Kadiwa store sa Las Piñas, muling aarangkada

Muling aarangkada bukas ,araw ng Biyernes ang mga Kadiwa store sa Las Piñas City. Ayon sa Las Piñas City Agriculture Office, matatagpuan ito sa mismong city hall na magbubukas ng alas-7 ng umaga at magsasara ng alas-5 ng hapon. Mayroon din sa Southland Estate sa Brgy. Talon Uno na magbubukas naman ng alas-6 ng umaga… Continue reading Kadiwa store sa Las Piñas, muling aarangkada

January 9, idineklara bilang Special (Non-working) Day sa Maynila

Ideneklara ng Malacañang na special (non working) day ang January 9, 2024 (Martes), sa Lungsod ng Maynila, upang bigyang daan ang selebresyaon ng Pista ng Itim na Nazareno. Sa January 9 idaraos ang Traslacion para sa pista. Sa ilalim ng Proclamation no. 434, nakasaad na ang hakbang na ito ay upang mabigyan ng oportunidad ang… Continue reading January 9, idineklara bilang Special (Non-working) Day sa Maynila

Makati LGU, naglabas ng pahayag hinggil sa pagsasara ng health centers sa 10 embo barangay na nakapaloob na sa Taguig City

Naglabas na ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng Makati hinggil sa pagsasara ng health centers ng bawat EMBO barangay na nakapaloob na sa hurisdiksyon ng Taguig. Ayon kay Makati City Administrator Claro Certeza na matagal nang nakipag-ugnayan ang kanilang lungsod sa Taguig City hinggil sa pagre-renew ng ‘License to Operate’ ng health care centers… Continue reading Makati LGU, naglabas ng pahayag hinggil sa pagsasara ng health centers sa 10 embo barangay na nakapaloob na sa Taguig City

Mga pamilyang nasunugan sa Malabon City, binigyan ng ayuda ng Malabon LGU at DSWD

Magkatuwang na namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Malabon City Social Welfare at Development Department sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay Panghulo. Ayon sa Malabon City LGU, bawat pamilya ay nakatanggap ng hygiene kit, sleeping kit, kitchen kit, relief supplies, at family food packs. Ang pamamahagi ay pinangunahan nina… Continue reading Mga pamilyang nasunugan sa Malabon City, binigyan ng ayuda ng Malabon LGU at DSWD

Pahayag ng Makati City LGU hinggil sa pagsasara ng health centers sa 10 EMBO Barangay, walang katotohanan – Taguig LGU

Tinawag na kasinungalingan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang naunang pahayag ng Makati City LGU hinggil sa pagsasara ng mga health center at lying-in clinics sa 10 Enlisted Men’s Barrio o EMBo Barangays. Ito’y matapos ihayag ng Makati City LGU na kailangan nang isara ang mga health center at lying-in clinic dahil sa paso o… Continue reading Pahayag ng Makati City LGU hinggil sa pagsasara ng health centers sa 10 EMBO Barangay, walang katotohanan – Taguig LGU

MMDA, sinita ang may 80 sasakyan sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA busway

Tuloy-tuloy ang ginagawang operasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group – Strike Force sa kahabaan ng EDSA ngayong ikatlong araw ng taon. Mula alas-7 hanggang alas-10:30 kaninang umaga, pumalo na sa humigit kumulang 80 sasakyan ang nahuli ng MMDA dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA busway. Partikular na tinauhan ng MMDA… Continue reading MMDA, sinita ang may 80 sasakyan sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA busway

Mga negosyante sa Valenzuela, hinikayat nang asikasuhin ang kanilang Business Permit

Muling hinikayat ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang mga negosyante na asikasuhin na ng maaga ang renewal ng kanilang business permit. Kasunod ng pagbubukas ng Business One-Stop Shops (BOSS) ngayong renewal season na muli. Matatagpuan ang BOSS sa ALERT Multi-purpose Hall at mga piling 3S Centers na bukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng… Continue reading Mga negosyante sa Valenzuela, hinikayat nang asikasuhin ang kanilang Business Permit

Mga kawani ng LRTA, muling hinimok na paigtingin ang kooperasyon ngayong 2024

Muling hiniling ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando Cabrera ang tulong at kooperasyon ng lahat ng kawani ng ahensya sa unang araw ng pagbabalik-trabaho ngayong araw, January 2. Sa pinaka-unang flag-raising ceremony ngayong 2024, binigyang diin ni Cabrera ang pagsunod sa hinihinging compliances ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan pagdating sa pagseserbisyo… Continue reading Mga kawani ng LRTA, muling hinimok na paigtingin ang kooperasyon ngayong 2024

Isang sasakyan, inararo ang ilang concrete barriers ng EDSA Busway sa EDSA-Boni, Mandaluyong City

Lumuwag na ang daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA-Boni Southbound Lane sa Mandaluyong City ngayong hapon. Ito matapos na maialis na ang pulang Toyota Innova na inararo ang ilang concrete barriers sa EDSA Busway. Pumutok kasi ang dalawang gulong sa kaliwang bahagi ng sasakyan kaya naman pinili ng driver na ibangga na lang… Continue reading Isang sasakyan, inararo ang ilang concrete barriers ng EDSA Busway sa EDSA-Boni, Mandaluyong City

Sako-sakong basura, nakolekta ng MMDA sa Luneta Park sa Maynila

Puspusan ang isinasagawang clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Ayon sa MMDA, umabot sa 60 trash bags ang nakolekta nito sa Luneta Park sa Maynila na dinayo ng publiko noong Bagong Taon. Sa paglilinis ng mga miyembro ng MMDA Metro Parkways Clearing Group, matiyaga nilang winalis,… Continue reading Sako-sakong basura, nakolekta ng MMDA sa Luneta Park sa Maynila