Proseso ng pagbili ng BAI ng mga bakuna kontra ASF, kinuwestiyon ni Sen. Cynthia Villar

Napagsabihan ni Senadora Cynthia Villar ang mga opisyal ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Food and Drug Administration (FDA) dahil sa tila pagmamadali na maiangkat ang bakuna laban sa Arican Sine Fever (ASF). Sa naging pagdinig ng Senate committee of agriculture, tinanong ni Villar ang BAI kung bakit iangkat at binili na nito ang… Continue reading Proseso ng pagbili ng BAI ng mga bakuna kontra ASF, kinuwestiyon ni Sen. Cynthia Villar

VP Sara Duterte, bumisita sa COMELEC para silipin ang paghahanda sa BSKE

Bumisita sa Commission on Elections (Comelec) si Vice President Sara Z. Duterte ngayong tanghali, para silipin ang Operations Center ng Comelec sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Layon din ng pagbisita ni VP Sara na alamin ang mga huling paghahanda ng Comelec sa darating na halalan. Alas-tres dapat naka-schedule ang pagbisita ng bise presidente, pero… Continue reading VP Sara Duterte, bumisita sa COMELEC para silipin ang paghahanda sa BSKE

200 katao, inaresto ng Comelec Navotas at PNP dahil sa alegasyon ng vote buying 

Hindi bababa sa 200 katao ang inaresto matapos salakayin ng Commission on Elections (Comelec) at Navotas City PNP, dahil sa alegasyon ng vote buying.  Sa report na nakarating kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, ginawa ang pagsalakay sa isang warehouse sa Policarpio St M. Naval Brgy. San Jose, Navotas City.  Nakuha sa mga inaresto ang… Continue reading 200 katao, inaresto ng Comelec Navotas at PNP dahil sa alegasyon ng vote buying 

Mga senador, nanawagan sa Comelec na bumuo ng polisiya sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pangangampanya

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa Commission on Elections (Comelec) na pag-aralan ang pagbuo ng polisiya tungkol sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pangangampanya. Ipinunto ni Go na maituturing na bagong pamamaraan ng pangangampanya ang AI kumpara sa tradisyunal na paraan. Binigyang diin ng senador na dahil maaaring mabago ng AI ang facial… Continue reading Mga senador, nanawagan sa Comelec na bumuo ng polisiya sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pangangampanya

Senador Francis Tolentino, sinabihan ang FDA na hindi nila pwedeng ipasa sa iba ang pagtitiyak na ligtas ang mga ASF vaccine

Iginiit ni Senador Francis Tolentino na hindi pwedeng ipasa ng Food and Drug Administration (FDA) ang repsonsibilidad sa pagtitiyak na ligtas, epektibo at de-kalidad ang mga health products sa Pilipinas. Kasama na dito ang mga pagkain, gamot, cosmetics, devices at biological sa bansa. Sinabi ito ng Tolentino sa naging pagdinig ng Senate Committee on Agriculture… Continue reading Senador Francis Tolentino, sinabihan ang FDA na hindi nila pwedeng ipasa sa iba ang pagtitiyak na ligtas ang mga ASF vaccine

Nilagdaang Sustainable Development Cooperation Framework 2024-2028 ng UN at Pilipinas, mahalaga para maabot ang development goals ng bansa — NEDA

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na makatutulong sa pag-abot ng medium at long-term development goals ng bansa ang nilagdaang Sustainable Development Cooperation Framework 2024-2028 ng United Nations at Pilipinas.  Layon ng naturang framework na tulungan ang bansa na maabot ang pagiging upper middle-income economy, at makamit ang Sustainable Development Goals pagdating ng… Continue reading Nilagdaang Sustainable Development Cooperation Framework 2024-2028 ng UN at Pilipinas, mahalaga para maabot ang development goals ng bansa — NEDA

Delegasyon ng Pilipinas sa Global Gateway Forum ng European Union, winelcome ng Finance Minister ng Luxembourg

Mainit na tinanggap ng bansang Luxembourg  ang Philippine delegation na pinangunahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno. Sa courtesy meeting, tinalakay nila Sec. Diokno at Luxembourg  Minister of Finance Yuriko Backes, ang mga oportunidad upang mapalawak ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng  physical at digital connectivity, renewable energy at sustainable finance. Ibinahagi naman ni Diokno ang magandang… Continue reading Delegasyon ng Pilipinas sa Global Gateway Forum ng European Union, winelcome ng Finance Minister ng Luxembourg

Davao City Rep. Duterte, dinipensahan ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos sampahan ng kaso

Dumipensa ngayon si Davao City Rep. Paolo Duterte matapos sampahan ng kaso sa Quezon City Court ang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Davao solon, nirerespeto niya ang karapatan ng isang indibidwal na maghain ng reklamo sa korte. Ngunit bilang public servants aniya, hindi dapat maging balat sibuyas at gamitin ang karapatan… Continue reading Davao City Rep. Duterte, dinipensahan ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos sampahan ng kaso

DSWD, kinilala ang mga huwarang pamilya sa ginanap na 4Ps National Family Day

Ginaganap ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 4Ps National Family Day 2023 sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Multipurpose Gym. Ang 4Ps National Family Day ay isang taunang pagdiriwang na naglalayong palakasin ang adbokasiya ng programa at isulong ang halaga ng kalusugan at edukasyon sa mga mahihirap na household beneficiaries.… Continue reading DSWD, kinilala ang mga huwarang pamilya sa ginanap na 4Ps National Family Day

LRT-2, pinaigting na ang seguridad para sa Barangay at SK Elections at Undas 2023

Nakaalerto na ang Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas 2023. Ito ay upang matiyak na makapagbibigay ng ligtas at maginhawang biyahe sa mga pasahero. Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, naka-full force na ang mga tauhan ng LRTA at tiniyak nito ang kahandaan… Continue reading LRT-2, pinaigting na ang seguridad para sa Barangay at SK Elections at Undas 2023