NCRPO, puspusan na ang paghahanda sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Magpapatupad ng ‘gun ban’ gayundin ng “No Fly Zone” at “No Drone Zone” sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 24. Ito ang ipinaalala ng National Capital Region Police Office o NCRPO na naglalayong masiguro ang ligtas, mapayapa at maayos na pag-uulat sa bayan ng… Continue reading NCRPO, puspusan na ang paghahanda sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

International flights ng PAL, nailipat na sa NAIA Terminal 1 ngayong araw

Nagsimula na ngayong araw na mailipat ang lahat ng international flights ng Philippine Airlines sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport mula sa Terminal 2. Ayon kay PAL Vice President for Airport Operations Alfred Adriano, dalawang buwang pinaghandaan ng flag carrier ang paglipat ng mga international flight patungong Terminal 1 sa tulong ng iba… Continue reading International flights ng PAL, nailipat na sa NAIA Terminal 1 ngayong araw

Pamahalaang lungsod ng Taguig, naglunsad ng isang FB group para sa mga nanay

Inilunsad ng Taguig City Government ang MOMS Taguig Facebook Group sa isinagawang Buntis Congress ng lungsod kahapon sa Taguig Lakeshore Hall. Layon ng nasabing Facebook group na magkaroon ng diskusyon at palitan ng tips ng mga nanay sa Taguig. Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, nais nito na tiyakin na magiging kaagapay ng mga… Continue reading Pamahalaang lungsod ng Taguig, naglunsad ng isang FB group para sa mga nanay

Mga manggagawa sa Navotas, sasailalim na sa annual drug test

Inoobliga na ng Navotas LGU ang pagpapatupad ng mandatory drug test sa piling empleyado ng mga business establishment sa lungsod. Kasunod ito ng pag-apruba ng Navotas City Council sa City Ordinance No. 2023-23 na layong isulong ang drug free workplace sa lungsod. Sa ilalim ng ordinansa, minamandato ang ilang mga negosyo sa lungsod na tumalima… Continue reading Mga manggagawa sa Navotas, sasailalim na sa annual drug test

QC-LGU, namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Barangay Bagbag

Nagpaabot ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City sa mga pamilyang nabiktima ng sunog sa Barangay Bagbag. Personal na ipinamahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tulong-pinansyal sa mga nasunugan na nasa 199 na pamilya. Tig P10,000 ang ibinigay ni Belmonte sa homeowners habang P5,000 naman sa mga nagrerenta o sharer. Patuloy… Continue reading QC-LGU, namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Barangay Bagbag

“15-minute city strategy”, isinusulong ng Quezon City Government sa mga barangay

Pinag-aaralan ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang pagpapatupad ng “15-minute city strategy” sa mga barangay. Ito ay isang konsepto o urban model na binuo ng isang propesor sa Sorbonne University, kung saan lahat ng essential services ay accessible sa mga residente sa pamamagitan ng paglalakad o pagbibisikleta mula sa tahanan. Kabilang sa mga… Continue reading “15-minute city strategy”, isinusulong ng Quezon City Government sa mga barangay

Paghahandog ng libreng libing ng Las Piñas LGU, nagpapatuloy

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas na magtutuloy-tuloy ang pagbibigay nito ng libreng libing sa mga Las Piñeros na namatayan ng kanilang mahal sa buhay. Ito ang inihayag ni Las Piñas City LGU Mayor Imelda Aguilar makaraang magtungo sa kaniyang tanggapan ang ilang naulilang pamilya para humiling ng tulong. Walang pag-aatubiling pinirmahan ni Mayor… Continue reading Paghahandog ng libreng libing ng Las Piñas LGU, nagpapatuloy

Traffic enforcers sa Metro Manila, sasailalim sa training para sa single ticketing system

Inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes, na magsisimula na sa June 27 ang pagsasanay ng mga traffic enforcer para sa pagpapatupad ng single ticketing system. Ayon kay Artes, dumating na ang unang batch ng handheld device na na-customize sa pitong local government unit (LGU) kabilang ang San Juan, Caloocan,… Continue reading Traffic enforcers sa Metro Manila, sasailalim sa training para sa single ticketing system

Power transmission services ng NGCP, di apektado ng 6.3 magnitude na lindol sa Batangas

Iniulat ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nananatiling normal ang power transmission services nito sa kabila ng tumamang ng 6.3 magnitude na lindol na tumama sa Calatagan, Batangas at naramdaman hanggang Metro Manila. Ayon sa NGCP, nananatiling intact at stable ang Luzon grid sa kabila ng naramdamang malakas na pagyanig. Wala… Continue reading Power transmission services ng NGCP, di apektado ng 6.3 magnitude na lindol sa Batangas

Healthcare workers sa tertiary at secondary hospitals sa QC, target na mabigyan ng 3rd booster dose ng COVID-19 vaccine

Nagpaalala ang Quezon City Government na limitado pa lamang ang bibigyan ng 3rd booster dose laban sa COVID-19. Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga healthcare worker na nasa tertiary at secondary hospitals ang prayoridad na mabigyan ng Bivalent vaccine. Ang anunsiyo na ito ay base na rin sa pahayag ng Department of Health na limitado… Continue reading Healthcare workers sa tertiary at secondary hospitals sa QC, target na mabigyan ng 3rd booster dose ng COVID-19 vaccine