Phil Estates Authority Toll Corporation, desididong makuha ang kontrol sa pamamalakad sa Cavitex

Nanindigan ang Philippine Estates Authority Toll Corporation sa paghahabol nito na mabawi ang operasyon at pamamahala ng Cavitex o Manila-Cavite Expressway. Sa pulong balitaan, iginiit ni Dioscoro Esteban Jr, OIC ng PEATC ang karapatan nila na pangasiwaan ang toll road na nag-uugnay sa Katimugang Metro Manila sa Cavite. Ito rin aniya ang dahilan kayat hindi… Continue reading Phil Estates Authority Toll Corporation, desididong makuha ang kontrol sa pamamalakad sa Cavitex

Number coding scheme, suspendido bukas ayon sa MMDA

Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, araw ng Miyerkules, Mayo a-1. Ito’y kaalinsabay na rin sa pagdiriwang ng mga Pilipino sa Araw ng Paggawa o Labor Day. Dahil dito, pinapaalalahan ng MMDA ang mga motorista na saan man ang destinasyon ay laging tandaan na planuhin ang kanilang biyahe. Nagpapaalala rin ang MMDA… Continue reading Number coding scheme, suspendido bukas ayon sa MMDA

Dalawang magkasabay na job fair para sa Araw ng Paggawa, ikinasa ng pamunuang lungsod ng Las Piñas

Dalawang malaking malls sa lungsod ng Las Piñas ang pagdarausan ng Labor Day Job Fair . Base sa anunsyo ng Las Piñas City, gagawin ang kanilang job fair sa SM South Mall at sa Robinsons Las Piñas simula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. May tema ang naturang job fair na ‘Bagong Pilipinas: Mangagawang… Continue reading Dalawang magkasabay na job fair para sa Araw ng Paggawa, ikinasa ng pamunuang lungsod ng Las Piñas

21 mga sasakyan, sinita ng SAICT dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway

Patuloy ang isinasagawang paninita ng mga operatiba ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) sa mga pasaway na motorista na dumaraan sa EDSA Busway. Sa ikinasang operasyon sa EDSA-Santolan southbound ngayong araw, nasa 21 ang kabuuang bilang ng mga hindi awtorisadong sasakyan ang kanilang nasita. Mula sa naturang bilang, apat ang mga ambulansya… Continue reading 21 mga sasakyan, sinita ng SAICT dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway

Bus, bumangga sa concrete barrier sa northbound lane ng EDSA-Santolan

Inararo ng isang provincial bus ang mga concrete barrier sa paanan ng EDSA-Santolan flyover northbound sa harap lamang ng Kampo Aguinaldo ngayong umaga Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nangyari ang aksidente dakong 4:42 ng umaga. Nabatid na galing sa Daet ang naturang bus ng Superlines nang mangyari ang… Continue reading Bus, bumangga sa concrete barrier sa northbound lane ng EDSA-Santolan

Ilang delinquent employers sa QC, muling pinaalalahanan ng SSS na magbayad ng kontribusyon ng kanilang mga manggagawa

Pinangunahan mismo ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang pagiisyu ng Notice of Violation sa apat na delinquent employers na bigong magbayad ng kontribusyon ng kanilang mga kawani. Ito ay sa ikinasang “Run After Contribution Evaders Activity” o RACE activity ng Social Security System sa ilang establiyimento sa Quezon City ngayong… Continue reading Ilang delinquent employers sa QC, muling pinaalalahanan ng SSS na magbayad ng kontribusyon ng kanilang mga manggagawa

Biyahe ng pampublikong transportasyon sa Pasig City, nananatiling normal sa kabila ng ikalawang araw ng tigil-pasada

Walang epekto sa biyahe ng mga pasahero ngayong ikalawang araw ng tigil-pasada ng grupong PISTON sa Pasig City kung saan matatagupuan ang kanilang headquarters. Ito’y dahil sa tuloy-tuloy ang pamamasada ng mga jeepney kung saan, karamihan sa kanila ay pawang consolidated na. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa mga ruta ng PISTON sa Pasig City,… Continue reading Biyahe ng pampublikong transportasyon sa Pasig City, nananatiling normal sa kabila ng ikalawang araw ng tigil-pasada

Libreng Sakay ng Quezon City LGU, nagpapatuloy kahit hindi ramdam ang tigil pasada ng Piston

Tuloy ang pag arangkada ng libreng sakay ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon para sa mga commuters ngayong unang araw ng tigil-pasada ngayong Lunes. Ginawa pa rin ito, sa kabila na hindi naman naramdaman ang tigil pasada ng Piston jeepney transport group. May 96 na QCity Bus ang tuloy-tuloy sa pagbiyahe sa walong ruta… Continue reading Libreng Sakay ng Quezon City LGU, nagpapatuloy kahit hindi ramdam ang tigil pasada ng Piston

Nationwide ‘Ease Of Paying Taxes Roadshow’, inilunsad na ng BIR

Umarangkada ngayong araw (Abril 29) ang nationwide ‘Ease of Paying Taxes (EOPT) Roadshow’ Metro Manila Cluster sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang EOPT Roadshow ay tanda ng inclusive approach ng BIR para sa mga taxpayer. Nilalayon nito na turuan ang taxpayers sa mga update na… Continue reading Nationwide ‘Ease Of Paying Taxes Roadshow’, inilunsad na ng BIR

Murang bigas at iba pang bilihin, mabibili sa Kadiwa ng Pangulo sa Makati City Hall Quadrangle

Inalabas na ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang schedule ng Kadiwa ng Pangulo sa nasasakupan nito para abiso sa publiko na nag-aabang nito. Base sa inilabas na anunsyo, ang Kadiwa ng Pangulo para sa taong 2024 ay buwan-buwan dadayo sa Lungsod ng Makati at kadalasan ay sa huling araw ng buwan ito gaganapin. Ang Kadiwa… Continue reading Murang bigas at iba pang bilihin, mabibili sa Kadiwa ng Pangulo sa Makati City Hall Quadrangle