Pilipinas, nakatakdang mag-host sa Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa 2024

Nakatakdang mag-host ang Pilipinas sa taunang Asia Pacific on Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction and Management Council sa susunod na taon. Sa launching ng official hosting ng Pilipinas sa ASIA Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction 2024, sinabi ni Defense Secretary Gibo Teodoro ang kahalagahan ng naturang ministerial meeting dahil isa ang ating… Continue reading Pilipinas, nakatakdang mag-host sa Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa 2024

One month subscription ng anti-virus software ng PhilHealth, pinuna ng isang kongresista

Nababahala ang isang party-list solon sa ulat na ang anti-virus software ng PhilHealth ay naka-one month subscription lang. Ayon kay ANAKALUSUGAN party-list Rep. Ray Reyes hindi katanggap-tanggap na parang trial version lang ng anti-virus software ang solusyon ng PhilHealth matapos ang data breach sa kanilang sistema. Aniya imbes na salary increase ng mga empleyado ay… Continue reading One month subscription ng anti-virus software ng PhilHealth, pinuna ng isang kongresista

Labi ni Marjorette Garcia, OFW sa Saudi Arabia na pinaslang, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang labi ng pinaslang na si Marjorette Garcia sa bansa kaninang umaga. Sakay ng Philippine Airline flight 683 mula Damam, Saudi Arabia, lumapag sa Ninoy Aquino Terminal 3 pasado alas-10 ng umaga at personal na sinalubong sa Philippine Airlines cargo area ang mga labi ni OWWA Administrator Arnel Ignacio at mga… Continue reading Labi ni Marjorette Garcia, OFW sa Saudi Arabia na pinaslang, dumating na sa bansa

Instant pinakbet at chopsuey, inilunsad ng DA at Farm Fresh

Hindi na kailangang laging mag-instant noodles dahil may mas mura at masustanya nang opsyon na alok ang Department of Agriculture at Farm Fresh Inc. Pormal na inilunsad ngayon ang Instant Pinakbet at Chopsuey na mula sa Adopt-A-Town, Adopt-A-Farmer Program sa pangunguna ni DA Senior Usec. Domingo Panganiban, Farm Fresh Products founder Jerry Pelayo at Special… Continue reading Instant pinakbet at chopsuey, inilunsad ng DA at Farm Fresh

DOE sa mga mambabatas: Pag-aralan ang tax system ng Energy sector hinggil sa panukala na suspendihin ang Excise Tax sa petrolyo

Nais irekomenda ng Department of Energy (DOE) sa mga policy makers sa bansa na pag-aralan ang tax system ng Energy sector hinggil sa ilang panukala sa Kongreso na suspendihin na ang Excise Tax sa produktong petrolyo. Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, mahalaga na pag-aralan muna ng policy makers ang mga sektor na natutulungan sa… Continue reading DOE sa mga mambabatas: Pag-aralan ang tax system ng Energy sector hinggil sa panukala na suspendihin ang Excise Tax sa petrolyo

Pinakamaraming medalya sa track and field events ng ROTC Games, nakamit ng City of Malabon University

Pinakamaraming medalya ang nakamit ng City of Malabon University (CMU) cadets sa walong kategorya ng track and field event sa Philippine Reserve Officer Training Corps (ROTC) Games 2023. Sa awarding ceremony sa PhilSports Complex Track and Field Oval, Pasig City, nitong Miyerkules, ginawaran ng tatlong gintong medalya ang CMU cadets sa 4×100-meter relay men, at… Continue reading Pinakamaraming medalya sa track and field events ng ROTC Games, nakamit ng City of Malabon University

Office of the President, hinimok na ilaan ang bahagi ng Confidential at Intelligence Fund nito para madagdagan ang pondo ng social services

Inudyukan ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman ang Office of the President na ilaan ang bahagi ng ₱4.5-billion Confidential and Intelligence Fund nito sa ibang ahensya para pandagdag pondo sa social services. Ayon kay Lagman maaaring gayahin ang ginawa ng Office of the Ombudsman at Office of the Solicitor General na binawasan ang CF.… Continue reading Office of the President, hinimok na ilaan ang bahagi ng Confidential at Intelligence Fund nito para madagdagan ang pondo ng social services

Kamara, nangako na patuloy na tututukan ang lahat ng legislative agenda ng adminsitrasyon kasunod ng mataas na satisfaction rating ng House Speaker

Nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa patuloy na kumpiyansa ng mga Pilipino sa trabaho ng Kapulungan. Ito’y matapos makakuha ang House leader ng mataas na net satisfaction rating sa isinagawang Pulso ng Pilipino tracking survey ng The CENTER. “I am mighty humbled by the feedback of our kababayans on the work that the House… Continue reading Kamara, nangako na patuloy na tututukan ang lahat ng legislative agenda ng adminsitrasyon kasunod ng mataas na satisfaction rating ng House Speaker

600 pulis, sinasanay para maging Board of Election Inspectors sa Barangay at SK Elections

Sinasanay ng Commission on Elections (COMELEC) ang 600 pulis para maging Board of Election Inspectors (BEIs). Ito ay bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa October 30. Itatalaga ang mga pulis sa Bangsamoro Autonomous Region kung saan matatagpuan ang karamihan sa mga lugar na klasipikado sa Red category dahil sa naitalang karahasan.… Continue reading 600 pulis, sinasanay para maging Board of Election Inspectors sa Barangay at SK Elections

DOE, patuloy ang pag-iisip ng mga polisya sa pagsusulong sa mas murang electric vehicle sa bansa

Nagpapatuloy ang Department of Energy (DOE) sa pag-iisip ng mga polisya sa pagsusulong ng mas mura at abot kayang electric vehicle sa Pilipinas. Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, nag-iisip na ang kagawaran upang mas mapababa ang presyo ng electric vehicle sa bansa. Dagdag ni Fuentebella na kinakailangan na mas maging competitive ang presyo ng… Continue reading DOE, patuloy ang pag-iisip ng mga polisya sa pagsusulong sa mas murang electric vehicle sa bansa