EO-50, inilabas ni PBBM para sa pagpapalawig ng implementasyon ng temporary modification sa rates ng bigas, mais, karneng baboy

Extended hanggang December 31, 2024 ang pagpapatupad ng pansamantalang bawas sa import duty rates ng ilang import products gaya ng bigas, mais, at karneng baboy. Ito’y upang tiyakin ang abot-kayang presyo ng mga produkto sa gitna ng nakaambang epekto ng El Niño phenomenon at African Swine Fever (ASF). Batay sa Executive Order (EO) No. 50… Continue reading EO-50, inilabas ni PBBM para sa pagpapalawig ng implementasyon ng temporary modification sa rates ng bigas, mais, karneng baboy

BuCor, nakapagpalaya ng mahigit 1,000 persons deprived of liberty ngayong buwan

Umabot sa mahigit isang libong Persons Deprived of Liberty (PDL) ang napalaya ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong buwan. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., nasa 1,093 PDLs ang napalaya at nakapag-Pasko na sa kanilang mga pamilya ngayong buwan. Kabilang sa mga nakalaya ay mga acquitted, nakapagsilbi na ng kanilang sentensya,… Continue reading BuCor, nakapagpalaya ng mahigit 1,000 persons deprived of liberty ngayong buwan

Economist-solon, kumpiyansa sa kakayanan ng bagong Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs

Tiwala si Albay 2nd District Representative Joey Salceda na magagampanan ni Secretary Frederick Go ang bago nitong papel bilang unang Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA). Aniya isa si Go sa mga prominenteng pangalan sa Philippine business at matagal nang katuwang ng House Committee on Ways and Means, na komiteng… Continue reading Economist-solon, kumpiyansa sa kakayanan ng bagong Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs

BFP, naglabas ng ilang paalala para sa ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon

Muling nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko para manatiling ligtas at malayo sa banta ng sunog ngayong darating na pagdiriwang ng Bagong Taon. Nangunguna sa paalala nito ang iwasan nang gumamit ng paputok at pailaw, kundi piliin na lang ang mga alternatibong pampaingay gaya ng torotot. Kung hindi naman maiiwasan ay pinatitiyak… Continue reading BFP, naglabas ng ilang paalala para sa ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon

Mga nagtitinda ng prutas na bilog, nagkalat na sa Litex Market

Marami na ang nakapwestong tindahan ng mga bilog na prutas sa bahagi ng Litex Market sa Quezon City, ilang araw bago ang selebrasyon ng Bagong Taon. Nakagawian na ng ilang pamilya ang maghanda ng mga bilog na prutas dahil pinaniniwalaang nagdadala ito ng maraming swerte. Ayon kay Mang Jomar, tindero ng prutas, sa ngayon may… Continue reading Mga nagtitinda ng prutas na bilog, nagkalat na sa Litex Market

Pagpapaigting ng kooperasyon sa sektor ng edukasyon, naging mensahe ni VP Sara sa mga miyembro ng SEAMEO ngayong Pasko

Nagpaabot ng pagbati si Vice President Sara Duterte sa mga miyembro ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) ngayong Pasko. Nagpasalamat si VP Sara sa pagtutulungan upang mas mapabuti ang sektor ng edukasyon sa Southeast Asia. Aniya, ang kanilang katatagan at pagkakaisa ay nagdulot ng pagkatuto at kahusayan sa mga mag-aaral. Bagama’t batid ng… Continue reading Pagpapaigting ng kooperasyon sa sektor ng edukasyon, naging mensahe ni VP Sara sa mga miyembro ng SEAMEO ngayong Pasko

Patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan, mensahe ni SP Zubiri ngayong kapaskuhan

Tiwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na mas maraming magagandang bagay pa ang magagawa ng buong bansa kung patuloy na magkakaisa at magtutulungan. Sa kanyang Christmas message, hinikayat ni Zubiri ang mga Pilipino na sama-samang ipagpasalamat ang mga biyaya na natanggap nitong taon. Dapat rin aniyang sama-samang ipagdiwang ang mga nakamit na tagumpay. Ayon… Continue reading Patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan, mensahe ni SP Zubiri ngayong kapaskuhan

Philippine Red Cross, nagpasalamat sa lahat ng volunteers at donors nito ngayong araw ng Pasko

Nagpasalamat ang Philippine Red Cross (PRC) sa lahat ng volunteers, staff, donors, chapters, at partners nito ngayong araw ng Pasko. Sa mensahe ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon, nagpasalamat ito sa dedikayon, katapatan, sakripisyo, at ang paglilingkod ng may malasakit ng mga volunteer at staff sa mga nangangailangan nating kababayan na nakaranas ng sakuna… Continue reading Philippine Red Cross, nagpasalamat sa lahat ng volunteers at donors nito ngayong araw ng Pasko

Vice President Sara Duterte, nagpaabot ng pagbati at pasasalamat sa mga frontliner ngayong araw ng Pasko

Nagpaabot ng taos pusong pagbati si Vice President Sara Duterte sa mga frontliner ngayong araw ng Pasko. Sa mensahe ng Pangalawang Pangulo, nagpasalamat ito sa mga sundalo, pulis, bumbero, doctor, nurses, iba pang health workers, disaster response at emergency personnel, quick response teams, at iba pa na nagdiriwang ng Pasko na malayo sa kanilang mga… Continue reading Vice President Sara Duterte, nagpaabot ng pagbati at pasasalamat sa mga frontliner ngayong araw ng Pasko

Jose Mari Chan, dapat na ring magawaran ng titulong National Artist ayon sa isang mambabatas

Naniniwala si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na panahon ng kilalanin bilang National Artist ang mang-aawit na si Jose Mari Chan. Ayon sa mambabatas na miyembro ng House Committee on Creative Industries, ‘deserve’ ni Chan ang naturang pagkilala dahil na rin sa tanyag nitong awitin na “Christmas in Our Hearts.” Punto ni Barbers,… Continue reading Jose Mari Chan, dapat na ring magawaran ng titulong National Artist ayon sa isang mambabatas