Iligal na campaign materials, pinagtatanggal sa Oplan Baklas sa QC

Nagsimula nang kumilos ang Commission on Elections (COMELEC) katuwang ang Quezon City LGU para magkasa ng “Operation Baklas” sa illegal campaign materials. Alas-5 pa lang ng madaling araw nang simulan ng mga tauhan ng COMELEC, Quezon City Police District (QCPD),Quezon City-Traffic and Transport Management Department (QC -TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Market… Continue reading Iligal na campaign materials, pinagtatanggal sa Oplan Baklas sa QC

Pagbabalik ni suspended LTFRB Chair Guadiz, ipinanawagan ng Magnificent 7

Maagang nagtipon-tipon sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasa 300 miyembro at lider ng mga transport group na bumubuo sa Magnificent 7 para ipanawagan ang pagbabalik ng nasuspindeng si LTFRB Chair Teofilo Guadiz III. Kabilang sa mga nagtungo rito sina Pasang Masda President Obet Martin, Altodap President Boy… Continue reading Pagbabalik ni suspended LTFRB Chair Guadiz, ipinanawagan ng Magnificent 7

Malaking alokasyon ng bigas na isusuplay ng India sa Pilipinas, welcome sa DA

Magandang balita para sa Department of Agriculture (DA) ang kumpirmasyon mula sa Indian government na inilaan nito sa Pilipinas ang pinakamalaking alokasyon ng bigas. Batay sa Indian Embassy, aabot sa 295,000 metriko tonelada ng non-basmati white rice ang isusuplay ng India sa Pilipinas. Sa panayam sa media, sinabi ni DA Undersecretary Mercedita Sombilla na makatutulong… Continue reading Malaking alokasyon ng bigas na isusuplay ng India sa Pilipinas, welcome sa DA

Tuloy-tuloy na pag-monitor sa presyo ng mga bilihin, pinatitiyak ni Sen. Mark Villar

Binigyang-diin ni Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship Chairperson Senador Mark Villar na kailangang maging consistent sa pag-monitor ng presyo ng mga bilihin lalo na ngayong malapit na ang holiday season. Ginawa ng senador ang pahayag matapos ang pagsama niya sa isang price monitoring activity ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon. Sa… Continue reading Tuloy-tuloy na pag-monitor sa presyo ng mga bilihin, pinatitiyak ni Sen. Mark Villar

Malaya Rice Project, ilulunsad sa Nobyembre

Sa susunod na buwan ay sisimulan na ang pamamahagi ng “rice at cash subsidy” sa ilalim ng Malaya Rice Project. Dapat ngayong Oktubre ikakasa ang naturang programa ngunit ipinagpaliban hanggang sa matapos na muna ang Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections. November 5 ang itinakdang petsa ng paglulunsad nito. Ang programa ay magkatuwang na ipatutupad ng… Continue reading Malaya Rice Project, ilulunsad sa Nobyembre

Magnitude 5.9 na lindol, tumama sa Davao de Oro kaninang madaling araw

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang bahagi ng New Bataan sa Davao de Oro kaninang madaling araw. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), bandang 2:58 AM naganap ang pagyanig. Naitala ang sentro nito sa layong 35 kilometro timog silangan ng New Bataan. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na… Continue reading Magnitude 5.9 na lindol, tumama sa Davao de Oro kaninang madaling araw

Halaga ng subsidiya para sa mga sasali sa PUV Modernization Program, tinaasan — LTFRB

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tinaasan na ang halaga ng subsidiya para sa mga nais sumali sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Ayon sa LTFRB, maaari nang makahiram ng hanggang sa ₱280,000 mula sa dating ₱160,000 ang sinumang interesado na lumahok sa PUVMP para makabili ng Class… Continue reading Halaga ng subsidiya para sa mga sasali sa PUV Modernization Program, tinaasan — LTFRB

QCPD, nagbigay paalala sa mga kandidato at kapulisan ngayong panahon ng kampanya

Nagpalala si Quezon City Police District (QCPD) Director Brigadier General Redrico Maranan sa mga kandidato at kapulisan ngayong nagsimula na ang 10 araw na kampanya para sa Barangay at Sanggunian Kabataan Elections 2023. Ayon kay Maranan, dapat panatilihin ang integridad ng QCPD ngayong kampanya. Nagbabala din ito sa lahat ng QCPD Station Commanders na walang… Continue reading QCPD, nagbigay paalala sa mga kandidato at kapulisan ngayong panahon ng kampanya

Maharlika Investment Fund, tinalakay ni Finance Sec. Diokno sa harap ng mga Saudi business leaders

Iprinisinta ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa Saudi business leaders ang Maharlika Investment Fund. Kasama ang kalihim sa delagasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa ASEAN Gulf Cooperation Council (GCC) Summit sa Riyadh, Saudi Arabia. Sa Roundtable Meeting  na dinaluhan ng mga Saudi business leaders, sinabi ni Diokno na nagsisilbing “cornerstone” ang… Continue reading Maharlika Investment Fund, tinalakay ni Finance Sec. Diokno sa harap ng mga Saudi business leaders

NTF-ELCAC, tinuligsa ang “donation drive” ng CPP-NPA-NDF

Binalaan ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokeseperson Joel Egco ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at mga suporter na tigilan na ang kanilang “abduct-surface-donate-release” (ASDR) scheme. Kaugnay ito ng umano’y ginagawa ng grupong Karapatan na palabasin na dinudukot ng militar ang mga aktibista,… Continue reading NTF-ELCAC, tinuligsa ang “donation drive” ng CPP-NPA-NDF