Sec. Abalos, nanawagan sa mga kandidato sa eleksyon na magsumite ng SOCE sa Comelec

Pinaalalahanan ni DILG Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na maghain ng kanilang Statements of Election Contributions and Expenditures (SOCE) nang maaga at huwag hintayin ang 30-day deadline. Partikular na pinayuhan ni Abalos ang mga kandidatong lalabas na mananalo na magsumite ng kanilang SOCE sa Commission on Elections (Comelec).… Continue reading Sec. Abalos, nanawagan sa mga kandidato sa eleksyon na magsumite ng SOCE sa Comelec

Kabuuang 119 na OFW, nakauwi na ng Pilipinas ayon sa DMW

Nasa 119 na mga OFW na ang nakauwi na ng Pilipinas mula sa Israel ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Ito ay kasunod ng pagbabalik bansa ngayong araw ng nasa 60 na mga OFW, kasama ang isang one-month old na sanggol at isang one-year old na bata. Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac,… Continue reading Kabuuang 119 na OFW, nakauwi na ng Pilipinas ayon sa DMW

61 electric cooperatives, nakaranas ng power interruption habang ginaganap ang BSKE – NEA

Animnaput-isa (61) sa kabuuang 99 electric cooperatives (ECs) sa bansa ang nakaranas ng power interruptions sa pagitan ng alas 5:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga. Sa ulat ng National Electrification Administration (NEA) Power Task Force Election 2023, kabuuang 162 interruptions ang naitala na may average duration ng 56.22 minutes. Ngayong hapon, may 7… Continue reading 61 electric cooperatives, nakaranas ng power interruption habang ginaganap ang BSKE – NEA

Higit 100 PDL registered voters sa Quezon City Jail, ‘di nakaboto

Hindi nagawang makaboto ang 130 Persons Deprived of Liberty (PDL) registered voters sa Quezon City Jail Male Dormitory, sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE). Ilan sa mga rason ayon kay City Warden Jail Superintendent Michelle Ng Bonto,  ay dahil may ilan ang sumasailalim sa PTB treatment sa isolation cells at hospital confinement. Habang… Continue reading Higit 100 PDL registered voters sa Quezon City Jail, ‘di nakaboto

BSKE 2023, naging maayos sa kabuuan — COMELEC

Maituturing na generally peaceful ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ngayong araw (October 30), kahit pa may ilang mga insidente ng panggugulo ang naitala sa iba’t ibang bahagi ng bansa.  Kabilang na dito ang pagpupunit ng balota ng ilang indibiwal sa dalawang presinto sa Puerto Princesa, maging ang insidente ng panununtok sa police officer… Continue reading BSKE 2023, naging maayos sa kabuuan — COMELEC

44 inaresto ng NCRPO dahil sa election-related offenses sa Metro Manila

Inulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na 44 na indibidwal na ang naaresto sa Metro Manila dahil sa election-related offenses hanggang kaninang alas-3 ng hapon. Nasa 33 sa mga ito ang naaresto sa paglabag sa 2-araw na liquor ban, na sinimulang ipatupad kahapon ng hatinggabi hanggang ngayong araw, kaugnay ng Barangay at Sanguniang… Continue reading 44 inaresto ng NCRPO dahil sa election-related offenses sa Metro Manila

May 10 Polling Centers sa QC, nakapagtala ng maraming botante na hindi nakaboto

Humigit kumulang 1,670 registered voters ang hindi nakaboto mula sa 10 polling centers sa Lungsod Quezon. Ayon sa Quezon City Police District Election Monitoring Action Center, inabutan ng pagsasara ng polling precints ang mga botante dakong alas-3 ng hapon. Ang polling centers ay kinabibilangan ng Tandang Sora Elementary School, Placido Del Mundo Elwmentary School,Ismael Mathay… Continue reading May 10 Polling Centers sa QC, nakapagtala ng maraming botante na hindi nakaboto

4th batch ng mga OFW mula Israel, nakarating na ng bansa

Nakarating na ng Pilipinas ang ikaapat na batch ng mga OFW na narepatriate mula sa kaguluhan sa Irael at Gaza. Base sa inisyal na impormasyon, 60 OFW ang kasama sa batch na ito ng mga OFW na umuwi galing sa Israel. Sa grupong ito, 32 ang hotel workers habang ang 28 naman ay caregivers, at… Continue reading 4th batch ng mga OFW mula Israel, nakarating na ng bansa

Mga PWD sa San Bartolome Elem. School sa Novaliches QC, maraming ‘di nakaboto

Maraming persons with disability (PWDs) ang  hindi umabot para makaboto, matapos na mag cut off na bandang ala-1 ng hapon ang emergency accessible polling place (EAPP). Nagkalituhan at naging pahirapan ang naging pagboto ng PWDs, dahil umakyat pa sila sa 4th floor. Kinukwestyon din ng PWDs ang waiver na ipinapipirma sa kanila, at ibang tao ang… Continue reading Mga PWD sa San Bartolome Elem. School sa Novaliches QC, maraming ‘di nakaboto

BSKE sa Visayas, pangkalahatang mapayapa — AFP

Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) na pangkalahatang mapayapa sa mga oras na ito ang Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Visayas.  Ayon kay Viscom Commander Lt. General Benedict Arevalo, 100 porsyiento ang deployment ng security personnel sa rehiyon. Isang daang porsyiento din aniya ang nai-deliver na election paraphernalia… Continue reading BSKE sa Visayas, pangkalahatang mapayapa — AFP