Bakuna, BayaniJuan, inilunsad sa Caloocan

Muling hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak na hindi pa nakakatanggap ng kahit anong bakuna o proteksyon laban sa iba’t ibang sakit. Kasunod ito ng paglulunsad ng kampanyang “Bakuna BayaniJuan: Big Catch-up Immunization” ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD).… Continue reading Bakuna, BayaniJuan, inilunsad sa Caloocan

Presensya ng mga Sundalong Amerikano sa Task Force Ayungin, kinumpirma ni US Defense Sec. Lloyd Austin

Kinumpirma ni United States Defense Sec. Lloyd Austin III na mayroong mga Sundalong Amerikano na nakapuwesto sa tinawag niyang US Task Force Ayungin. Sa kaniyang mensahe matapos bumisita sa Palawan, sinabi ni Sec. Austin na nakipagkita siya sa American servicemen na nakadeploy sa naturang unit. Pinasalamatan niya ang mga ito dahil sa kanilang masigasig na… Continue reading Presensya ng mga Sundalong Amerikano sa Task Force Ayungin, kinumpirma ni US Defense Sec. Lloyd Austin

Pilipinas, Cambodia, nakatakdang lumagda ng kasunduan sa double taxation

Inanunsyo ng Department of Finance (DOF) na pipirmahan ng Pilipinas at Cambodia ang kasunduan sa Double Taxation Agreement (DTA) sa Pebrero 2025. Layon ng kasunduan na bawasan ang pasanin ng dobleng pagbubuwis para sa mga indibidwal at negosyo na may operasyon sa dalawang bansa. Magbibigay ito ng daan para maalis ang mga hadlang sa kalakalan at… Continue reading Pilipinas, Cambodia, nakatakdang lumagda ng kasunduan sa double taxation

Panukala para sa pagbibigay oportunidad sa trabaho para sa mga retirado nang senior citizen, lusot na sa Kamara

Aprubado na sa huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 10985 na layong bigyan pa rin ng oportunidad na makapagtrabaho ang mga senior citizen kahit nasa retirement age na. Giit ni Speaker Martin Romualdez, dapat bigyang pagkakataon pa rin ang mga senior citizen na maging produktibong mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho upang… Continue reading Panukala para sa pagbibigay oportunidad sa trabaho para sa mga retirado nang senior citizen, lusot na sa Kamara

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ni PBBM, bibisita sa 13 lalawigan sa unang quarter ng 2025

Nasa 13 lalawigan ang nakatakdang bisitahin ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa unang quarter ng 2025 ayon kay Deputy Secretary General Sofonias Gabonada na siya ring lead ng BPSF National Secretariat. Partikular sa mga nakalinyang probinsya ang Albay, Sorsogon, Camiguin, Quezon, La Union, Tarlac, Pangasinan, Nueva Ecija, Davao… Continue reading Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ni PBBM, bibisita sa 13 lalawigan sa unang quarter ng 2025

No Day Off policy, ipatutupad ng PNP simula Dec. 15, bilang paghahanda sa panahon ng Kapaskuhan

Sa kabila ng pagtugon sa kalamidad, pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang panahon ng Kapaskuhan. Maaga pa lamang, inanunsyo na ni PNP Public Information Office Chief, Police Brog. Gen. Jean Fajardo na ipatutupad na nila ang No Day Off policy simula December 15 hanggang January 12 ng susunod na taon. Kasunod nito, sinabi… Continue reading No Day Off policy, ipatutupad ng PNP simula Dec. 15, bilang paghahanda sa panahon ng Kapaskuhan

Mga eskwelahan na lubos na nasira ng mga kalamidad, aayusin sa ilalim ng kasunduan ng World Bank at Department of Finance

default

Ngayong opisyal nang pirmado ang Pilipinas at the World Bank ang kasunduan, maari nang simulan ang proyekto para sa safety and resilience ng mga eskwelahan na apektado ng mga magkakasunod na bagyo sa bansa. Layon ng loan agreement for the Infrastructure for Safer and Resilient Schools Project na suportahan ang recovery ng mga disaster affected… Continue reading Mga eskwelahan na lubos na nasira ng mga kalamidad, aayusin sa ilalim ng kasunduan ng World Bank at Department of Finance

Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng mga bagyong Nika, Ofel, Pepito, umakyat na sa 9 — OCD

Umakyat na sa siyam ang bilang ng mga nasawi bunsod ng pananalasa ng mga bagyong Nika, Ofel, at Pepito sa bansa. Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala rin ito ng 16 na nasaktan at 4 na nawawala. Sa kasalukuyan, aabot sa mahigit 820,000 pamilya o katumbas ng… Continue reading Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng mga bagyong Nika, Ofel, Pepito, umakyat na sa 9 — OCD

DICT, may paalala para di mabiktima ng love scams ngayong magpa-Pasko

Pinag-iingat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko lalo na ang mga malalamig ang Pasko sa mga scam na posibleng mambiktima sa kanila. Ayon kay DICT Assistant Secretary Aboy Paraiso, mas madalas na biktima ng online scammers ang mga naghahanap ng pag-ibig sa Kapaskuhan. Para maiwasan ito, pinayuhan ng DICT ang publiko… Continue reading DICT, may paalala para di mabiktima ng love scams ngayong magpa-Pasko

Pinay OFW Mary Jane Veloso na una nang nahatulan ng death sentence sa Indonesia dahil sa drug offense, makakauwi na ng Pilipinas — PBBM

Matapos ang mahigit isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas siMary Jane Veloso, ang Pinay OFW na naaresto noong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan. Ito ang inanunsiyo ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng inilabas na statement. Sinabi ng Pangulo na sa mahigit… Continue reading Pinay OFW Mary Jane Veloso na una nang nahatulan ng death sentence sa Indonesia dahil sa drug offense, makakauwi na ng Pilipinas — PBBM