Mga pulis, pinuri ng PNP Chief sa nakamit na 80% trust rating sa OCTA survey at highest complaint resolution sa CSC

Binati ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang buong hanay ng PNP sa kanilang pagsisikap na magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin. Sa kanyang unang flag raising ceremony sa Camp Crame ngayong 2024, sinabi ni Gen. Acorda na patunay ng dedikasyon sa trabaho ng mga pulis ang nakamit nilang 80% trust rating mula… Continue reading Mga pulis, pinuri ng PNP Chief sa nakamit na 80% trust rating sa OCTA survey at highest complaint resolution sa CSC

Akusasyon ng isang mambabatas hinggil sa blackout sa Iloilo, pinalagan ng service distributor nito

Pumalag ang More Electric and Power Corporation, ang power distribution utility sa Iloilo City, sa paninisi sa kanila sa nangyaring malawakang blackout sa Panay Island. Giit ni More Power President at CEO Roel Castro, hindi nauunawaan ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang buong sistema kaya mahirap magkomento sa maling basehan nito. Bagamat una nang… Continue reading Akusasyon ng isang mambabatas hinggil sa blackout sa Iloilo, pinalagan ng service distributor nito

PNP Chief Gen. Acorda, ikinagalit ang pagkakadawit niya sa destabilisasyon

Hindi napigilan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. na maglabas ng kaniyang pagkadismaya sa pagdadawit sa kaniyang pangalan sa isyu ng destabilisasyon. Ito ang bumungad sa kaniyang talumpati sa kauna-unahang flag raising ceremony ng PNP para sa taong 2024 sa Kampo Crame ngayong umaga. Aniya, hindi katanggap-tanggap ang ginagawang pagdawit sa… Continue reading PNP Chief Gen. Acorda, ikinagalit ang pagkakadawit niya sa destabilisasyon

Komposisyon ng CHED, pinarerepaso ng isang mambabatas

Nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na isailalim sa review ang komposisyon at kakayanan ng mga commissioner ng CHED. Bunsod pa rin ito ng anunsyo ng ahensya na natapos na ang otorisasyon at funding ng mga state universities and colleges para mag offer ng senior high… Continue reading Komposisyon ng CHED, pinarerepaso ng isang mambabatas

Red Cross, may paalala sa mga debotong lalahok sa Traslacion bukas

Naglabas ng “safety tips” ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga debotong lalahok sa Traslacion ng Itim na Nazareno, bukas. Paalala ng PRC sa publiko, maging alerto at gawing prayoridad ang kanilang kaligtasan. Ayon sa Red Cross, mainam na magsuot ng face mask, dumistansya sa makapal na bilang ng tao, at mag-sanitize gamit ang… Continue reading Red Cross, may paalala sa mga debotong lalahok sa Traslacion bukas

DA Sec. Laurel, nakipagpulong sa meat traders

Nakipagpulong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa ilang meat traders sa bansa sa pangunguna ng Meat Importers and Traders Association (MITA). Kabilang sa dumalo sa pulong si MITA President Jess Cham na ginanap sa tanggapan ng DA noong January 3. Sa naturang pulong, hinikayat ni Sec. Laurel ang mga kinatawan ng MITA na… Continue reading DA Sec. Laurel, nakipagpulong sa meat traders

Higit 30,000 starlink deployment, naitala ng DICT noong 2023

Patuloy na pinalalawak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang connectivity sa bansa. Kabilang rito ang naging inisyatibo sa deployment ng commercially available satellite technology na SpaceX na hindi lang kauna-unahan sa Pilipinas kundi maging sa buong Asian region. Ayon sa DICT, mula nang ilunsad ang SpaceX sa bansa, mayroon nang 30,000 deployments… Continue reading Higit 30,000 starlink deployment, naitala ng DICT noong 2023

EcoWaste, nanawagan sa mga deboto na panatilihing ‘smoke- at litter-free’ ang Traslacion 2024

Umaapela ang environmental watchdog group na EcoWaste Coalition sa mga debotong makikiisa sa Traslacion 2024 na sumunod sa “no smoking, no littering” policy sa Rizal Park kung saan nakaiskedyul ang mayorya ng aktibidad para sa Kapistahan ng Itim na Nazareno kabilang na rito ang tradisyonal na ‘Pahalik.’ Sa ilalim ng RA 9003, ipinagbabawal ang paninigarilyo… Continue reading EcoWaste, nanawagan sa mga deboto na panatilihing ‘smoke- at litter-free’ ang Traslacion 2024

Pamahalaan, naglaan ng tuition subsidy para sa Senior High students na lilipat sa private schools dahil sa pagpapahinto ng SHS sa SUCs

Maaaring lumipat sa mga pribadong paaralan ang mga estudyante na maaapektuhan ng pagpapahinto ng Senior High School (SHS) programs sa mga state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs). Ayon kay Makati City Representative Luis Campos Jr., vice chairperson ng House Committee on Appropriations, mayroong ₱27.8-billion na tuition subsidy sa 2024 National… Continue reading Pamahalaan, naglaan ng tuition subsidy para sa Senior High students na lilipat sa private schools dahil sa pagpapahinto ng SHS sa SUCs

Kamara, handang tumulong sa DSWD para tugunan ang posibleng money laundering activities sa ilang social welfare providers

Bukas ang Kongreso na tulungan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maresolba ang isyu ng money laundering at tuluyang maalis ang Pilipinas sa “gray list” ng Financial Action Task Force (FATF) pagsapit ng Oktubre 2024. Ito ang inihayag ni Deputy Minority leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera kasunod ng atas… Continue reading Kamara, handang tumulong sa DSWD para tugunan ang posibleng money laundering activities sa ilang social welfare providers