Mangingisdang 8 araw na nawala sa WPS, sinaklolohan ng Philippine Navy at Coast Guard

Ligtas na nakabalik sa Bataraza, Palawan ang isang mangingisda na walong araw na nawala sa West Philippine Sea. Sa ulat ni Naval Forces West (NFW) Commander, Commodore Alan Javier, ang nawawalang mangingisda na si Rosalon Frans Cayon ay natagpuan ng mga Chinese fishermen na nakakapit sa isang makeshift raft sa bisinidad ng Rizal Reef sa… Continue reading Mangingisdang 8 araw na nawala sa WPS, sinaklolohan ng Philippine Navy at Coast Guard

Listahan ng holiday at long weekend ngayong 2024, inilabas ng Malacañang

Inilabas ngayon ang listahan ng mga holiday at long weekend para sa taong 2024. Base sa Facebook post ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bukod sa January 1, ay deklaradong Special Non-Working Day ang February 10 para sa Chinese New Year. Papatak naman ang Holy Week vacation simula March 28, Maundy Thursday, March 29, Good… Continue reading Listahan ng holiday at long weekend ngayong 2024, inilabas ng Malacañang

Makati LGU, naglabas ng pahayag hinggil sa pagsasara ng health centers sa 10 embo barangay na nakapaloob na sa Taguig City

Naglabas na ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng Makati hinggil sa pagsasara ng health centers ng bawat EMBO barangay na nakapaloob na sa hurisdiksyon ng Taguig. Ayon kay Makati City Administrator Claro Certeza na matagal nang nakipag-ugnayan ang kanilang lungsod sa Taguig City hinggil sa pagre-renew ng ‘License to Operate’ ng health care centers… Continue reading Makati LGU, naglabas ng pahayag hinggil sa pagsasara ng health centers sa 10 embo barangay na nakapaloob na sa Taguig City

Pagpapalakas sa ‘Blue Economy’, target ng NEDA para sa 2024

Malaki ang nakikitang potensyal ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa tinatawag na ‘Blue Economy ‘ o ang pagpapaunlad sa mga likas yaman sa karagatan. Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, mahalaga na makapagbalangkas ng mga polisiya at istratehiya para tiyakin ang long-term sustainability sa ecosystem ng bansa. Positibo si Edillon na makalilikha ng… Continue reading Pagpapalakas sa ‘Blue Economy’, target ng NEDA para sa 2024

Dagdag na water-storage capacity, target ng Maynilad sa 2026

Tina-target ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. na iangat sa 211 milyong litro ang water-storage capacity nito sa 2026. Kasunod na rin ito ng kontruksyon ng apat na bagong reservoir sa iba’t ibang bahagi ng West Zone. Kabilang dito ang mga bagong reservoir sa Quezon City, Valenzuela, at Muntinlupa — na nagkakahalaga ng… Continue reading Dagdag na water-storage capacity, target ng Maynilad sa 2026

Marcos administration, target maging tourism powerhouse sa Asia ang Pilipinas

Puspusan ang kampanya ng pamahalaan kaugnay ng tina-target ng administrasyong Marcos na maging tourism powerhouse sa Asia ang Pilipinas. Katunayan dito, ayon sa Presidential Communications Office, ang unang ginawang pag-aapruba mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng National Tourism Development Plan 2023 to 2028 na magsisilbing blueprint at development framework para sa industriya ng… Continue reading Marcos administration, target maging tourism powerhouse sa Asia ang Pilipinas

Marcos administration, target maibaba ang target-listed drug personalities sa 10% pagdating ng June 2028

Target ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibaba sa 10 porsiyento ang target-listed drug personalities sa bansa sa pagtatapos ng termino nito pagsapit ng 2028. Ito’y ayon sa Presidential Communications Office (PCO) sa harap na din ng bagong pamamaraan ng Marcos administration sapagsugpo ng iligal na droga upang mas mabigyang pokus ang rehabilitation, reintegration,… Continue reading Marcos administration, target maibaba ang target-listed drug personalities sa 10% pagdating ng June 2028

Caloocan LGU, naglabas na rin ng ilang paalala sa pagbabayad ng Business at Real Property Tax sa lungsod

Nagpaalala na rin ang Caloocan LGU sa mga taxpayer sa lungsod na asikasuhin na ang pagbabayad ng kanilang Business at Real Property Tax. Sa inilabas nitong Tax Advisory, nakasaad na may diskwentong matatanggap ang mga taxpayer na maagang magbabayad ng buwis. Para sa business tax, may alok na 10% discount kung babayaran ng buo ang… Continue reading Caloocan LGU, naglabas na rin ng ilang paalala sa pagbabayad ng Business at Real Property Tax sa lungsod

Pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam, itinigil na

Hindi na nagpapakawala ng tubig sa ngayon ang Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan. Sa datos ng PAGASA Hydrometreology, as of 6am, ay nasa 214.08 meters na ang lebel ng tubig sa Angat Dam, mas mababa na kumpara sa 214.17 meters kahapon. Matatandaang hiniling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa National Water Resources Board… Continue reading Pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam, itinigil na

Paglalagay ng CCTV sa lahat ng paaralan, ipinanukala sa Kamara

Itinutulak ni Pinuno Party-list Representative Howard Guintu na lagyan ang lahat ng paaralan sa buong bansa ng CCTV bilang pagpapalakas sa seguridad at paglaban sa krimen. Sa kaniyang House Bill 9260 o Campus Security Act, binibigyang mandato ang lahat ng eskuwelahan sa buong bansa na maglatag ng security plan at maglagay ng mga CCTV sa… Continue reading Paglalagay ng CCTV sa lahat ng paaralan, ipinanukala sa Kamara