Ikalawang PH-US Maritime Cooperative Activity, nagsisilbing mensahe sa buong mundo — Gen. Brawner

Nagsisilbing mensahe sa buong mundo ang ikalawang PH-US Cooperative Maritime Activity na matatag ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagsulong ng “rules-based international order” at isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region, sa gitna ng mga hamon sa rehiyon. Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General… Continue reading Ikalawang PH-US Maritime Cooperative Activity, nagsisilbing mensahe sa buong mundo — Gen. Brawner

Ikalawang PH-US Maritime Cooperative Activity, isinagawa sa West Philippine Sea

Nagsimula kahapon ang ikalawang Philippine-United States Cooperative Maritime Activity sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at U.S. Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) sa West Philippine Sea. Nagpadala ang AFP ng apat na barko ng Philippine Navy, isang Search and Rescue (SAR)/multi-role helicopter, at isang anti-submarine warfare capable helicopter. Sa panig naman ng USINDOPACOM, kalahok… Continue reading Ikalawang PH-US Maritime Cooperative Activity, isinagawa sa West Philippine Sea

DOE, dapat ipaliwanag ang pagkakaantala ng pagsusumite ng bagong energy roadmap – Sen. Gatchalian

Pinagpapaliwanag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) sa pagkakaantala ng pagsusumite sa kongreso ng bagong roadmap para sa sektor ng enerhiya. Pinunto ni Gatchalian na tuwing September 15 ng bawat taon ay dapat nagsusumite ang DOE sa kongreso ng updated energy roadmap, alinsunod na itinatakda ng RA 9136 o ang Power Industry… Continue reading DOE, dapat ipaliwanag ang pagkakaantala ng pagsusumite ng bagong energy roadmap – Sen. Gatchalian

Modernisasyon ng Bureau of Immigration, napapanahon na – Sen. Bong Go

Binigyang diing muli ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pangangailangan para sa modernisasyon ng Bureau of Immigration (BI) para matigil na ang korapsyon at mapaganda ang serbisyo nito sa publiko. Kaugnay nito, may inihain na ang senador na Senate Bill 1185 o ang Bureau of Immigration Modernization bill. Ayon kay Go, mahalaga ang panukalang ito… Continue reading Modernisasyon ng Bureau of Immigration, napapanahon na – Sen. Bong Go

Higit P30-B na pondo para sa National Rice Program, tiyak na magpapalakas sa produksyon ng palay

Tiwala ang isang mambabatas na lalo pang tataas ang produksyon ng palay sa bansa ngayong taon matapos paglaanan ng higit P30 billion ang National Rice Program (NRP) sa ilalim ng 2024 National Budget. Ayon kay Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan ang P30.8 billion na pondo ng NRP ay mas mataas ng kalahating milyon kumpara… Continue reading Higit P30-B na pondo para sa National Rice Program, tiyak na magpapalakas sa produksyon ng palay

Sen. Pimentel, walang nakikitang masama kung nasa Pilipinas na ang mga ICC investigator

Walang nakikitang masama si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa impormasyon na nandito na sa Pilipinas ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC). Ayon kay Pimentel, wala siyang inside information tungkol sa naturang usapin at dumepende lang rin siya sa sinabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque. Sinabi ng minority leader na kung totoo… Continue reading Sen. Pimentel, walang nakikitang masama kung nasa Pilipinas na ang mga ICC investigator

Pagpapalakas ng government assistance para sa mga Pilipinong mangingisda sa WPS, asahan na ngayong 2024

Asahan na ang karagdagang floating assets sa West Philippine Sea (WPS) ngayong 2024, na layong maiparamdam sa mga Pilipinong mangingisda ang presensya ng pamahalaan at mabigyan ng sapat na access ang mga ito sa mga programa ng gobyerno. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguerra na mayroon rin aniya silang nakatakdang paglalayag… Continue reading Pagpapalakas ng government assistance para sa mga Pilipinong mangingisda sa WPS, asahan na ngayong 2024

BSP, nagpaalala sa istriktong pagsunod sa Philippine Travel Rule bilang pangangalaga sa sistema ng pananalapi

Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa banks at non-banks institutions na maging mapagbantay at sumunod sa ipinatutupad na Philippine Travel Rule o PHTR ukol sa Virtual Asset Service Providers o VASP. Sa isang Memo na inilabas ng BSP, mahigpit na ipinag-uutos ng central bank sa mga BSP supervised financial institution na maging alerto… Continue reading BSP, nagpaalala sa istriktong pagsunod sa Philippine Travel Rule bilang pangangalaga sa sistema ng pananalapi

SEN. ESTRADA, UMAPELANG RESOLBAHIN AGAD ANG POWER CRISIS SA PANAY ISLAND

Sen. Estrada, umapelang resolbahin agad ang power crisis sa Panay Island Nanawagan si Sen. Jinggoy Estrada sa gobyerno na resolbahin ang malawakang power outage o kawalan ng kuryente sa Panay Island. Nakakalungkot aniya na ikalawang araw pa lang ng bagong taon ay brownout agad ang kinaharap ng mga kababayan natin sa Western Visayas. Binigyang diin… Continue reading SEN. ESTRADA, UMAPELANG RESOLBAHIN AGAD ANG POWER CRISIS SA PANAY ISLAND

PUV modernization program, hindi pa hinog – Sen. Pimentel

koko pimentel press con may 21. Photo by Angie de Silva/Rappler

Naniniwala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na maituturing na hindi pa hinog ang PUV Modernization Program dahil mismong ang gobyerno ay hindi pa handa sa sistema nito. Sinabi ito ni Pimentel kasabay ng panawagan sa pamahalaan na suspendihin muna ang pagpapatupad ng programa hangga’t hindi napaplantsa ang lahat ng kinakailangang gawin. Ayon sa senador,… Continue reading PUV modernization program, hindi pa hinog – Sen. Pimentel