DSWD, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng OFW na nasawi sa Jordan

Nagkaloob na ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng OFW na natagpuang patay sa Amman, Jordan. Ayon sa DSWD, agad na naasikaso at naihatid ng kanilang Central Luzon Field Office ang financial aid sa pamilya ni Mary Grace Santos na mula sa Macabebe, Pampanga. Tumanggap ang pamilya nito… Continue reading DSWD, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng OFW na nasawi sa Jordan

Ilang tsuper ng jeepney sa Mandaluyong City, umaaray sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo

Napapakamot-ulo na lamang ang ilang tsuper ng jeepney dahil sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo simula ngayong araw. Ayon sa mga ilang tsuper sa Parklea Terminal sa Mandaluyong City, pihadong bawas-kita na naman ito para sa kanila. Bagaman pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong provisional increase sa minimum na… Continue reading Ilang tsuper ng jeepney sa Mandaluyong City, umaaray sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo

“Islamophobic” na mga pahayag, walang puwang sa lipunan — Mindanao solon

Isa pang mambabatas ang naglabas ng saloobin hinggil sa naging pahayag ni Ambassador Teddy Locsin Jr. tungkol sa mga batang Palestino. Ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong walang puwang sa lipunan ng bansa at sa mga mataas na opisina ng gobyerno ang mga “dangerous, bigoted, at islamophobic” na pahayag ni Locsin. “It… Continue reading “Islamophobic” na mga pahayag, walang puwang sa lipunan — Mindanao solon

Malabon LGU, nagtayo ng Wall of Remembrance para patuloy na maalala ang mga nakalibing sa Tugatog Cemetery

Habang nagpapatuloy pa rin ang pagsasaayos sa Tugatog Cemetery sa Malabon City ay nagtayo muna ang pamahalaang lungsod ng Wall of Remembrance upang magunita pa rin ng mga residente ang kanilang mga yumaong kaanak na nakalibing sa naturang sementeryo. Ayon sa LGU, sa naturang Wall of Remembrance, nakatala ang pangalan ng bawat nakalibing sa Tugatog… Continue reading Malabon LGU, nagtayo ng Wall of Remembrance para patuloy na maalala ang mga nakalibing sa Tugatog Cemetery

Mas mahigpit na seguridad, ipatutupad sa MRT-3 bilang paghahanda sa BSKE at Undas 2023

Kasado na ang Oplan Biyaheng Ayos sa MRT-3 ngayong nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections gayundin ang paggunita ng Undas. Sa ilalim nito, sisimulan nang paigtingin ang seguridad sa buong linya ng tren upang masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero. Inaasahan kasing dadagsa ang mga pasaherong boboto para sa BSKE gayundin ang mga… Continue reading Mas mahigpit na seguridad, ipatutupad sa MRT-3 bilang paghahanda sa BSKE at Undas 2023

Pilipinas, top choice ng Japanese investors dahil sa mataas na paglago ng ekonomiya sa ilalim ng Marcos administration

Attractive investment destination ang Pilipinas para sa mga Japanese investors dahil na rin sa nagpapatuloy na pagtaas ng economic growth na nakita ng mga mamumuhunan sa ilalim ng administrasyong Marcos. Ayon kay Japanese Chamber of Commerce and Industry Chair Ken Kobayashi, nakikita nilang stable ang ekonomiya ng Pilipinas dahilan para mapukaw ang kanilang interes at… Continue reading Pilipinas, top choice ng Japanese investors dahil sa mataas na paglago ng ekonomiya sa ilalim ng Marcos administration

Dating LTFRB Chair Atty. Guadiz, inabswelto ng dating executive assistant mula sa umano’y katiwalian sa ahensya

Malaki ang pasasalamat ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair, Atty. Teofilo Guadiz III na nalinis na ang kaniyang pangalan mula sa alegasyon ng korapsyon. Sa motu proprio investigation ng Kamara, sinabi ng dating executive assistant ni Guadiz na si Jefferson Tumbado na wala siyang ebidensya na kasama nga si Guadiz sa… Continue reading Dating LTFRB Chair Atty. Guadiz, inabswelto ng dating executive assistant mula sa umano’y katiwalian sa ahensya

Bidding para sa magsusuplay ng Drivers License cards sa 2024, nais pabilisin ng LTO

Humingi na ng pahintulot ang Land Transportation Office (LTO) sa Department of Transportation (DOTr) para agad nang masimulan ang bidding process sa Driver’s License cards para sa taong 2024. Ito ay sa gitna na rin ng inisyung preliminary injunction ng Quezon City Regional Trial Court Branch 215 na inaasahang magpapa-delay muli sa pag-iisyu ng plastic… Continue reading Bidding para sa magsusuplay ng Drivers License cards sa 2024, nais pabilisin ng LTO

DILG Sec. Abalos, nagbabala sa mga kandidatong magtatangkang mamili ng boto sa e-payment platforms

Nagbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga kumakandidato ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections na huwag nang tangkaing bumili ng boto sa pamamagitan ng e-payment platforms. Kasunod ito ng pag-aalala ng publiko sa plano ng ilang mga kandidato na manalo sa pamamagitan ng vote buying. Ayon… Continue reading DILG Sec. Abalos, nagbabala sa mga kandidatong magtatangkang mamili ng boto sa e-payment platforms

Deputy Chief of Mission ng China, kinastigo ng DFA kasunod ng panibagong insidente sa West Philippine Sea

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagganap nito sa kanilang mandato na protektahan at itaguyod ang legal maritime entitlement ng Pilipinas. Ito’y ayon sa DFA kasunod ng panibagong insidente sa West Philippine Sea nang banggain ng mga barko ng China Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng re-supply mission sa… Continue reading Deputy Chief of Mission ng China, kinastigo ng DFA kasunod ng panibagong insidente sa West Philippine Sea