Higit 1,500 personnel, ipakakalat sa NLEX para sa buhos ng motorista ngayong holiday season

Magdaragdag ng mga tauhan ang pamunuan ng NLEX-SCTEX bilang paghahanda sa buhos ng mga motoristang bibiyahe ngayong holiday season. Bahagi ito ng pagpapatupad ng “Safe Trip Mo, Sagot Ko” motorist assistance program kung saan nasa karagdagang 1,500 personnel ang ipakakalat simula sa December 22 sa buong expressway. Ito ay upang masiguro na matutugunan ang inaasahang… Continue reading Higit 1,500 personnel, ipakakalat sa NLEX para sa buhos ng motorista ngayong holiday season

Mga pasaherong pauwi sa probinsya, di pa dagsa sa bus terminal sa Cubao

Hindi pa gaanong ramdam ang buhos ng mga bakasyonistang mag-uuwian ng probinsya sa bus terminal ng Victory Liner sa Cubao. Kapansin-pansin na kakaunti pa lang ang bumibyahe ngayong umaga at hindi rin napupuno maging ang mga ticketing booth. Ayon sa ilang dispatcher ng bus terminal, inaasahan nilang sa Biyernes pa magsisimulang dumagsa ang mga pasahero.… Continue reading Mga pasaherong pauwi sa probinsya, di pa dagsa sa bus terminal sa Cubao

MMDA, nagbabala sa publiko vs. naglipanang pekeng MMFF complimentary ticket na ibinebenta online

Pinag-iingat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko laban sa mga nememeke ng complimentary ticket para sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito’y makaraang masakote ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Special Operations Unit ang tatlong indibidwal na iligal na nagbebenta ng mga MMFF complimentary ticket online. Ayon sa MMDA, ibinebenta… Continue reading MMDA, nagbabala sa publiko vs. naglipanang pekeng MMFF complimentary ticket na ibinebenta online

Opensiba laban sa CPP-NPA, magpapatuloy sa kabila ng ikinakasang exploratory talks ng pamahalaan

Magpapatuloy ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang opensiba laban sa Communist Party of the Philippines – New Peoples Army, at National Democratic Front o CPP-NPA at NDF. Ayon sa PNP, ito’y bilang paghahanda na rin sa nalalapit na ika-55 anibersaryo ng Kilusang Komunista sa December 26.… Continue reading Opensiba laban sa CPP-NPA, magpapatuloy sa kabila ng ikinakasang exploratory talks ng pamahalaan

AFP, nakahanda na sa pagdalo ng Pangulo sa kanilang ika-88 anibersaryo ngayong araw

Handa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdalo ng Commander in Chief, ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pagdiriwang ng kanilang ika-88 anibersaryo ngayong araw. Bago ang pormal na palatuntunan at parada mamayang hapon sa Camp Aguinaldo kung saan panauhing pandangal ang Pangulo, magkakaroon ng Simultaneous Interfaith Prayer Service at Thanksgiving… Continue reading AFP, nakahanda na sa pagdalo ng Pangulo sa kanilang ika-88 anibersaryo ngayong araw

SP Zubiri, ibinida ang pagiging balanse ng 2024 national budget

Nagpasalamat si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagkakapirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 2024 national budget. Ayon kay Zubiri, napapanahon ang pagkakapirma nito kasabay ng pagpasok ng bagong taon. Binida ng Senate President na nakabuo ang kongreso ng sa tingin niya ay ‘best budget’ sa nakalipas na mga taon. Nilarawan ng senador… Continue reading SP Zubiri, ibinida ang pagiging balanse ng 2024 national budget

Amyenda sa contempt powers ng Senado, pinapanukala ni Sen. Tolentino

Nagpanukala si Senador Francis Tolentino ng amyenda sa contempt powers ng Senado para magkaroon ng oportunidad ang mga resource person na madinig bago sila mapa-contempt at maiditine. Sa inihaing Senate Resolution 889 ng senador, pinapaamyendahan ang ilang bahagi ng rules of procedure tungkol sa pagsasagawa ng Senate inquiries in aid of legislation. Sa kanyang panukala,… Continue reading Amyenda sa contempt powers ng Senado, pinapanukala ni Sen. Tolentino

Paradigm shift sa pagtugon ng Pilipinas sa isyu sa WPS, ang ehekutibo na ang dapat magpaliwanag – Sen. Tolentino

Giniit ni Senate Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Senador Francis Tolentino na hindi na niya kailangang makipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungkol sa paradigm shift sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Tolentino, saklaw na ng ehekutibo, partikular ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang… Continue reading Paradigm shift sa pagtugon ng Pilipinas sa isyu sa WPS, ang ehekutibo na ang dapat magpaliwanag – Sen. Tolentino

Speaker Romualdez, nagpaabot ng P630K na tulong para sa pamilya ng OFW na nabihag ng Hamas

Personal na iniabot ni Speaker Martin Romualdez ang nasa P630,000 na halaga ng tulong para sa Filipino caregiver na binihag ng Hamas at kalaunan ay pinalaya. Hinarap ni Romualdez at ilan pang mambabatas si Jimmy Pacheco na isa sa mga binihag ng grupong Hamas nang sila ay lumusob sa Kibbutz Nir Oz sa katimugang bahagi ng… Continue reading Speaker Romualdez, nagpaabot ng P630K na tulong para sa pamilya ng OFW na nabihag ng Hamas

SP Zubiri, tinanggap ang pagbibitiw ni Sen. Tolentino bilang chairman ng blue ribbon committee

Tinanggap na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagbibitiw sa pwesto ni Senador Francis Tolentino bilang chairman ng Senate blue ribbon committee Sa isang pahayag, sinabi ni Zubiri na nauunawaan at nirerespesto niya ang desisyon ni Tolentino. Ayon sa Senate leader, naging episyente at produktibo ang pamumuno ni Tolentino ng blue ribbon committee. Sa… Continue reading SP Zubiri, tinanggap ang pagbibitiw ni Sen. Tolentino bilang chairman ng blue ribbon committee