Ilang senador, nanawagan na hintayin muna ang pinal na resulta ng imbestigasyon sa doping allegation vs. Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee

Iginiit ng ilang mga senador na dapat munang hintayin ang magiging resulta ng imbestigasyon kay Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee matapos nitong hindi pumasa sa doping test ng Asian Games. Ayon kay Senador Francis Tolentino, may pagkakataon pa kasi si Brownlee na iapela ang naging resulta. Pero sa pananaw ng senador ay hindi magagawa… Continue reading Ilang senador, nanawagan na hintayin muna ang pinal na resulta ng imbestigasyon sa doping allegation vs. Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee

Laban kontra ilegal na droga ng pamahalaan, dapat pang paigtingin — Sen. Dela Rosa

Sang-ayon si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa obserbasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tila lumalakas ulit ang drug trade sa Pilipinas. Kaya naman para kay Dela Rosa ay kailangan na itong tugunan sa lalong madaling panahon. Ibinahagi ng senador na base sa mga natatanggap… Continue reading Laban kontra ilegal na droga ng pamahalaan, dapat pang paigtingin — Sen. Dela Rosa

Sinasabing mass grave sa Sitio Kapihan, Socorro, Surigao del Norte, kasama sa sisilipin sa occular inspection ni Sen. Dela Rosa bukas

Tuloy na tuloy ang gagawing occular inspection ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs bukas sa Sitio Kapihan, Socorro, Surigao del Norte kung saan nakatira ang sinasabing kulto na Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI). Ayon kay Dela Rosa, wala pang ibang senador na nagkumpirma hanggang ngayon na makakasama sa kanya bukas pero ang… Continue reading Sinasabing mass grave sa Sitio Kapihan, Socorro, Surigao del Norte, kasama sa sisilipin sa occular inspection ni Sen. Dela Rosa bukas

Philippine Red Cross, nanawagan sa mga bansa na irespeto ang International Humanitarian Law sa gitna ng giyera sa Israel

Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga bansa na i-respeto ang International Humanitarian Law sa gitna ng nararanasang giyera sa Israel. Sa isang pahayag, sinabi ng PRC na mariing ipinagbabawal sa International Humanitarian Law ang panloloob, paghihiganti, paninira ng mga ari-arian, at pagdakip ng mga indibidwal. Hindi rin dapat matigil ang operasyon ng mga… Continue reading Philippine Red Cross, nanawagan sa mga bansa na irespeto ang International Humanitarian Law sa gitna ng giyera sa Israel

80% ng mga pampublikong transportasyon, mapaparalisa sa ikakasang tigil-pasada sa Lunes — Manibela

Kumpiyansa ang grupong Manibela na kaya nitong paralisahin ang 80% ng transportasyon sa Metro Manila sa Lunes sa gagawin nilang tigil-pasada. Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, mula sa 700 na ruta nila sa Metro Manila, 600 umano rito ang walang papasadang pampublikong sasakyan. Ani Valbuena, gabi pa lang ng Linggo ay mararamdaman na ang… Continue reading 80% ng mga pampublikong transportasyon, mapaparalisa sa ikakasang tigil-pasada sa Lunes — Manibela

MMDA, nakahandang umalalay sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikakasang tigil-pasada sa Lunes

Nagsagawa ng inter-agency meeting ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para talakayin ang mga hakbang o plano sa ikakasang tigil pasada ng transport group na Manibela sa Lunes. Pinangunahan ni MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana ang pulong kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan. Kabilang sa natalakay sa pulong, ang pagkakaroon ng multi-agency command… Continue reading MMDA, nakahandang umalalay sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikakasang tigil-pasada sa Lunes

MMDA, nakahandang umalalay sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikakasang tigil-pasada sa Lunes

Nagsagawa ng inter-agency meeting ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para talakayin ang mga hakbang o plano sa ikakasang tigil-pasada ng transport group na Manibela sa Lunes. Pinangunahan ni MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana ang pulong kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan. Kabilang sa natalakay sa pulong ang pagkakaroon ng multi-agency command center… Continue reading MMDA, nakahandang umalalay sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikakasang tigil-pasada sa Lunes

Ilang high impact program at projects, inaprubahan sa ika-10 NEDA Board meeting

Ilang high impact program at projects, inaprubahan sa ika-10 NEDA Board meeting Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang P270 billion na high impact programs at projects, sa isinagawang NEDA Board meeting ngayong araw (October 13) sa Malacañang. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na kinabibilangan ito… Continue reading Ilang high impact program at projects, inaprubahan sa ika-10 NEDA Board meeting

Subic freeport, inaasahang magiging abala muli sa pagdagsa ng mga turista lulan ng int’l cruise ships

11 international cruise ships, nakatakdang dumaong sa Subic Freeport matapos ang tatlong taong epekto ng global pandemic. Ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority, sinimulan ng Blue Dream Star, isang luxury vessel ang pagdaong sa freeport habang inaasahang mula ngayon hanggang November 21 ang pagdating ng 10 pang malalaking barko lulan ang libu-libong turista. Napag-alaman din… Continue reading Subic freeport, inaasahang magiging abala muli sa pagdagsa ng mga turista lulan ng int’l cruise ships

National Security Council, isusulong na maideklarang terorista ang grupong Hamas

Isusulong ng Anti-Terrorism Council na maideklara bilang terorista ang grupong Hamas. Ito ang inihayag ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año kasunod ng pag-atake ng nasabing grupo sa Israel. Ayon kay Año, bilang pakikiisa sa mga mamamayan ng Israel ay kanilang isusulong na maideklarang terorista ang Hamas sa ilalim ng Republic Act No. 11479, bilang… Continue reading National Security Council, isusulong na maideklarang terorista ang grupong Hamas