Mga opisyal ng Sablayan Prison and Penal Farm, inalerto kaugnay sa mga aktibidad ng mga PDL nito

Inalerto ni Bureau of Corrections o BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang mga opisyal ng Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro. Sa isang pahayag, binilinan ni Catapang ang mga opisyal nito sa nasabing penal farm na maging mapagmatyag at bantayan ang galaw ng kanilang mga Person Deprived of Liberty o PDLs.… Continue reading Mga opisyal ng Sablayan Prison and Penal Farm, inalerto kaugnay sa mga aktibidad ng mga PDL nito

Chief ng AFP WesMinCom pinalitan; ilan pang matataas na opisyal ng AFP, binalasa

Nakatakdang umupo sa mga bagong pwesto ang ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang mga appointment. Si Lt.Gen. William Gonzales ang uupo bilang bagong Commander ng Western Mindanao Command, kapalit ni Major General Steve Crespillo na papalit naman kay Gonzales bilang AFP… Continue reading Chief ng AFP WesMinCom pinalitan; ilan pang matataas na opisyal ng AFP, binalasa

VP Sara Duterte, nanawagan ng pagkakaisa sa kabila ng mga kinahaharap na hamon ng bansa

Nagpasalamat si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kaniyang mga tagasuporta ilang araw matapos tanggalan ng confidential fund ang Office of the Vice President at ang Department of Education. Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na itinuturing niyang inspirasyon at lakas ang patuloy na paniniwala ng kaniyang mga tagasuporta para ipagpatuloy ang… Continue reading VP Sara Duterte, nanawagan ng pagkakaisa sa kabila ng mga kinahaharap na hamon ng bansa

Pilipinas, itinanghal bilang ‘Best Cruise Ship Destination’ sa Asya

Nakamit ng Pilipinas ang pagkilala bilang isa sa mga nangungunang ‘Best Cruise Ship Destination’ sa Asya. Ang pagkilala ng ito ay ibinigay sa katatapos lamang ng 3rd Annual World Cruise Award na ginawa sa Dubai. Mahigpit na nakatunggali ng Pilipinas ang South Korea, Singapore, India, Japan, Sri Lanka, Taiwan, Thailand at Vietnam. Tinanghal naman ang… Continue reading Pilipinas, itinanghal bilang ‘Best Cruise Ship Destination’ sa Asya

Unang batch ng OFWs mula Israel, nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong araw

Inaasahan na darating sa Pilipinas mamayang hapon ang nasa 17 Overseas Filipino Workers na naipit sa kaguluhan sa Israel. Ayon sa Philippine Embassy sa Israel, 16 caregivers at isang hotel worker na mga kababayan natin ang magbabalik sa bansa lulan ng Etihad Airways Flight EY594. Kahapon umalis sa Israel ang 17 OFWs bandang 2:55 PM… Continue reading Unang batch ng OFWs mula Israel, nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong araw

British national na wanted sa kasong child pornography sa UK, naharang sa NAIA

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1 ang isang British national na wanted sa kanilang bansa dahil sa kasong child pornography. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang naturang Briton na si Anthony Collins, 42-anyos na nakarating sa Pilipinas buhat sa Kuwait. Batay sa… Continue reading British national na wanted sa kasong child pornography sa UK, naharang sa NAIA

Agarang pagtatatag ng humanitarian corridor sa Gitnang Silangan, ipinanawagan ng Philippine Red Cross

Nakiisa ang Philippine Red Cross sa panawagan hinggil sa agarang pagtatatag ng humanitarian corridor sa Gitnang Silangan upang mailikas ang lahat ng mga naipit sa gulo sa Israel partikular na sa Gaza strip. Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, kailangang kumilos agad ang international community upang mabilis na tugunan ang pangangailangan ng mga… Continue reading Agarang pagtatatag ng humanitarian corridor sa Gitnang Silangan, ipinanawagan ng Philippine Red Cross

Higit P12 bilyon na pondo, paghahatian ng mga lokal na pamahalaan na may mining operation

Aabot sa P12.8 bilyon na pondo ang paghahatian ng mga lokal na pamahalaan na may mining operation at energy development activities. Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, sa ilalim ng Local Government Code of 1991, mapupunta sa mga LGU ang 40% na kita mula sa pagmimina. Maliban pa ito sa internal revenue allotment… Continue reading Higit P12 bilyon na pondo, paghahatian ng mga lokal na pamahalaan na may mining operation

Bicolano solon, nababahala sa posibleng paglala ng sitwasyon sa Middle East dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hamas

Nagpahayag ng pagkabahala si Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na posibleng lumala ang tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hamas at mauwi sa mas malaking gulo sa Middle East. Tinukoy ng mambabatas ang pahayag ng White House national security officials kung saan maaaring lumawak ang kaguluhan sa Middle East kung makikisali na rin ang… Continue reading Bicolano solon, nababahala sa posibleng paglala ng sitwasyon sa Middle East dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hamas

LTO, nakakapag-imprenta na ng isang milyong plaka kada buwan

Kaya nang makapag-produce ng Land Transportation Office (LTO) ng nasa isang milyong plaka kada buwan. Ayon sa LTO, mayroon ngayong walong makina na gumagana sa kanilang planta para mapabilis ang produksyon ng plaka. Regular na nagsasagawa rin aniya ng inspeksyon si LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II sa stamping plant upang masiguro na walang aberya… Continue reading LTO, nakakapag-imprenta na ng isang milyong plaka kada buwan