80% ng mga pampublikong transportasyon, mapaparalisa sa ikakasang tigil-pasada sa Lunes — Manibela

Kumpiyansa ang grupong Manibela na kaya nitong paralisahin ang 80% ng transportasyon sa Metro Manila sa Lunes sa gagawin nilang tigil-pasada. Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, mula sa 700 na ruta nila sa Metro Manila, 600 umano rito ang walang papasadang pampublikong sasakyan. Ani Valbuena, gabi pa lang ng Linggo ay mararamdaman na ang… Continue reading 80% ng mga pampublikong transportasyon, mapaparalisa sa ikakasang tigil-pasada sa Lunes — Manibela

MMDA, nakahandang umalalay sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikakasang tigil-pasada sa Lunes

Nagsagawa ng inter-agency meeting ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para talakayin ang mga hakbang o plano sa ikakasang tigil pasada ng transport group na Manibela sa Lunes. Pinangunahan ni MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana ang pulong kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan. Kabilang sa natalakay sa pulong, ang pagkakaroon ng multi-agency command… Continue reading MMDA, nakahandang umalalay sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikakasang tigil-pasada sa Lunes

MMDA, nakahandang umalalay sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikakasang tigil-pasada sa Lunes

Nagsagawa ng inter-agency meeting ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para talakayin ang mga hakbang o plano sa ikakasang tigil-pasada ng transport group na Manibela sa Lunes. Pinangunahan ni MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana ang pulong kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan. Kabilang sa natalakay sa pulong ang pagkakaroon ng multi-agency command center… Continue reading MMDA, nakahandang umalalay sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikakasang tigil-pasada sa Lunes

Ilang high impact program at projects, inaprubahan sa ika-10 NEDA Board meeting

Ilang high impact program at projects, inaprubahan sa ika-10 NEDA Board meeting Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang P270 billion na high impact programs at projects, sa isinagawang NEDA Board meeting ngayong araw (October 13) sa Malacañang. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na kinabibilangan ito… Continue reading Ilang high impact program at projects, inaprubahan sa ika-10 NEDA Board meeting

Subic freeport, inaasahang magiging abala muli sa pagdagsa ng mga turista lulan ng int’l cruise ships

11 international cruise ships, nakatakdang dumaong sa Subic Freeport matapos ang tatlong taong epekto ng global pandemic. Ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority, sinimulan ng Blue Dream Star, isang luxury vessel ang pagdaong sa freeport habang inaasahang mula ngayon hanggang November 21 ang pagdating ng 10 pang malalaking barko lulan ang libu-libong turista. Napag-alaman din… Continue reading Subic freeport, inaasahang magiging abala muli sa pagdagsa ng mga turista lulan ng int’l cruise ships

National Security Council, isusulong na maideklarang terorista ang grupong Hamas

Isusulong ng Anti-Terrorism Council na maideklara bilang terorista ang grupong Hamas. Ito ang inihayag ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año kasunod ng pag-atake ng nasabing grupo sa Israel. Ayon kay Año, bilang pakikiisa sa mga mamamayan ng Israel ay kanilang isusulong na maideklarang terorista ang Hamas sa ilalim ng Republic Act No. 11479, bilang… Continue reading National Security Council, isusulong na maideklarang terorista ang grupong Hamas

DOTr at UNDP, nagbigay ng e-vehicles sa ilang LGUs

Nagbigay ang Department of Transportation (DOTr) at United Nations Development Programme (UNDO) ng mga electric vehicle, EV charging station, at iba pang transport equipment sa mga lokal na pamahalaan ng Pasig, Baguio, Santa Rosa, at Iloilo. Bahagi ito ng hakbang ng DOTr na isulong ang ‘low carbon urban transport systems’ sa Pilipinas. Sa isinagawang turnover… Continue reading DOTr at UNDP, nagbigay ng e-vehicles sa ilang LGUs

PNP, handang magbigay ng libreng sakay para sa mga maiistranded kasabay ng tigil-pasada sa Lunes

Handa ang Philippine National Police (PNP) para sa posibleng epektong dulot ng ikakasang tigil-pasada ng grupong MANIBELA sa Lunes, Oktubre 16. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, mayroon naman silang sapat na mga tauhan para umalalay sa mga motorista gayundin sa mga pasaherong maaabala dahil dito. Gagamitin din ng PNP… Continue reading PNP, handang magbigay ng libreng sakay para sa mga maiistranded kasabay ng tigil-pasada sa Lunes

DFA, iminumungkahi ang pagtatatag ng tatlong ‘sea lanes’ ng Pilipinas

Isinusulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagtatatag ng tatlong ruta sa karagatan ng Pilipinas na maaaring daanan ng mga dayuhang barko. Sa naging pagdinig ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na ito ang nagkakaisang posisyon ng executive branch patungkol sa Archipelagic Sea Lanes (ASL)… Continue reading DFA, iminumungkahi ang pagtatatag ng tatlong ‘sea lanes’ ng Pilipinas

Hindi pagpapabilang sa EDSA People Power Revolution sa 2024 Special non-working day list, ipinaliwanag ng Malacañang

Nirirespeto ng Malacañang ang pag-alala sa EDSA People Power Revolution at ang kahulugan ng kaganapang ito. Gayunpaman, pumatak ang February 25, 2024 sa araw ng Linggo kaya’t hindi na ito isinama sa opisyal na listahan ng 2024 special non-working days. Ayon sa Office of the President (OP), mayroong minimal socio-economic impact ang pagdi-deklara ng February… Continue reading Hindi pagpapabilang sa EDSA People Power Revolution sa 2024 Special non-working day list, ipinaliwanag ng Malacañang