Mambabatas, hinimok ang pamahalaan na suportahan ang produksyon ng mas murang modern jeep

Nanawagan si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa pamahalaan na pababain pa ang presyo ng modern jeep. Ayon kay Salceda kung maibaba sa P600,000 ang kada unit ng modern jeep mula sa kasalukuyang ₱2 million ay mas magiging “viable” ito para sa mga jeepney driver at operator. Kasabay nito ay dapat din… Continue reading Mambabatas, hinimok ang pamahalaan na suportahan ang produksyon ng mas murang modern jeep

Social media post na nagsasabing walang klase ngayong araw sa Pasay, tinawag na fake news

Mariing pinabulaanan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang kumakalat sa social media na nagsasabing kanselado umano ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw dahil sa bagyong Amang. Ayon sa Pasay City LGU, hindi nagmula sa kanilang tanggapan ang lumabas na abiso kaya’t malinaw na hindi ito opisyal at hindi dapat kilalanin ng… Continue reading Social media post na nagsasabing walang klase ngayong araw sa Pasay, tinawag na fake news

DepEd at EDCOM II, tututukan ang priority areas para mapabilis ang reporma sa basic education

Inilatag ng Department of Education (DepEd) at Second Congressional Commission on Education ang priority areas na tututukan upang tugunan ang krisis sa edukasyon sa bansa. Malugod na tinanggap ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga suhestyon ng EDCOM II Commissioners at Advisory Council, sa pagpupursige ng transformative, konkreto at targeted reforms upang… Continue reading DepEd at EDCOM II, tututukan ang priority areas para mapabilis ang reporma sa basic education

Higit ₱3.9-M halaga ng high grade marijuana mula USA, nasamsam ng PDEA

Aabot sa dalawang kilo ng high-grade marijuana (kush) ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang controlled delivery operation sa Sta.Cruz Maynila. Ayon kay PDEA Director General Amoro Vergilio Lazo, nagkakahalaga ang illegal drugs ng Php 3,923,700. Ang parcel na isang malaking kahon ay nabawi ng PDEA agents sa consignee na si Jeric Herrera,… Continue reading Higit ₱3.9-M halaga ng high grade marijuana mula USA, nasamsam ng PDEA

90,000 indibidwal, apektado ng pananalasa ng bagyong Amang — NDRRMC

Umabot na sa 25,762 pamilya o katumbas ng 95,337 indibidwal ang apektado ng bagyong Amang.Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga naapektuhan ay residente ng 162 barangay sa Region 5. Nasa halos 3,000 mga pamilya o katumbas ng mahigit 12,000 mga indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 76 na evacuation… Continue reading 90,000 indibidwal, apektado ng pananalasa ng bagyong Amang — NDRRMC

Ex-Deputy Chief for Operations ng PNP, itinangging may kinalaman sa umano’y cover-up sa narekober na 990 kilo ng shabu

Mariing itinanggi ni dating PNP Deputy Chief for Operations Police Lt. Gen. Benjamin Santos na may kinalaman siya sa sinasabi ni DILG Sec. Benhur Abalos na cover-up kaugnay ng narekober na 990 kilo ng shabu mula kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo. Sa pulong balitaan ngayong umaga sinabi ni Gen. Santos na nagdiriwang siya ng… Continue reading Ex-Deputy Chief for Operations ng PNP, itinangging may kinalaman sa umano’y cover-up sa narekober na 990 kilo ng shabu

Unpaid claims ng distressed OFWs sa Saudi Arabia, maibibigay na ngayong taon ayon sa DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na nasa final stage na ang pakikipag-usap sa gobyerno ng Saudi Arabia hinggil sa hindi nabayarang claims ng Overseas Filipino Workers na nawalan ng trabaho matapos mabangkarote ang pinasukang kumpanya. Sa pulong-balitaan ngayong umaga, sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na kumpiyansa silang maibibigay na ang claims para sa… Continue reading Unpaid claims ng distressed OFWs sa Saudi Arabia, maibibigay na ngayong taon ayon sa DMW

ARTA at DMW, magtutulungan para mapabili ang proseso ng OFW deployment

Makakatuwang na rin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) para mapabilis ang proseso ng OFW deployment sa bansa. Nakipagpulong na si ARTA Sec. Ernesto V. Perez kay DMW Sec. Maria Susana V. Ople para talakayin ang mga paraan para maging mas madali at epekto ang deployment process sa Overseas Filipino… Continue reading ARTA at DMW, magtutulungan para mapabili ang proseso ng OFW deployment

Mga biyahe sa NAIA, balik normal na matapos ma-divert dahil sa masamang panahon kagabi

Nakabalik na sa normal ang biyahe ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ngayong araw. Ito’y matapos maperwisyo ang may daan-daang pasahero kasunod ng ginawang flight diversion matapos magdulot ng zero visibility ang malakas na ulan dulot ng Low Pressure Area o LPA na dating Bagyong Amang kahapon. Batay sa abiso ng… Continue reading Mga biyahe sa NAIA, balik normal na matapos ma-divert dahil sa masamang panahon kagabi

AMA founder, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr., bilang Special Envoy for Trade and Investment sa Japan

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tinaguriang father of computer education in the Philippines na si Dr. Amable Aguiluz V, bilang Special Envoy of the President to Japan for Trade and Investment. Si Aguiluz na siyang founder ng AMA University and Computer Colleges ay may termino bilang special envoy ng hanggang anim na… Continue reading AMA founder, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr., bilang Special Envoy for Trade and Investment sa Japan