Kauna-unahang seafarers job fair ng DMW, inilunsad ngayong araw

Binuksan ngayong umaga ang 1st Seafarers Job Fair 2023 sa tanggapan ng Department of Migrant Workers sa Mandaluyong City bilang bahagi ng selebrasyon ng Day of the Seafarer. Nasa higit 1,500 job vacancies ang alok ng locally-based 25 manning agencies. Kabilang na rito ang trabaho sa mga traditional vessel gaya ng tanker, container, at cargo.… Continue reading Kauna-unahang seafarers job fair ng DMW, inilunsad ngayong araw

Nasa ₱50-M halaga ng frozen meat, nasabat ng DA sa Maynila

Bilang bahagi pa rin ng pinaigting na kampanya kontra agri smuggling, aabot sa ₱50-milyong halaga ng frozen meat ang nasamsam ng Department of Agriculture Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement (DA IE) sa ikinasang raid sa isang storage facility sa Sta. Cruz, Maynila. Isinagawa ang operasyon noong June 20 sa GGF Frozen… Continue reading Nasa ₱50-M halaga ng frozen meat, nasabat ng DA sa Maynila

Mahigit P4-M halaga ng ecstacy, nasabat ng PDEA sa Pasay City

Nabatid na nagmula ang nasabing parcel sa isang Maria Suarez ng General Brubbelstraat, Belgium at nakapangalan naman sa isang Charito Casamello ng Manuyo Uno, Las Piñas City bilang consignee.

Mahigit 1,000 senior citizens mula sa 3 brgy. sa Parañaque, tumanggap na ng social pension

Aabot sa 1,651 na mga nakatatanda o senior citizen sa tatlong barangay sa Parañaque City ang tumanggap na ng kanilang social pension. Ito ay kasunod ng isinagawang payout para sa social pension ng mga senior citizen sa ikalawang distrito ng lungsod, partikular na sa Brgy. Marcelo Green, Brgy. San Martin De Porres at Brgy. Don… Continue reading Mahigit 1,000 senior citizens mula sa 3 brgy. sa Parañaque, tumanggap na ng social pension

MMDA, Metro Manila LGUs, nagpulong para sa bubuuing 50-year Metro Manila Drainage Master Plan

Nagsagawa ng roundtable discussion ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila. Ito ay para sa bubuuing 50-Year Metro Manila Drainage Master Plan. Ayon sa MMDA, layon nitong pag-isahin ang mga polisiya, istratehiya, at programang may kinalaman sa flooding at drainage improvement works. Kabilang sa… Continue reading MMDA, Metro Manila LGUs, nagpulong para sa bubuuing 50-year Metro Manila Drainage Master Plan

Makati LGU, magsasagawa ng Lingkod Bayan Caravan sa July 1

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng Lingkod Bayan Caravan sa darating na Sabado, July 1 sa Barangay San Antonio. Gagawin ang nasabing caravan sa San Antonio Community Complex sa Lumbayao corner Caong Street, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Magkakaloob ng libreng serbisyong medikal tulad ng libreng gamot, blood typing, ECG, FBS,… Continue reading Makati LGU, magsasagawa ng Lingkod Bayan Caravan sa July 1

Magna Carta para sa tricycle drivers, isinusulong

Inihain ni Quezon City Representative PM Vargas ang House Bill 8357 o panukalang Magna Carta of Tricycle Driver. Ayon sa mambabatas, sa pamamagitan nito ay mapapangalagaan ang karapatan ng mga nagmamaneho at operator ng pumapasadang tricycle. Isinusulong sa panukala ang pagkakaroon ng standard na panuntunan para sa operasyon ng tricycle. Padadaliin din ang proseso ng… Continue reading Magna Carta para sa tricycle drivers, isinusulong

Kauna-unahang SEAMEO INNOTECH Youth-Led Summit, inilunsad

Opisyal nang nagbukas ang kauna-unahang Youth Summit na inorganisa ng Southeast Asian Ministers of Education Organization – Regional Center for Innovative Educational Technology (SEAMEO INNOTECH) sa Quezon City. Nagtipon-tipon dito ang nasa higit 160 youth leaders mula sa 10 ASEAN member-countries kabilang ang Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor Leste, Vietnam, at… Continue reading Kauna-unahang SEAMEO INNOTECH Youth-Led Summit, inilunsad

Valenzuela LGU, may alok na tax amnesty sa amilyar

Hinikayat ngayon ng Valenzuela City local government ang mga taxpayer nito na sulitin ang iniaalok nitong amnesty program sa pagbabayad ng amilyar. Kasunod ito ng pagpasa sa City Ordinance no. 1100, s.2023 kung saan principal tax na lamang ng delinkwenteng ari-arian ang kailangang bayaran at wala nang babayarang penalties, surcharges, o interest. Pasok ito para… Continue reading Valenzuela LGU, may alok na tax amnesty sa amilyar

Ilang kalsada sa Pasig City, isasara para sa isasagawang civic parade sa selebrasyon ng ika-450th anibersaryo ng lungsod sa July 1

Bilang pagbibigay-daan sa pagdiriwang sa ika-450 anibersaryo ng Lungsod ng Pasig, isasara ang ilang kalsada sa lungsod dahil sa civic parade sa darating na July 1. Ayon sa Traffic Management ng lungsod ang mga kalsadang isasara ay ang mga sumusunod: • Caruncho Ave. (in front of Pasig City Hall)• F. Manalo St. (in front of… Continue reading Ilang kalsada sa Pasig City, isasara para sa isasagawang civic parade sa selebrasyon ng ika-450th anibersaryo ng lungsod sa July 1