusundan ang nasabing panunumpa ng iba’t ibang kandidato ng PFP mula sa kalakhang Maynila. Sa… Continue reading Ruling party na Partido Federal ng Pilipinas, patuloy ang paglago

Incumbent Mayor Along Malapitan, naghain na ng kanyang COC para sa pagka-alkalde sa Caloocan

Muling hihirit para sa kanyang ikalawang termino si incumbent Caloocan Mayor Along Malapitan na naghain na rin ng kanyang certificate of candidacy para sa pagkaalkalde sa Comelec sa SM Grand Central. Kasama nitong naghain ng COC si Vice Mayor Karina Teh at buong Team Aksyon at Malasakit District 2 councilors. Sumuporta rin sa COC filing… Continue reading Incumbent Mayor Along Malapitan, naghain na ng kanyang COC para sa pagka-alkalde sa Caloocan

LTO, nag-isyu ng SCO laban sa Tesla driver sa viral road accident sa Sta Rosa Laguna

Naglabas na ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa may-ari ng Tesla na nakabangga sa isang motorcycle backrider sa Sta. Rosa City sa Laguna noong Setyembre 25. Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II na naglabas ng kautusan ang LTO kasunod ng viral video na ipinost sa isang online motoring… Continue reading LTO, nag-isyu ng SCO laban sa Tesla driver sa viral road accident sa Sta Rosa Laguna