DA, hiniling sa tanggapan ni ES Bersamin na ipaubaya sa kanila ang pamamahala sa bakuna sa livestock

Dumulog na ang Department of Agriculture (DA) sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para hilinging maipaubaya sa kanila ang pamamahala ng bakuna sa livestock kabilang dito ang bakuna kontra Bird Flu at African Swine Fever (ASF). Sa kasalukuyan kasi, Food and Drug Administration (FDA) ang pangunahing namamahala at nag-aapruba sa bakuna. Sa ipinadalang position… Continue reading DA, hiniling sa tanggapan ni ES Bersamin na ipaubaya sa kanila ang pamamahala sa bakuna sa livestock

DA, nakabantay pa rin sa tumataas na sa presyo ng itlog sa pamilihan

Nakatutok na rin ang Department of Agriculture (DA) sa tumataas na bentahan ng itlog sa pamilihan. Sa Muñoz Market, wala ka nang makikitang ₱7 na kada piraso, dahil ngayon ang pinakamaliit ay nasa ₱7.50 hanggang ₱8.00 na ang kada piraso. Ang medium size naman ay nasa ₱8.50 na ang kada piraso. Maging sa monitoring ng… Continue reading DA, nakabantay pa rin sa tumataas na sa presyo ng itlog sa pamilihan

Sen. Chiz Escudero, nangangambang posibleng abutin pa ng 80 years bago tuluyang maging independent ang pension system ng mga MUP

Nababahala si Senador Chiz Escudero na maaaring abutin ng 80 taon bago tuluyang maresolba ang problema sa Military and Uniformed Personnel (MUP) pension system. Sa plenary deliberations ng Senado sa panukalang 2024 National Budget, tinanong ni Escudero ang economic team kung ano na ang pinal nilang desisyon kaugnay sa kontribusyon ng mga uniformed personnel. Ayon… Continue reading Sen. Chiz Escudero, nangangambang posibleng abutin pa ng 80 years bago tuluyang maging independent ang pension system ng mga MUP

House Appropriations Chair, ikinalugod ang pagsang-ayon ng Senado sa realignment ng Confidential at Intelligence Fund sa 2024 Budget

Positibo si House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co na magiging mabilis lang ang pagsalang ng panukalang 2024 National Budget sa Bicameral Conference Committee. Ito’y kasunod ng pagkakasundo ng mga senador na alisin ang Confidential at Intelligence Funds (CIFs) ng mga civilian agency, hakbang na una nang ginawa ng Kamara. “This jibes with or is… Continue reading House Appropriations Chair, ikinalugod ang pagsang-ayon ng Senado sa realignment ng Confidential at Intelligence Fund sa 2024 Budget

Hirit ng NGCP na bawiin sa konsyumer ang ilan sa kanilang gastusin, ibinasura ng ERC

Isinasapinal na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang magiging desisyon nito kaugnay sa inihaing petisyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ito’y para payagan ng ERC ang NGCP na hirit na mahigit ₱387-bilyong pisong revenue na idaraan sa tinawatag na pass-on charges sa mga konsyumer o gumagamit ng kuryente. Nangangahulugan ito ng dagdag… Continue reading Hirit ng NGCP na bawiin sa konsyumer ang ilan sa kanilang gastusin, ibinasura ng ERC

Crime rate sa nakalipas na 10 buwan, bumaba ng mahigit 8% kumpara sa nakaraang taon

Ibinida ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng mahigit walong porsyento ng crime rate sa bansa mula January 1 hanggang October 31 ng taong ito, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Base sa datos ng Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS) ng PNP, bumaba ng 8.24% ang mga index crime, at 8.18%… Continue reading Crime rate sa nakalipas na 10 buwan, bumaba ng mahigit 8% kumpara sa nakaraang taon

11 OFWs mula Lebanon at West Bank na teritoryo naman ng Palestine, nakabalik na sa bansa

Balik bansa na ang siyam na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Lebanon na naipit sa tensyon sa pagitan ng Israel at ng militanteng grupong Hezbollah. Kagabi, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City ang siyam na Pinoy sakay ng Qatar Airways Flight QR928. Personal na sinalubong ni Department of… Continue reading 11 OFWs mula Lebanon at West Bank na teritoryo naman ng Palestine, nakabalik na sa bansa

Job vulnerability, patuloy na tututukan ng NEDA sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga nagkakatrabaho

Hindi titigil ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino pagdating sa aspeto ng trabaho. Ito ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) ay kahit pa naitala ang pagtaas ng bilang ng mga may trabaho nitong Setyembre, batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Batay sa pinakahuling datos, nakapagtala ang Pilipinas… Continue reading Job vulnerability, patuloy na tututukan ng NEDA sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga nagkakatrabaho

Meralco, nilinaw ang ilang akusasyon ng isang mambabatas

Kasunod ng ilang akusasyon ni Santa Rosa City Representative Dan Fernandez laban sa Manila Electric Company (Meralco), naglabas ito ng pahayag upang bigyang linaw ang ilang issue kabilang na ang umano’y mataas na capital cost ng Meralco na umano’y ipinapasa sa mga consumer. Sinabi ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga,… Continue reading Meralco, nilinaw ang ilang akusasyon ng isang mambabatas

Ecowaste Coalition, ibinunyag ang patuloy na bentahan ng banned cosmetics sa Marikina City

Ipinaalam na ng EcoWaste Coalition sa Marikina City Government ang iligal na bentahan ng ipinagbabawal na Goree Beauty Creams, na nagtataglay ng mataas na antas ng mercury. Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition, ang mapanganib na skin whitening cosmetics ay ipinagbawal ng Food and Drug Administration at health authorities noong 2017. Ibinunyag… Continue reading Ecowaste Coalition, ibinunyag ang patuloy na bentahan ng banned cosmetics sa Marikina City