DOTr, itinanggi ang mga akusasyon ng transport group na Manibela na ‘di nito natutugunan ang concerns ng PUV drivers

Itinanggi ng Department of Transportation (DOTr) ang mga akusasyon ni Manibela President Mar Valbuena, na bigo ang ahensya na matugunan ang mga concern ng public utility vehicle (PUV) drivers at operators. Ito ay matapos na maghayag ng mga reklamo si Valbuena sa social media kay Transportation Secretary Jaime Bautista, na hindi nito pinansin ang naunang… Continue reading DOTr, itinanggi ang mga akusasyon ng transport group na Manibela na ‘di nito natutugunan ang concerns ng PUV drivers

Marikina City LGU, nagpulong para sa paghahanda sa segruidad ng gaganaping Palarong Pambansa 2023

Dahil sa 15 araw na lang ang nalalabi bago ang pagdaraos ng Palarong Pambansa 2023 sa Lungsod ng Marikina, nagsagawa ito ng pagpupulong upang maging handa ito sa ilalatag na seguridad sa naturang taunang sports activity ng Department of Education (DepEd). Pinangunahan ni Mayor Marcy Teodoro ang pagtalakay sa paghahanda sa seguridad ng mga delegado,… Continue reading Marikina City LGU, nagpulong para sa paghahanda sa segruidad ng gaganaping Palarong Pambansa 2023

Sen. Revilla, umapela sa MMDA, DPWH na aksyunan ang mabilis na pagbaha sa Metro Manila

Kinalampag ni Senate Committee on Public Works Chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na tugunan ang pagbaha sa Metro Manila. Ayon kay Revilla, dapat  agarang tukuyin ng MMDA at DPWH kung bakit napakabilis  ang pagbabaha  sa ilang mga lugar sa kalakhang… Continue reading Sen. Revilla, umapela sa MMDA, DPWH na aksyunan ang mabilis na pagbaha sa Metro Manila

₱51-M na maintenance cost ng New Clark City Sports Facility, pinuna ng COA

Pinuna ng Commission on Audit o COA ang gastos sa maintenance ng New Clark City sports facilities sa Capas, Tarlac na pinatatakbo ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA. Batay sa annual audit ng COA noong 2022, lumalabas na umabot sa P51 milyon ang maintenance cost ng NCC na ginamit noong Southeast Asian Games… Continue reading ₱51-M na maintenance cost ng New Clark City Sports Facility, pinuna ng COA

Pasig City LGU at ilang bike community organizations, may alok na libreng bike lesson

Upang mas mabigyan ng tamang edukasyon ang nais magbisikleta mula sa iba’t ibang bike riders’ community, nag-alok ang Pasig City Local Government ng bike lessons sa mga residente ng lungsod. Ayon sa Pasig City Transport, layon ng libreng bike lessons na maging aral ang bikers sa pagbibiskleta sa iba’t ibang lansangan, di lamang sa Pasig… Continue reading Pasig City LGU at ilang bike community organizations, may alok na libreng bike lesson

DPWH, magpapatupad ng road re-blocking sa C-5 Road sa Pasig City simula bukas hanggang Lunes

Magpapatupad ng road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa C-5 Road Northbound sa Pasig City simula bukas, July 14 ng 10PM hanggang Lunes July 17 ng 5AM. Kabilang sa maaapektuhang kalsada ang SMDC Gems Residences hanggang Julia Vargas Avenue Intersection – Lanes 3 at 4 sa Barangay Ugong. Ito ay upang… Continue reading DPWH, magpapatupad ng road re-blocking sa C-5 Road sa Pasig City simula bukas hanggang Lunes

MMDA at Manila Water, nagpulong kaugnay sa mga hakbang para matugunan ang epekto ng El Niño sa bansa

Nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Manila Water kaugnay sa mga hakbang upang matugunan ang epekto ng El Niño sa bansa. Sa naturang pulong, hiniling ng MMDA ang tulong ng Manila Water para maisagawa ang pag-reuse ng tubig. Ito ay sa gitna na rin ng pinangangambahang krisis sa tubig ngayong panahon ng… Continue reading MMDA at Manila Water, nagpulong kaugnay sa mga hakbang para matugunan ang epekto ng El Niño sa bansa

10 domestic flights ng Airswift Airlines, kinansela dahil sa masamang panahon

Aabot sa 10 domestic flight ng Airswift ang kinansela ngayong tanghali sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa. Sa abiso ng MIAA Media Affairs Division, kabilang sa mga kinansela ang anim na mga flight nito mula Manila patungong El Nido at pabalik ng Manila. Ito ay… Continue reading 10 domestic flights ng Airswift Airlines, kinansela dahil sa masamang panahon

Gwardya ng SM North EDSA na nanakit ng tuta, iniimbestigahan na ng PNP

Posibleng masuspindi o mabawi ang lisensya ng security guard ng SM North Edsa Mall at ng kanyang security agency dahil sa ginawa nitong pagpatay sa isang tuta. Ayon sa Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) iniimbestigahan na nila ang security guard na si Jojo Malicdem matapos na mag-viral sa social media… Continue reading Gwardya ng SM North EDSA na nanakit ng tuta, iniimbestigahan na ng PNP

Metro Manila, ilang karatig lalawigan, patuloy na uulanin dahil sa LPA

Inaasahang magpapatuloy pa ang mga pag-ulan sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan sa mga susunod pang oras. Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, asahan ang mahina hanggang katamtaman na may paminsang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon. Mahina hanggang katamtamang ulan… Continue reading Metro Manila, ilang karatig lalawigan, patuloy na uulanin dahil sa LPA