MMDA, walang na-monitor na stranded na mga pasahero ngayong ikalawang araw ng transport strike ng PISTON at Manibela

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na wala pang naitatalang mga stranded na pasahero sa kabila ng isinasagawa transport strike ng grupong PISTON at Manibela. Ito ang ang kinumpirma ng MMDA ngayong ikalawang araw ng transport strike ng nasabing mga grupo. Gayunpaman, nananatili pa ring nakaalerto ang ahensya kasama ang DOTr at PNP. Sa… Continue reading MMDA, walang na-monitor na stranded na mga pasahero ngayong ikalawang araw ng transport strike ng PISTON at Manibela

Tigil-pasada ng grupong PISTON at Manibela, nananatiling mapayapa –PNP

Walang naitalang anumang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng patuloy na tigil-pasada ng mga grupong PISTON at Manibela. Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, batay sa monitoring ng NCRPO, nananatiling mapayapa ang transport strike simula pa kahapon. Dagdag pa niya, tinatayang nasa 400 ang kanilang na-monitor na lumahok sa tigil-pasada… Continue reading Tigil-pasada ng grupong PISTON at Manibela, nananatiling mapayapa –PNP

Programang QC Tangal Bara, Iwas Baha, inumpisahan na sa 2 barangay sa lungsod

Inilunsad ng Quezon City Government ang programang QC Tanggal Bara, Iwas Baha sa Barangay Central at Vasra. Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nanguna sa implementasyon ng proyekto para sa lahat ng 142 Barangay sa lungsod. Layon ng City Wide Program na ito na maiwasan ang mga matinding pagbaha tuwing may pag ulan at bagyo.… Continue reading Programang QC Tangal Bara, Iwas Baha, inumpisahan na sa 2 barangay sa lungsod

Transport ops sa Lungsod ng Pasay, banayad sa kabila ng nagpapatuloy na transport strike

Walang epekto ang tigil-pasada ng ilang transport group sa transport operation ng Lungsod ng Pasay. Ayon sa Pasay LGU, kahit noon pa ay hindi nakaapekto sa kanilang lungsod ang ginagawang strike ng ilang mga tsuper dahil maliit na porsyento lamang ng mga tsuper sa Pasay ang miyembro ng Manibela at Piston. Pero sa kabila nito… Continue reading Transport ops sa Lungsod ng Pasay, banayad sa kabila ng nagpapatuloy na transport strike

UP Diliman, pinayuhan ang faculty members na magpatupad ng asynchronous classes bukas dahil sa transport strike

Hinimok ng Office of the Chancellor ng University of the Philippines, Diliman ang mga faculty member na magpatupad ng remote o asynchronous mode ng klase bukas, Setyembre 24. Pahayag ito ng pamunuan ng UP kasunod ng inaasahang pagpapatuloy ng transport strike ng Manibela at Piston jeepney. Pinapayagan din ang mga unit head na magpatupad ng… Continue reading UP Diliman, pinayuhan ang faculty members na magpatupad ng asynchronous classes bukas dahil sa transport strike

Paniningil ng multa sa mga motoristang dadaan sa expressway na walang RFID, ipinagpaliban sa 2025— DOTr

Muling ipinagpaliban ng Department of Transportation (DOTr) sa 2025 ang pagpapataw ng multa sa mga motoristang hindi susunod sa mga patakaran sa expressways sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lugar, kabilang ang pag-install at tamang pag-load ng RFID. Ayon kay Transportation Sectretary Jaime Baustista, mayroong mga tool ang DOTr upang matugunan ang… Continue reading Paniningil ng multa sa mga motoristang dadaan sa expressway na walang RFID, ipinagpaliban sa 2025— DOTr

AF Payments Inc., nagbabala laban sa pekeng promo ng beep card na nag-aalok ng libreng sakay sa tren

Nagbabala ang AF Payments Inc. (AFPI), ang may-ari ng beep card, sa publiko tungkol sa mapanlinlang na online promotion na nag-aalok ng 12 buwang libreng sakay sa tren. Batay sa abiso, ang scam ay unang nai-post sa Facebook page na Transportation in Metro Manila at mula noon ay naibahagi na sa iba’t ibang social media… Continue reading AF Payments Inc., nagbabala laban sa pekeng promo ng beep card na nag-aalok ng libreng sakay sa tren

Libreng sakay sa Malabon City, magtuloy-tuloy hanggang bukas sa gitna ng transport strike

Tiniyak ng Malabon City Local Government na magpapatuloy ang serbisyong libreng sakay sa lungsod bukas sa ikalawang araw ng jeepney transport strike. Sa abiso ng LGU, titiyakin nito na may maayos na alternatibong transportasyon ang publiko at magpapatuloy ang kanilang gawain sa kabila ng transport strike. Mag-iikot sa mga pangunahing ruta ng jeepney ang libreng… Continue reading Libreng sakay sa Malabon City, magtuloy-tuloy hanggang bukas sa gitna ng transport strike

Pagsasampa ng kaso ng hoarding sa mga nasa likod ng overstaying na containers, pinaga-aralan ng pamahalaan

Nasa 300 containers ng bigas, mula sa 888 na overstaying sa mga pantalan sa Maynila ang na-pull out na nitong weekend. Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, madadagdagan pa ang bilang na ito sa mga susunod na araw, lalo’t ito ngayon ang tutok ng kanilang tanggapan. “Sa patuloy pong pakikipag-ugnayan natin… Continue reading Pagsasampa ng kaso ng hoarding sa mga nasa likod ng overstaying na containers, pinaga-aralan ng pamahalaan

Tigil-pasada sa Pasig, umarangkada na; mga miyembro naman ng MANIBELA sa San Juan City, hindi sumama

Aabot sa 20 miyembro ng grupong MANIBELA ang lumahok sa ikinasang tigil-pasada kasama ang grupong PISTON. 8AM ng umaga nang magsimula ang programa sa bahagi ng Pasig-Palengke bilang pagtutol sa pag-arangkada ng PUV Modernization Program. Hindi naman nakasama sa programa ang mga miyembro ng PISTON dahil nangangalap pa sila ng mga lalahok. Sa kabila naman… Continue reading Tigil-pasada sa Pasig, umarangkada na; mga miyembro naman ng MANIBELA sa San Juan City, hindi sumama