PH Red Cross, umapela sa publiko na maging responsable sa pagtawag sa kanilang 143 hotling

Nanawagan ang Philippine Red Cross sa publiko na maging responsable sa paggamit ng kanilang hotline 143 at huwag itong gamitin para sa prank call. Ito’y ayon kay PRC Chairman at dating Sen. Richard Gordon ay kasunod ng mga natatanggap nilang ulat hinggil sa mga emergency call na hindi nakapapasok sa sistema dahil may ilang inaabuso… Continue reading PH Red Cross, umapela sa publiko na maging responsable sa pagtawag sa kanilang 143 hotling

Pamamahagi ng Emergency Cash Transfer sa Mountain Province, halos patapos na — DSWD

Halos 100 percent nang tapos ang pamamahagi ng emergency cash transfer (ECT) ng Department of Social Welfare and Development sa mga benepisyaryo sa Mountain Province. Mula sa kabuuang 389 indibidwal na naapektuhan ng bagyong Egay at Falcon, 383 na ang nabigyan ng tulong pinansyal o 98.71 percent ng target beneficiaries ng ECT. Sa ulat ng… Continue reading Pamamahagi ng Emergency Cash Transfer sa Mountain Province, halos patapos na — DSWD

23 anak ng mga nasawing pulis, nakatanggap ng scholarship sa Bayaning Pulis Foundation

Pinagkalooban ng Bayaning Pulis Foundation ng Educational Grant and Assistance ang 23 mag-aaral na dependent ng mga nasawing pulis, na kabilang sa 3rd batch ng mga benepisyaryo ng kanilang scholarship program. Ang simpleng seremonya na isinagawa sa Meridian Innovation Center, Double Dragon Meridian Park sa Pasay City ay pinangunhanan ni Bayaning Pulis Foundation Inc. Chairman… Continue reading 23 anak ng mga nasawing pulis, nakatanggap ng scholarship sa Bayaning Pulis Foundation

Seguridad sa gaganaping FIBA World Cup sa August 25, nakalatag na — NCRPO

Nakalatag at handa na ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa pagdating ng mga delegado sa gaganaping FIBA World Cup sa darating na August 25. Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Police Brigader General Jose Nartatez Jr na nakalatag na ang security measures sa pagdating ng mga delegado sa Philippine Arena at iba… Continue reading Seguridad sa gaganaping FIBA World Cup sa August 25, nakalatag na — NCRPO

Joint air assault sa palawan, isinagawa sa “ALON 23” RP-Australia Military Exercise

Nagsagawa ngayong araw ng Joint Air Assault exercise ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Australian Defense Force (ADF) sa Punta Baja, Rizal, Palawan. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lieutenant Colonel Enrico Gil. Ileto, ito ang unang malakihang sabayang ehersisyo ng dalawang pwersa sa ilalim ng Indo-Pacific Endeavour (IPE) ng Australia. Dito… Continue reading Joint air assault sa palawan, isinagawa sa “ALON 23” RP-Australia Military Exercise

Barangay Caravan, inilunsad ng San Juan LGU; Iba’t ibang libreng serbisyo, alok sa mga residente  

Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan ang ‘Makabagong San Juan Barangay Caravan’ sa Barangay Onse. Layon nitong ilapit sa mga komunidad ang mga serbisyo ng city hall gaya ng serbisyong pangkalusugan, legal, trabaho, at iba pa. Bahagi na rin ng caravan ang Public Assistance Center ng lungsod, para sa mga nangaingailangan ng medical,… Continue reading Barangay Caravan, inilunsad ng San Juan LGU; Iba’t ibang libreng serbisyo, alok sa mga residente  

Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo sa taas-singil sa produktong petrolyo bukas

Naglabas na ang mga kumpanya ng langis ng presyo sa naka-ambang taas-singil sa produktong petrolyo, bukas. Simula mamayang alas-12 ng hating gabi magkakaroon ng taas-singil ang kumpanyang Caltex ng P1.10 sa kada litro ng gasolina, habang P0.20 naman sa kada litro ng diesel, at P0.70 naman sa kerosene. Bukas naman ng alas-6 ng umaga, magpapatupad… Continue reading Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo sa taas-singil sa produktong petrolyo bukas

Panibagong panawagan para repasuhin ang prangkisa ng NGCP, inihirit ng AnaKalusugan party-list solon

Isa pang mambabatas ang nanawagan para sa pagrepaso ng prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines. Ito’y matapos matuklasan na hindi binayaran ng NGCP ang kanilang 3% franchise tax sa loob ng 12 taon at sa halip ay ipinasa ito sa mga konsyumer. “Hindi makatarungan na sa loob ng 12 taon hindi nagbayad ng… Continue reading Panibagong panawagan para repasuhin ang prangkisa ng NGCP, inihirit ng AnaKalusugan party-list solon

Operasyon ng Pasig River Ferry Service, tuloy-tuloy kahit holiday

Tuloy-tuloy pa rin ang serbisyong hatid ng Pasig River Ferry Service sa mga pasahero, kahit pa walang pasok ang karamihan dahil sa holiday ngayong araw. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa katunayan ay mananatiling operational ang Pasig River Ferry Service sa iba pang mga araw na idineklarang holiday. Bukod sa idineklarang special non-working… Continue reading Operasyon ng Pasig River Ferry Service, tuloy-tuloy kahit holiday

NTF-ELCAC, nakiisa sa paggunita ng “International Day of Remembrance and Tribute to the Victims of Terrorism”

Ipinahayag ni National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., ang pakikiisa ng Pilipinas sa United Nations at pandaigdigang komunidad sa paggunita ng “International Day of Remembrance and Tribute to the Victims of Terrorism”. Ang paggunita ngayong Agosto 21, ay may temang “Legacy: Finding Hope and… Continue reading NTF-ELCAC, nakiisa sa paggunita ng “International Day of Remembrance and Tribute to the Victims of Terrorism”