BAI, tiniyak ang mahigpit na inspection at monitoring sa shipment ng mga hayop sa NCR

PATULOY pang pinaiigting ng Bureau of Animal Industry katuwang ang Philippine National Police at local government units ang pag-inspeksyon at monitoring sa shipment ng mga hayop sa National Capital Region. Bahagi ito ng patuloy na kampanya para protektahan ang kalusugan ng hayop at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit tulad ng African Swine Fever. Hanggang… Continue reading BAI, tiniyak ang mahigpit na inspection at monitoring sa shipment ng mga hayop sa NCR

Malabon LGU, pinaigting ang hakbang kontra MPox; 11 establisyimento, sinita

Mas naghigpit ngayon ang lokal na Pamahalaan ng Malabon sa mga establisyimento sa lungsod bilang bahagi ng hakbang kontra MPox. Sa direktiba ni Mayor Jeannie Sandoval, inatasan ang mga Sanitation Inspectors na tiyakin ang pagsunod ng mga negosyo sa mga regulasyon ng kalusugan at sanitasyon upang maiwasan ang sakit sa lungsod. Sa naunang isinagawang inspeksyon,… Continue reading Malabon LGU, pinaigting ang hakbang kontra MPox; 11 establisyimento, sinita

Class suspension Miyerkules, Agosto 28, 2024

Ilang lungsod at bayan ang nagsuspinde ng mga klase o in-person class, at trabaho ngayong Miyerkules dahil sa epekto ng Southwest Monsoon. Caloocan City – all levels, public and private Las Piñas City – all levels, public and private  Malabon City – all levels, public and private Mandaluyong City – all levels, public and private Maynila –… Continue reading Class suspension Miyerkules, Agosto 28, 2024

Pasig City LGU, kinilala bilang “Kampeon ng Kalusugan” ng DOH

Pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng Department of Health (DOH) bilang “Kampeon ng Kalusugan” para sa kanilang best practice na “Pasig Health Aides as Bakuna Champions.” Ang pagkilala ay iginawad sa kauna-unahang Health Promotion Summit for Barangay Health Workers na ginanap sa Clark, Pampanga. Ang award na ito ay pagkilala dedikasyon ng Pasig City… Continue reading Pasig City LGU, kinilala bilang “Kampeon ng Kalusugan” ng DOH

Mahigit 100 pasyente ng leptospirosis sa NKTI at San Lazaro Hospital, natulungan ng Philippine Red Cross

Sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis kasunod ng pananalasa ng Bagyong #CarinaPH, mahigit 100 pasyente ang natulungan ng Philippine Red Cross (PRC) sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at San Lazaro Hospital. Ayon sa PRC, nagpadala sila ng mga medical professional at volunteer nurse sa dalawang ospital na may pinakamaraming kaso… Continue reading Mahigit 100 pasyente ng leptospirosis sa NKTI at San Lazaro Hospital, natulungan ng Philippine Red Cross

Mandaluyong LGU, naglabas ng hotline para sa MPOX

Naglabas ng anunsyo ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong kaugnay sa mga dapat gawin ngayong may banta ng mokeypox o MPOX sa bansa. Muling ipinaalala ng Mandaluyong LGU sa publiko na ang mpox ay nakahawa kaya dapat maging maingat ang publiko upang maiwasan ang pagkalat nito. Kabilang sa mga sintomas ng MPOX ay ang: Lagnat, pananakit… Continue reading Mandaluyong LGU, naglabas ng hotline para sa MPOX

Operasyon ng Pasig River Ferry, limitado ngayong araw – MMDA

Nagpapatupad ng limitadong operasyon ang Pasig River Ferry Service ngayong hapon. Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, limitado lamang ang operasyon ng Pasig River Ferry Service mula Guadalupe hanggang Sta. Ana lamang at pabalik. Ito ay dahil sa dami ng water hyacinth na nakaharang sa bahagi ng Napindan dockyard, kaya’t hindi… Continue reading Operasyon ng Pasig River Ferry, limitado ngayong araw – MMDA

Mega Jobs Fair, ikinasa ng Muntinlupa LGU

Hinimok ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang mga residente nito na makiisa sa gaganaping Mega Jobs Fair sa SM Center Muntinlupa, Brgy. Tunasan sa darating na Biyernes, August 30 2024. Ang naturang aktibidad na may titulong “Trabaho Para sa Muntinlupeño’ ay magsisimula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Paliwanag ng LGU, ang inaabangang Mega… Continue reading Mega Jobs Fair, ikinasa ng Muntinlupa LGU

Tulong para sa mga OFW, ikinasa ng OWWA at Makati LGU

Nagsanib pwersa ang Overseas Workers Welfare Administration at ang Pamahalaang Lungsod ng Makati para mabigyan ng assistance ang Overseas Filipino Workers sa pamamagitan ng OWWA help desk. Ayon sa anunsyo ng Makati City, nakipagkolaborasyon ang Makati Public Employment Service Office (PESO), sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para makapagbigay ng libreng konsultasyon na may kinalaman… Continue reading Tulong para sa mga OFW, ikinasa ng OWWA at Makati LGU

Ilang lansangan sa Cubao, QC, sinuyod ng MMDA dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga magbabalik sa Maynila

Ilang lansangan sa Cubao, Quezon City na dinaraanan ng mga pampasaherong bus ang sinuyod ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force, ngayong araw. Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga magbabalik sa Metro Manila mula sa mga probinsya matapos ang mahabang bakasyon. Kabilang sa mga nilinis na kalsada ang Denver… Continue reading Ilang lansangan sa Cubao, QC, sinuyod ng MMDA dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga magbabalik sa Maynila