Taguig LGU, namahagi na ng libreng school supplies at uniform sa libu-libong estudyante nito

Papalo sa mahigit 190,000 na estudyante ang nabigyan ng libreng uniform ng Taguig LGU mula sa 52 paaralan. Kasama naman sa mga naibigay sa mga estudyante ang mga bagong design na uniforms at school supplies na pinaganda din ang mga materyal na ginamit. Ayon sa Taguig LGU, para sa maayos na distribusyon ng nasabing mga… Continue reading Taguig LGU, namahagi na ng libreng school supplies at uniform sa libu-libong estudyante nito

Benepisyaryo ng P29 program sa Taguig, nagpasalamat kay PBBM para sa murang bigas

Malaking tulong para sa benepisyaryong na si Lola Edith ang P29 program ng administrasyong Marcos Jr. Sa FTI Kadiwa sa Taguig, nakabili si Lola dith ng limang kilong bigas na nagkakahalaga ng 29 pesos ang bawat kilo. Aniya, malaking bagay sa kanila ang nasabing programa dahil nagagamit sa ibang gastusin ang natitipid nilang pera na… Continue reading Benepisyaryo ng P29 program sa Taguig, nagpasalamat kay PBBM para sa murang bigas

PUV Modernization Program, tuloy ayon sa LTFRB

Nanindigan ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na tuloy pa rin ang usad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ito ay sa kabila ng resolusyong itinutulak sa senado para suspendihin ang programa. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, walang dapat ipag-alala ang mga tsuper at operator na sumunod na sa… Continue reading PUV Modernization Program, tuloy ayon sa LTFRB

Lab for All Caravan ni First Lady Liza Araneta-Marcos, dinala sa Quezon City

Umarangkada ngayong araw sa Quezon City ang “LAB FOR ALL: Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat!” ni First Lady Liza Araneta-Marcos. Pinangunahan ito mismo ng unang ginang kasama ang ilan sa mga miyembro ng gabinete ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. at si QC Mayor Joy Belmonte. Kumpleto ang serbisyong alok sa ilalim ng… Continue reading Lab for All Caravan ni First Lady Liza Araneta-Marcos, dinala sa Quezon City

Angkas riders, maaari na ring makinabang sa SSS

May pagkakataon na ring makinabang sa insurance benefit ng Social Security System ang mga rider na sakop ng ride-hailing app na Angkas. Kasunod ito ng paglagda sa isang memorandum of agreement sa pagitan nina SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet at Angkas CEO George Royeca para sa implementasyon ng “AngkaSSS na sa Protektadong Bukas”… Continue reading Angkas riders, maaari na ring makinabang sa SSS

Mahigit 2,500 pamilyang apektado ng habagat at Bagyong Carina sa Pasig City, nakatanggap ng tig-₱5,000 tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan

Nagsimula na ngayong araw ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng tig-₱5,000 tulong pinansyal sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng habagat na pinalakas ng Bagyong #CarinaPH. Una nang nakatanggap ng tulong ang mga pamilyang pansamantalang nanirahan sa mga evacuation center sa Barangay Maybunga at Dela Paz. Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang… Continue reading Mahigit 2,500 pamilyang apektado ng habagat at Bagyong Carina sa Pasig City, nakatanggap ng tig-₱5,000 tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan

Drainage system sa kamaynilaan dapat nang imodernisa ayon sa MMDA

“Major upgrade” na ang kailangan ng mga drainage sa buong Metro Manila. Ito ang binigyang diin ni MMDA Chair Don Artes sa harap ng ipinatawag na birefing ng House Committee on Metro Manila Development kaugnay sa malawakang pagbahang naranasan noong kasagsagan ng Habagat na pinalakas ng bagyong #CarinaPH. Ayon kay Artes, katumbas ng 1.5 billion… Continue reading Drainage system sa kamaynilaan dapat nang imodernisa ayon sa MMDA

Nasa 1000 residente ng Mandaluyong na apektado Habagat at bagyong Carina, inabutan ng tulong ng LGU

Aabot sa 1, 000 mga residente na apektado ng pagbaha dulot ng Bagyo at Habagat ang binigyan ng ayuda sa Mandaluyong City. Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa Mandaluyong City Hall kanina kung saan, dumagsa ang mga residente mula sa iba’t-ibang Barangay na nangangailangan ng tulong. Magkatuwang sa relief operations ang Mandaluyong LGU at ang… Continue reading Nasa 1000 residente ng Mandaluyong na apektado Habagat at bagyong Carina, inabutan ng tulong ng LGU

MMDA, patuloy ang paglilinis sa mga lugar na binaha sa Metro Manila matapos ang Habagat at Bagyong #CarinaPH

Walang patid ang paghakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga basura na naiwan ng habagat at bagyong Carina sa ilang lugar sa Metro Manila. Kabilang sa mga nilinis ng mga tauhan ng MMDA Metro Parkways Clearing Group ang Kabayani at Banaba St. sa Brgy. Nangka, Marikina City; Marcelino St. at Tawiran Ext. sa… Continue reading MMDA, patuloy ang paglilinis sa mga lugar na binaha sa Metro Manila matapos ang Habagat at Bagyong #CarinaPH

House Speaker, inatasan ang mga kasamahang mambabatas na kumilos para tulungan ang libong mangingisda na apektado ng oil spill

Agad pinakilos ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang mga kasamahan upang matulungan ang nasa libong mangingisdang apektado ng oil spill. Aniya, hindi na dapat hintayin pa na humingi ng tulong ang mga apektadong residente bagkus ay sila na mismong mga mambabatas ang maglapit ng tulong ng gobyerno. Dagdag pa niya kabuhayan ng mga mangingisda ang… Continue reading House Speaker, inatasan ang mga kasamahang mambabatas na kumilos para tulungan ang libong mangingisda na apektado ng oil spill