Mahigit ₱1-M halaga ng ecstasy at marijuana, nasabat ng PDEG sa Pasay

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group ang aabot sa 700g ng Marijuana gayundin ang nasa 100 tablets ng hinihinalang ecstasy. Ito’y matapos ang ikinasa nilang operasyon kaninang 5:50 AM sa bahagi ng Service Road, Roxas Boulevard sa Pasay City Batay sa ulat ni PDEG Director, PBGen. Eleazar Matta, nagkakahalaga… Continue reading Mahigit ₱1-M halaga ng ecstasy at marijuana, nasabat ng PDEG sa Pasay

San Juan LGU, hihilingin sa Malacañang na ideklarang Holiday ang June 24 ng bawat taon

Aminado ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan na nagsilbing “wake-up call” para sa kanila ang nangyaring kontrobersiya sa pagdiriwang ng Wattah-Wattah Festival kasabay ng kapistahan ng kanilang patron na si San Juan Bautista. Ito ang inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora matapos mag-viral sa social media ang tinaguriang “Boy Dila” na si Lexter… Continue reading San Juan LGU, hihilingin sa Malacañang na ideklarang Holiday ang June 24 ng bawat taon

San Juan Mayor Zamora, nanawagan sa publiko na itigil ang pekeng booking at delivery sa lalaking nambasa ng rider sa Wattah Wattah Festival

Nanawagan si San Juan City Mayor Francis Zamora sa publiko na itigil na ang paggawa ng mga pekeng booking at delivery na naka-address kay Lexter Castro, ang lalaking naging viral dahil sa insidente ng pambabasa sa isang rider gamit ang water gun habang nakalabas ang dila sa kasasagan ng Wattah Wattah Festival. Sa isang pulong… Continue reading San Juan Mayor Zamora, nanawagan sa publiko na itigil ang pekeng booking at delivery sa lalaking nambasa ng rider sa Wattah Wattah Festival

San Juan City Mayor, iniharap sa media ang kontrobersyal na lalaking namabasa sa isang rider noong Wattah Wattah Festival

Iniharap ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang lalaking nag-viral sa social media matapos mambasa ng isang rider noong kasagsagan ng Wattah Wattah Festival. Humingi ng paumanhin sa publiko si Lexter Castro o mas kilala sa tawag na “Boy Dila” dahil sa kaniyang ginawa na nagdulot ng galit sa publiko. Ayon kay Castro, dahil… Continue reading San Juan City Mayor, iniharap sa media ang kontrobersyal na lalaking namabasa sa isang rider noong Wattah Wattah Festival

House labor panel chair, pinuri ang umento sa sahod sa NCR

Ikinalugod ni House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles ang desisyon ng NCR wage board na magpatupad ng P35 wage increase sa Metro Manila. Aniya, napapanahon ang wage hike na ito dahil makapag bibigay ito ng kinakailangang ginahawa para sa mga manggagawa sa NCR. Pero hindi aniya dito titigil ang laban para sa… Continue reading House labor panel chair, pinuri ang umento sa sahod sa NCR

Las Piñas LGU, nagsagawa ng social pension cash-payout para sa mga indigent seniors sa Pamplona Uno

Naipamigay na ng pamahlaang lungsod ng Las Piñas sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office nito ang social pension cash-payout para sa mga indigent senior citizens ng Barangay Pamplona Uno. Ayon sa LP LGU, nakatanggap ang mga senior citizens ng hanggang five thousand pesos bawat isa. Paliwanag ng LGU, ang nasabing inisyatiba ay… Continue reading Las Piñas LGU, nagsagawa ng social pension cash-payout para sa mga indigent seniors sa Pamplona Uno

LTO, muling nagkasa ng operasyon sa ‘No Plate, No Travel’ policy sa Batasan TODA

Tuloy ang operasyon ng Land Transportation Office (LTO) katuwang ang Quezon City Traffic and Transport Management Department kaugnay ng ‘No Plate, No Travel’ policy sa mga tricycles sa lungsod Ngayon araw, pinangunahan ni LTO Law Enforcement Service Dir. Francis Almora ang operasyon kung saan tinutukan ang mga tricycle na pumapasada sa Batasan Tricycle Operators and… Continue reading LTO, muling nagkasa ng operasyon sa ‘No Plate, No Travel’ policy sa Batasan TODA

Iba’t ibang aktibidad, isasagawa kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Pasig bukas

Iba’t ibang aktibidad ang inihanda ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo ng lungsod bukas. Ayon sa Pasig LGU, magsisimula ang pagdiriwang sa isang makulay na parada na magsisimula sa Sta. Clara de Montefalco ng alas-6:30 ng umaga patungong Pasig City Hall Quadrangle. Ang Pasig City Civic Parade ay lalahukan ng… Continue reading Iba’t ibang aktibidad, isasagawa kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Pasig bukas

Mga pasyente, malaki ang pasasalamat sa tulong ng Kamara para maitaas ang PhilHealth dialysis coverage sa P4,000

Nagpaabot ng pasasalamat ang ilan sa mga pasyente sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa liderato ng Kamara. Ito ay matapos itaas ng Philhealth sa P4,000 kada session mula P2,600 ang kanilang dialysis coverage package dahil na rin sa pagpupursige ni Speaker Martin Romualdez, alinsunod sa pro-poor policy ni Pang. Ferinand R. Marcos Jr.… Continue reading Mga pasyente, malaki ang pasasalamat sa tulong ng Kamara para maitaas ang PhilHealth dialysis coverage sa P4,000

July 2, 2024, idineklara ng Malacañang bilang Special (non-working) Day sa Pasig City

Idineklara ng Malacañang ang July 2, 2024 (Araw ng Martes), bilang special non-working holiday sa lungsod ng Pasig. Ito ay upang bigyang daan ang selebrasyon ng ika-451 Araw ng Pasig. Paliwanag ng Palasyo, inilabas ang direktiba upang mabigyan ng ganap na oportunidad ang mga residente ng Pasig City, na makiisa sa okasyon ang naturang selebrasyon.… Continue reading July 2, 2024, idineklara ng Malacañang bilang Special (non-working) Day sa Pasig City