QC LGU, pinalakas ang Contact Tracing sa kaso ng pertussis sa lungsod

Pinaiigting na ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit ang Contact Tracing sa mga kaso ng pertussis sa lungsod. Ito’y matapos magdeklara ng outbreak ang pamahalaang lungsod dahil sa pag-usbong ng nasabing sakit. Bahagi ng Contact Tracing ang case investigation upang matukoy ang iba pang indibidwal na nakasalamuha ng cofirmed case. Sa sandaling kakitaan ng… Continue reading QC LGU, pinalakas ang Contact Tracing sa kaso ng pertussis sa lungsod

Mga mananampalatayang Katoliko. patuloy sa pagdagsa sa mga simbahan sa Maynila ngayong Linggo ng Palaspas

Patuloy ang pagdagsa ng mga mananampalatayang Katoliko sa iba’t ibang simbahan sa Maynila ngayong araw, Linggo ng Palaspas, upang gunitain ang pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem bago ang kanyang kalbaryo. Sa Simbahan ng Quiapo, aabot hanggang Plaza Miranda ang mga mananampalataya na nakikiisa sa misa ngayong araw. kung hindi sa Plaza Miranda ay mga may… Continue reading Mga mananampalatayang Katoliko. patuloy sa pagdagsa sa mga simbahan sa Maynila ngayong Linggo ng Palaspas

DOH, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng namayapang Mental Health advocate na si Dr. Gia Sison

Ipinaaabot ng Department of Health (DOH) ang pakikiramay nito sa pamilya at mga kaibigan ng namayapang mental health advocate at kilalang doktor na si Dr. Gia Sison. Sa pahayag ni DOH Secretary Teodoro Herbosa, pinasalamatan nito ang mga ambag ni Dr. Sison sa pagkilos nito tungo sa ginhawa ng isip at damdamin. Dagdag pa ng… Continue reading DOH, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng namayapang Mental Health advocate na si Dr. Gia Sison

NHA, pabibilisin ang relocation ng informal settlers families na nakatira sa mga daluyan ng tubig sa Malabon

Simula bukas, Marso 25, ipapatupad na ng National Housing Authority (NHA) ang relocation activities sa mga informal settler families na nakatira sa mga daluyan ng tubig ng Malabon City. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, may 20 pamilya na mula sa Don Basilio Bridge sa Barangay Dampalit ang ililipat sa St. Gregory Homes Housing… Continue reading NHA, pabibilisin ang relocation ng informal settlers families na nakatira sa mga daluyan ng tubig sa Malabon

Simbahan ng St. Peter sa Commonwealth, dinagsa na ng mga deboto ngayong Palm Sunday

Dagsa na ang mga deboto sa St Peter Church Parish, sa Quezon City ngayong Linggo ng Palaspas o Palm Sunday. Sa araw na ito, ginugunita ang matagumpay na pagpasok ng Panginoong Hesus sa Jerusalem bago ang kanyang pagpapakasakit sa kalbaryo. Ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Linggo ng Palaspas, isang linggo bago ang Easter Sunday at… Continue reading Simbahan ng St. Peter sa Commonwealth, dinagsa na ng mga deboto ngayong Palm Sunday

DILG, ginunita ang anibersaryo ng BIDA program ngayong araw sa Pasay City

Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang paggunita sa anibersaryo ng programang ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan’ (BIDA) sa pamamagitan ng isang ‘BIDA Walk’ na nagtapos sa isang programa sa SM Mall of Asia Concert Grounds sa Pasay City ngayong araw. Kasama ni Sec. Abalos ang mga… Continue reading DILG, ginunita ang anibersaryo ng BIDA program ngayong araw sa Pasay City

Isang bahagi ng La Mesa Pumping Station, sasailalim sa maintenance activity, ilang lungsod, maapektuhan ang suplay ng tubig – MAYNILAD

Magpapatupad ng daily water service interruption ang Maynilad Water Services sa ilang barangay ng apat na lungsod sa Metro Manila. Sa abiso ng Maynilad, pasisimulan ang water interruption simula Marso 27 ng gabi hanggang madaling araw ng Marso 30, 2024. Paliwanag nito, may isasagawang maintenance activity sa North B La Mesa Pumping Station sa Quezon… Continue reading Isang bahagi ng La Mesa Pumping Station, sasailalim sa maintenance activity, ilang lungsod, maapektuhan ang suplay ng tubig – MAYNILAD

Lungsod ng Maynila, inaanyayahan ang publiko na makiisa sa Earth Hour mamayang gabi

Binibigyang paanyaya ng Lungsod ng Maynila ang publiko partikular na ang mga Manileño sa pangunguna ni Manila Mayor Honey Lacuna at ng conservation group ng World Wide Fund (WWF-Philippines) na makiisa sa gaganaping Switch Off mamayang gabi bilang pakikiisa sa Earth Hour 2024. Isasagawa ang nasabing Switch Off event sa Kartilya ng Katipunan kung saan… Continue reading Lungsod ng Maynila, inaanyayahan ang publiko na makiisa sa Earth Hour mamayang gabi

Mga provincial buses na dumadaan sa EDSA, papayagan ng MMDA ngayong Holy Week

Papayagan pansamantala ng ng Metropolitan Manila Development Authprity (MMDA) ang mga provincial bus na dumaan sa EDSA mula ngayong araw, Marso 23 hanggang Abril 2. Inaasahan kasi ng MMDA ang pagdagsa ng mga biyahero ngayong nalalapit na Semana Santa. Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, makakadaan sa kahabaan ng EDSA ang provincial buses… Continue reading Mga provincial buses na dumadaan sa EDSA, papayagan ng MMDA ngayong Holy Week

Water Resources Board, umapela sa mga Barangay sa NCR at condominiums residents na magtipid sa tubig

Hinimok na ng National Water Resources Board (NWRB) ang mga residente sa mga barangay at sa condominium units sa Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig. Ito’y upang matiyak ang sapat na suplay ng tubig sa panahon ng El Niño at hanggang sa pagsisimula ng tag-ulan. Ayon kay NWRB OIC-Executive Director Ricky Arzadon, hinimok… Continue reading Water Resources Board, umapela sa mga Barangay sa NCR at condominiums residents na magtipid sa tubig