Plano ng DA sa modernisasyon sa agri sector, ilalatag na sa susunod na linggo

Ngayong 2024, tina-target na ng Department of Agriculture (DA) na ilatag ang istratehiya mga nito na nakatuon sa modernisasyon sa agri sector gayundin sa pagpapaangat ng food production sa bansa. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kailangan nang matutukan ang food security sa bansa lalo’t may hamon ng El Niño. Mahalaga rin aniya… Continue reading Plano ng DA sa modernisasyon sa agri sector, ilalatag na sa susunod na linggo

Pagbibigay ng Guarantee Letter ng DSWD sa ilalim ng AICS program, nagpapatuloy na muli

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na muli na itong nagbibigay ng mga Guarantee Letter (GL) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Ito’y matapos ang ilang linggo ring suspensyon noong Disyembre habang ipinoproseso ang liquidation ng kanilang pondo para sa taong 2023. Ayon sa DSWD, simula nitong Martes,… Continue reading Pagbibigay ng Guarantee Letter ng DSWD sa ilalim ng AICS program, nagpapatuloy na muli

House Tax Chief, nanindigan na ligal ang ginawang pagtaas sa halaga ng unprogrammed appropriations sa 2024 budget

Iginagalang ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang ihahaing petisyon sa Korte Suprema tungkol sa pagtataas sa halaga ng unprogrammed funds sa 2024 National Budget. Aniya, normal na maghain ng petisyon sa Supreme Court ang sinoman na may kwestyon sa anomang batas at kasama na dito ang pambansang pondo. Ngunit ayon sa… Continue reading House Tax Chief, nanindigan na ligal ang ginawang pagtaas sa halaga ng unprogrammed appropriations sa 2024 budget

DMW, handang magbigay ng tulong pinansyal sa mga OFW na apektado ng malakas na lindol sa Japan

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na may sapat silang pondo para tulungan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na apektado ng Magnitude 7.6 na lindol sa Ishikawa Prefecture sa Japan. Ayon sa DMW, hindi tumitigil sa pakikipag-ugnayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo para bantayan ang sitwasyon… Continue reading DMW, handang magbigay ng tulong pinansyal sa mga OFW na apektado ng malakas na lindol sa Japan

Biyahe ng PAL patungong Tokyo, Japan, nakaalis na matapos bahagyang naantala dahil sa nasunog na eroplano ng Japan Airlines sa Haneda Airport

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) na nakabiyahe na ang kanilang Flight PR424 patungong Tokyo sa Japan via Haneda Airport. Ito’y matapos pansamantalang masuspinde ang naturang biyahe dahil sa nasunog na eroplano ng Japan Airlines Flight 516 sa runway ng Haneda Airport, dahilan upang hindi muna ito tumanggap ng mga paparating na biyahe. Batay… Continue reading Biyahe ng PAL patungong Tokyo, Japan, nakaalis na matapos bahagyang naantala dahil sa nasunog na eroplano ng Japan Airlines sa Haneda Airport

Physical distancing, susubukang ipatupad ng PNP sa Traslasyon 2024

Susubukan ng Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang physical distancing sa mga “controlled areas” na pagdarausan ng Traslasyon 2024. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon. Ayon kay Fajardo, ito ang napag-usapan sa final coordinating meeting para sa ipatutupad… Continue reading Physical distancing, susubukang ipatupad ng PNP sa Traslasyon 2024

Suspek sa pananabang kay Lanao del Sur Gov. Adiong, arestado ng CIDG

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Capiz, Marawi City Police Station at Binalbagan Municipal Police Station sa Brgy. Aguisan, Himamaylan, Negros Occidental ang isa pang suspek sa pananambang kay Lanao Del Sur Governor Mamintal Adiong. Kinilala ni CIDG Director Police Major General Romeo Caramat ang suspek… Continue reading Suspek sa pananabang kay Lanao del Sur Gov. Adiong, arestado ng CIDG

Sen. Gatchalian, tiniyak na mapupunan sa 2024 national budget ang kakulangan sa pondo ng libreng kolehiyo sa SUCs

Tiwala si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na tugon sa kakulangan ng pondo para sa libreng matrikula sa mga state universities and colleges (SUCs) ang bagong kapapasang 2024 national budget. Ang tinatayang deficiencies o kakulangan para sa free higher education ay aabot ng P4.1 billion. Habang batay naman sa impormasyon ng Philippine… Continue reading Sen. Gatchalian, tiniyak na mapupunan sa 2024 national budget ang kakulangan sa pondo ng libreng kolehiyo sa SUCs

Legalidad ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget, maaaring iakyat sa Korte Suprema

Mas maiging iakyat na sa Korte Suprema ang kuwestyon hinggil sa legalidad ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget. Ito ang sinabi ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman, matapos maging epektibo ang P5.768 trillion 2024 budget nitong January 1 kung saan kasama ang nasa P449.5 billion na unprogrammed fund. Ang halaga umano… Continue reading Legalidad ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget, maaaring iakyat sa Korte Suprema

Visayas Grid, itinaas sa “Yellow Alert” matapos ang multiple tripping sa ilang power plants sa Panay Island

Itinaas na sa yellow alert status mula alas-4:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi ang Visayas grid matapos ang multiple power plant tripping sa ilang planta ng kuryente sa Panay Island. Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, namonitor ang pag-trip off ng Panay Energy Development Corporation o PEDC unit 1 pasado alas-12:00… Continue reading Visayas Grid, itinaas sa “Yellow Alert” matapos ang multiple tripping sa ilang power plants sa Panay Island