Pagbuo ng task force para imbestigahan ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon, inirerekomenda ni Senate President Zubiri

Iminumungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng task force para matutukan ang imbestigasyon tungkol sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Juan “Johnny Walker” Jumalon sa Misamis Occidental. Ang pahayag na ito ng Senate president ay kasabay ng pagpapahayag niya ng mariing pagkondena sa pagpatay sa… Continue reading Pagbuo ng task force para imbestigahan ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon, inirerekomenda ni Senate President Zubiri

Sapat at malinis na tubig, tiniyak sa isinagawang 19th Asia Water Council

Tumugon ang apat na mga kumpanya at ahensya ng pamahalaan sa panawagan na magkaroon ng sapat at malinis na tubig ang bansa. Ito ang nagkakaisang pahayag ng Metro Manila Waterworks and Sewerage System, Maynilad Water Services Inc., Manila Water Company Inc at Luzon Clean Water Development Corporation matapos ang matagumpay na pag-host nila sa 19th… Continue reading Sapat at malinis na tubig, tiniyak sa isinagawang 19th Asia Water Council

Resolusyon para tindigan ang integridad ng Kamara at pagsuporta sa liderato ni Speaker Romualdez, pinagtibay

Nagkaisa ang mga mambabatas para pagtibayin ang House Resoluton 1414 o resolusyon para panindigan ang integridad at dangal ng Kamara at ihayag ang pagsuporta sa liderato ni Speaker Martin Romualdez. Sa ilalim ng resolusyon, nagkaisa ang Kamara para depensahan ang institusyon laban sa mga walang basehang kritisismo at mga pag-atake. Ayon kay House Majority Leader… Continue reading Resolusyon para tindigan ang integridad ng Kamara at pagsuporta sa liderato ni Speaker Romualdez, pinagtibay

Tatlong core projects, inilunsad ng DA

Inilunsad ngayong hapon ng Department of Agriculture ang tatlong pangunahing proyekto sa ilalim ng bagong talagang kalihim na si Francisco Tiu Laurel. Ito ay ang Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up, ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP), at ang Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project. Ayon sa DA, ang tatlong proyekto ay tutuon… Continue reading Tatlong core projects, inilunsad ng DA

Ika-limang batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Eksakto alas-2:59 ng hapon dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Etihad Airways Flight EY 424. Sakay nito ang 22 overseas Filipino workers (OFWs) at isang sanggol na naipit sa gulo sa Israel. Sa bilang na ito, 19 ang caregivers at tatlo ang hotel workers. Kasama rin dito ang abo ni Grace Prodigo Cabrera,… Continue reading Ika-limang batch ng OFWs na naipit sa gulo sa Israel, dumating na sa Pilipinas

Wastong nutrisyon sa kalusugan ng mga bata, pangunahing layunin ng Children’s Month celebration ngayong taon

Ngayong araw isinagawa ang “Pista ng mga Bata” the 31st National Children’s Month kick-off celebration sa Lungsod ng Valenzuela. Pinangunahan ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang pagdiriwang ng Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre, alinsunod sa Republic Act 10661 o ang National Children’s Month Act of 2015. Ang tema ngayong taon ay… Continue reading Wastong nutrisyon sa kalusugan ng mga bata, pangunahing layunin ng Children’s Month celebration ngayong taon

SP Migz Zubiri, tiniyak na magkakaroon ng adjustment sa Confidential and Intelligence fund ng mga ahensya ng gobyerno

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tatanggalan ng Confidential and Intelligence Fund (CIF) ng Senado ang civilian agnecies na hindi dapat tumanggap nito. Ayon kay Zubiri, bago pa man magdesisyon ang Kamara na tanggalan ng CIF ang ilang civilian agencies ay pinag-uusapan na nila ito sa Senado. Kaugnay nito, ibinahagi ng Senate leader… Continue reading SP Migz Zubiri, tiniyak na magkakaroon ng adjustment sa Confidential and Intelligence fund ng mga ahensya ng gobyerno

“Christmas Trains”, ilulunsad ng MRT 3 at LRT 2

Pormal nang ilulunsad mamayang ala-5 ng hapon ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) ang kanilang “Christmas Trains,” bilang paghahanda sa selebrasyon ng kapaskuhan. Pangungunahan ni Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino ang pagsakay sa Christmas train sa northbound ng MRT-3 Ayala Station bandang alas-5 ng hapon. Pagdating ni Aquino sa MRT-3 Cubao Station, lilipat… Continue reading “Christmas Trains”, ilulunsad ng MRT 3 at LRT 2

AFP, nagpasalamat sa Japan para sa P235.5- M grant na coastal radar system

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines sa paglalaan ng Japan ng P235.50 million grant para sa coastal radar system. Ang donasyon na ipagkakaloob sa ilalim ng Official Security Assistance (OSA) program ng Japan ay napagkasunduan sa pagpupulong ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishada sa Malacañang noong Biyernes. Ayon kay… Continue reading AFP, nagpasalamat sa Japan para sa P235.5- M grant na coastal radar system

DILG Sec. Abalos, nakatutok sa pagbibigay hustisya sa pinaslang na brodkaster sa Misamis Occidental

Mahigpit na nakabantay na rin si DILG Sec. Benjamin C. Abalos, Jr. sa development ng kaso ng pinaslang na radio broadcaster sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon alyas ‘Johnny Walker’. Sa isang pahayag, kinundena ng kalihim ang krimen na aniya ay maituturing na direktang atake sa malayang pamamahayag at walang puwang sa lipunan. “The… Continue reading DILG Sec. Abalos, nakatutok sa pagbibigay hustisya sa pinaslang na brodkaster sa Misamis Occidental